Chapter 14

1.2K 57 6
                                    


Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Babangon na sana ako nang...

"Anong ginagawa mo na naman dito?!" Bulalas ko. Paano ba naman ako hindi mapapasigaw umagang umaga? Nandito na naman siya! Nakaupo sa paanan ng higaan ko.

"It's Saturday. Gagawin natin project natin ngayong araw. Tatapusin na natin." Tumayo siya at tiningnan ako. "You're so beautiful when you're sleeping, Mika." Nagsmile siya at tumayo na. "Hintayin na lang kita sa baba."

Napanuod niyo ba ang Twilight Saga? Nakita niyo ba ang reaction ni Bella nung nagising siyang nakatitig sa kanya si Edward?

My gad! Hindi naman ganun ang reaction ko, pero ang creepy kasi. Pati hindi ko din alam kung kikiligin ako dahil maganda daw ako, o maiinis kasi maganda daw ako kapag tulog.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng pinto, pero bago pa niya tuluyang masara ang pinto ay sumilip muna siya at muling nagsalita.

"Cienne, knows I'm here. So please. Wag mo na kong sumbatan ng kung anu ano. Thanks." Saka niya sinara ang pinto ng kwarto ko.

Napatakip ako ng unan sa mukha. Gusto kong sumigaw at magwala! Saturday ngayon kaya time ko sana to para sa sarili ko, magreflect sa actions at feelings ko.

Nakakainis lang kasi hirap na nga ako sa pagpigil ng nararamdaman ko sa kanya, tapos ngayon mas lalo niya pa kong pinahihirapan. Paano ko pipigilan tong nararamdaman ko kung siya tong dikit ng dikit at lapit ng lapit sakin?

Alam niyo ba yung pakiramdam na mahal mo ang kaibigan mo pero may kung anong nararamdaman ka din sa jowa niya? Yung kahit saang anggulo mo tingnan ikaw ang mali? Ikaw ang outsider? And worse? Your friend trusts you, with all her heart, with everything she is. Worst? Yung partner niya pa ang lapit ng lapit sayo. At ang pinakamalala talaga? Eh hindi mo maiwasan, hindi mo matanggihan kasi sa mga mata ng lahat ng tao ay magkakaibigan kayo and for some unfortunate reasons, you belong to one, and I mean only one, circle of friends.

Isa lang ang rason kung bakit mo siya kailangang iwasan, kasi unti unti ka ng nahuhulog. And pwede mo bang gamiting rason yan sa kanya? Sa kanila? And if they found out? Damay damay na lahat sa sakit. That feeling of betrayal is something na hindi ko kayang iparamdam kay Cienne.

I can't give her that when all she has given me was nothing but kindness. Kaya wala talaga akong ginawa o gagawin na ikakasira nilang dalawa. Hindi ko kaya. Kaya ganito man ang nararamdaman ko ngayon, though paghanga lang talaga ito for me, ay susubukan ko talagang pigilan. I-supress. I want to and I need to.

Last night, pagkatapos ng encounter na yun namin ni Vic sa labas ay nagpaalam na agad siya sa mga pinsan ko at umuwi. Lasing naman na din ang mga pinsan ko nun kaya di na nila napansin yung nangyari.

At heto na naman siya ngayon, nandito na naman na parang walang nangyari. Now tell me, paano ko nga ulit pipigilan at kakalimutan?

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Bumangon na din ako at kumuha ng mga damit sa cabinet ko. Paglabas ko ng kwarto ay dumiretso ako sa CR dito sa taas para maligo at magtoothbrush.

Pagbaba ko ay naabutan ko sa sala si Vic, tinutulungan si Miko na i-build ang kanyang.. wait.. ano to? Bat meron siya nito?

"Kanino galing yan, Miko?" Kunot noo kong tanong saka naupo sa sofa. Nasa sahig silang dalawa.

"Hi ate, Ye. Good morning." Sagot niya na hindi man lang nakatingin sakin.

"Pinabibigay ni Cienne kay Miko." Singit naman ng isa na hindi man lang din ako tinitingnan.

"Ang mahal niyan! Miko, nanghingi ka ba?"

Umiling lang ang kapatid ko.

At nanlaki naman ang nga mata ko pagbaling ko ng tingin sa baba ng TV rack namin. May limang box pa ng Lego. Transformers series siguro ito dahil ang characters sa labas ng box ay sina Optimus Prime, Megatron, Thundercracker, Trypticon, at Bonecrusher. At pagtingin ko naman sa ginagawa ng kapatid ko at ni Vic ay pawang mga yellow at black at gray ang color ng pieces. Si Bumblebee ata ang ginagawa nila.

A Beautiful Mess (Mika Reyes - Ara Galang - Cienne Cruz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon