First and foremost, I would like to give credits to the owners of all the photos I used. I'm so sorry if I had to crop the watermarks and some people from the photo. I'm really sorry! Just for the sake of the story. I cannot mention all of you, but you know who you are. If merong mga against sa paggamit ko ng photos nila, you can tell me, send me a message or whatever, I'd be willing to remove your photo from this chapter.
Again, this is a fanfiction. None of what I'm writing here is real.
First time kong gagawin to so pasensya kung hindi ko mabibigyan ng hustisya. Saka maikli lang.
This is a CiennAra bonus chapter.
-----------
Kanina pa ako papalit palit ng posisyon pero hindi pa rin ako makatulog. Ala una na ng madaling araw. Iniisip ko si Cienne. Iniisip ko si Vic. Ni hindi na ako nakapag review ng notes kakaisip sa kanila.
Hindi idinetalye ni Cienne ang paghihiwalay nila ni Vic. Si Vic hindi ko na nakita bago ako umuwi. Hindi rin siya napunta dito sa bahay pero buong gabi niya kong tinadtad ng text na hindi ko kayang sagutin.
Gusto kong pakalmahin muna ang sitwasyon. Gusto kong pakalmahin muna ang sarili ko, ang nararamdaman ko.
Kailangan ko ng matulog, kailangan kong magising ng maaga dahil may film viewing kami sa class namin ni Carol.
Kailangan ko ng pampaantok.
Binuksan ko ang isang social media app sa cellphone ko. Una kong tiningnan ang profile ni Cienne. Pero ang huling post niya ay 3 months ago pa. Nagshare lang siya ng isang video na nakakatawa. Napansin ko rin na hindi mahilig sa social media si Cienne, katwiran niya ay gusto niya ng private na buhay. Pero napansin kong naka in a relationship siya kay Vic. Kaya sa profile ni Vic ako napadpad.
Victonara Salas Galang
Friends: 396
Posts: 228
❤️ in a relationship with Cienne CruzJuly 7, 2016 👥
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mess (Mika Reyes - Ara Galang - Cienne Cruz)
Fanfiction"It's a beautiful mess, and it's deep down, down." This is a KaRa-CiennAra fanfic.