>Hi, Mika. Sleep ka na?>Napagod ka ba sa game? Wala ka nga ginawa eh.. hehe
>Uy, pag may naisip ka ng hingin kay ate Rossan sabihin mo agad sakin ha? O kay Kim
>Pssst. Busy ka ba? Ang aga pa kaya para matulog. Di ka din nagrereply sa groupchat
>What time ka puntang school bukas? Sabay tayo? Commute lang din ako tmr
>Pst. Kahit tawag ko di sinasagot oh..
>Nakahiga na ko. Reply ka naman. Sabay tayo sleep.
>Mika... naiilang ka ba dahil sa nangyari? Wag na wag kang maaakward please :(
>Freecut naman class natin bukas, pwede na ba nating gawin ung proj natin sa Lit?
>Mukhang tulog ka na nga. Goodnight, Mika! :*
Minuto lang ang pagitan ng bawat text ni Vic. May isang missed call pa. Hindi ko siya magawang replyan. Parang feeling ko niloloko namin si Cienne, kahit hindi naman. Kahit wala naman talaga kaming ginagawang masama.
Pagkatapos niya kong yakapin kahapon ay nagiba ang tingin ko sa kanya. Parang hindi na ko kumportable na clingy siya sakin, parang bawat paghawak niya sakin, o pag akbay, feeling ko may malisya na.
When she said na marami siyang naisip... at naramdaman nung pinanuod niya kong matulog, hindi ko na rin alam kung ano ang dapat kong isipin at kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi naman niya sinabi sakin kung ano ang naisip niya.
It's either nagbago ang tingin niya sakin o ang pagtingin ko sa kanya ang lalong lumalim. Clueless ako sa nararamdaman niya at nalilito ako sa nararamdaman ko.
This can't be. I mean.. ako ang outsider sa friendship nila ng bullies. Sino naman ako para pumasok sa buhay nila at guluhin lang ang matagal at matatag nilang samahan? They've only known me for at least a month yet parang isa pala akong kontrabida na posibleng pagmulan ng away nila.
Ayokong maging ganun. Ayokong ako ang makakasira sa kanila. Ayokong ako ang kontrabida. Sanay ako na supporting crew ako. I wouldn't want.. I never wanted to be in the spotlight. Buti sana kung magiistand out ako sa mabuting gawain, but to ruin a friendship.. a relationship like theirs? No!
So today, I decided na as much as possible iiwas ako sa kanila. Though classmate ko si Carol ngayon, at least isang subject lang. In fact, isa lang ang class ko today. Free cut ang class namin ni Vic at ang class ko after that ay free cut rin.
Mapapadali ang pagiwas ko sa kanila. Bukas hindi ko rin naman sila classmate. Sa Wednesday sasabihin kong may group project akong gagawin. Sa Thursday sa labas ako maglulunch kasama si Papa, at sa Friday? Hmm.. wala pa kong maisip.
Hay!
Pumasok na ko sa loob ng campus. And instead of going directly to the caf ay nag detour ako going to the library. Maghahanap na lang ako ng books na pwedeng gamitin sa project namin ni Vic. Sasabihan ko na lang siya kung anong book ang gagamitin ko.
Pagkapasok ko pa lang sa library ay gusto ko ng lumabas agad. Nandito sina Cienne, Carol, at Camille. Nakita ko silang nakaupo sa table malapit sa corner ng librarian.
Tatalikod na sana ako pero nagsalita si Carol, "Mika, over here." Hindi naman gaanong malakas ang boses niya kaya hindi naman siya nasita ng librarian na mukhang pinagkaitan ng kasiyahan sa sobrang sungit at bugnutin.
O baka dahil ka close din siya ng bullies? Who knows?
"Hi, morning." Bati ko sa kanila at isa isa silang ni hug. "Sorry, tulog na ko kagabe. Di ako nakareply sa groupchat. Bakit pala kayo nandito?"
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mess (Mika Reyes - Ara Galang - Cienne Cruz)
Fanfiction"It's a beautiful mess, and it's deep down, down." This is a KaRa-CiennAra fanfic.