Warning: Maikli lang to. Madidisappoint ka sa chapter na to kasi hindi ko mapanindigan! Hahahah!Sorry! Pwede namang sa next update ko na lang ikaw magbasa ulit. Hehe ✌🏻️✌🏻️✌🏻️
Nandito na kami ni Vic sa gitnang banda ng gubat, may isang maliit na lagoon kung saan may limang flags na nakatirik. Tiningnan ko ang oras sa relo. 4:30 na ng hapon. Na ang ibig sabihin ay may isang oras din kaming naglakad.
"I told you nandito ang flag." Sabi niya. Pawis na pawis kaming dalawa at medyo hingal na talaga ako. "3 minutes, we'll get the flag then we'll go get water."
"Saan tayo kukuha ng tubig?" Tanong ko. Tumayo na ko sa pagkakaupo.
"May kubo sila Kim dito where we can get fresh water." Pinahiran niya ang pawis niya gamit ang sleeve ng rash guard niya. "The bullies are coming, nararamdaman ko. Tara na." Then she grabbed the flag.
Hinatak na niya ako paalis. We are following a certain trail and by the looks of it, kabisado nga niya itong isla.
We walked for another 20 minutes or so, we stopped in front of a big boulder and pinaupo niya ko dito. Mula rito ay natatanaw ko na ang dagat.
Kinuha niya ang flag at kinuha ang isang pink na papel na nakalakip dito.
5 leaves with the same shape and size from different plant species
A white wild flower
Find Nemo and Dory, do not touch them
Find something that's perfectly round
Go to all the shore lines of this island
5 crabs, dead or alive
Find a starfish, caution: do not take them out of the water
3 jellyfish of different colors, be careful
Watch the sunset and the sunrise
Build me a sandcastle
Build me a bird cage
I hid a packed food somewhere out here, enjoy!I will wait for you until 12nn tomorrow.
Do not just get them, perfect them.
Again, get me what I want, I'll give you anything you want.
Good luck!
Wow naman! Ang specific naman ni ate Rossan sa mga kailangan niya!
"Pano natin dadalhin sa kanya si Nemo at si Dory without touching them? Pano natin siya dadalhan ng starfish without getting it out of the water? Paano niya malalaman na pinanuod natin ang sunset at sunrise? O kung napuntahan natin lahat ng shoreline dito?" Kunot noo kong tanong.
"That's why we bought our phones diba? Malas ang nagiwan ng phone." Tawa niya. "Let's go na. Grab every leaf you can while walking. Oh," sabay abot niya sakin ng plastic bag na kinuha niya mula sa bag niya. "There are 9 beaches on this island. Kailangan mapuntahan natin ang malalayo bago pa magdilim."
Mabilis na kaming naglakad. Sa unang beach na napuntahan namin ay inabot kami ng 30 minutes sa paglalakad, ito siguro ang pinakamalayo. Nagselfie lang kami dun at pinicturan niya lang ang paligid gamit ang phone niya.
Ang next na beach na pinuntahan namin ay 10 minutes away lang, ganun lang ulit ang ginawa namin. But instead of going back dun sa trail na nilabasan namin, ay sa kabilang side kami pumasok. Nakasalubong namin sina Carol at Tin. Nag high five lang sila samin at tumakbo na papuntang beach.
"Tara dito." Hatak sakin ni Vic papunta sa isang napakalaking puno na nakausli ang mga ugat. "Careful." Paalala niya pa.
Sa likod nitong puno ay may maliliit na mga halaman. Oh my gosh!!! White wildflower!
"Dito lang tumutubo ang mga to." Sabi niya habang maingat na pumitas ng siguro mga limang piraso. Pinili niya ang mga pinakamalalaki.
Anim na beach na ang nadaanan namin. Natawa nga siya at hindi inexpect na makakaanim kami agad. Na overestimate niya daw ang layo ng beach sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mess (Mika Reyes - Ara Galang - Cienne Cruz)
Fanfiction"It's a beautiful mess, and it's deep down, down." This is a KaRa-CiennAra fanfic.