Ginusto mo to, Mika.
Kaya anong karapatan mong umiyak iyak diyan?
Kanina pa ko panay tingin sa phone ko. Tulo lang din ng tulo ang mga luha ko. Magang maga na ang mga mata ko. Wala talagang mensahe o tawag galing kay Vic. Wala din sa bullies.
After last night, after I asked Vic that favor ay wala na kong alam kung anong ginawa niya. Hindi na siya nagrereply sakin o nasagot sa mga tawag ko.
Sabado ngayon, maaga akong nag-ayos at piniling bumiyahe kasama ang pamilya ko pauwi dito sa Lola ko sa Bulacan. I was expecting na dito madidistract ako, na makakapag-review ako ng maayos kasi may pre-finals exams pa ako next week.
But what if Vic will actually do the favor I asked? Makikipagayos nga ba siya kay Cienne? Kakalimutan na lang ba namin ang nararamdaman namin sa isa't isa?
Hindi ko alam kung ano ang next move na gagawin ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko if Vic actually did the favor. Kailangan ko na bang mag move on? Kailangan ko na ba talagang isuko siya? Kailangan ko na ba talagang ibalik siya kay Cienne? Pero hindi and never naman siyang napasakin to begin with.
Alam kong asking that favor from Vic is a selfish act.
Ang selfish ko kasi alam ko rin naman sa sarili ko na labag yun sa gusto niya. Ang selfish ko kasi I promised na magiging matatag ako. Na maniniwala ako sa kanya at magtitiwala na kaya niya kong ipaglaban. I promised na sasamahan ko siyang lumaban.
But that talk with Cienne happened.
And I can only be selfless for her as she is for Vic.
Tinakpan ko ang mukha ko ng unan. Antok na antok ako pero hindi ako makatulog sa dami ng mga naiisip ko. Kaya heto at lagpas 24 hours na kong gising.
Be positive na lang, Mika!
Kaya nga ko umuwi dito ngayon diba? Para ma distract. Kaya tama, kailangan ko ng distraction.
Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa bed ng Lola ko at iniwan lang ang phone ko sa side table. Naghilamos ako saglit at nagtoothbrush. Alas onse na pala ng umaga ayon sa wall clock. Nakakaramdam na rin ako ng gutom kaya bumaba na lang din ako at naabutan sina Mama at mga kapatid ko na nagbru-brunch.
"Di man lang ako niyaya?" Kunwaring tampo ko sa kanila.
"Aba't maupo ka na at kumain." Turo ni Lola sa bakanteng upuan. "Sabi ng Papa mo wag kang istorbohin sa pag-aaral dahil may exam kayo next week."
"Opo, 'La. Tama po." Ngiti ko na lang kay Lola.
Nagpatuloy lang sila sa pagkukwentuhan na parang hindi nila ako kasama. Hindi rin naman kasi ako nagcocomment. Wala sa kanila ang isip ko. Kaya hanggang sa natapos lang silang kumain ay hindi ko pa rin nakakalahati yung akin.
~
Nakatulog ako maghapon. Siguro naningil na yung katawan ko ng pahinga. Ilang linggo na rin pala kasing kulang ako sa tulog palagi. Nagising lang ako kasi dumating yung mga pinsan ko at nagyayang mag-inom.
And yes, same cousins na nakainuman ni Vic sa bahay kaya eto at hinahanap siya sakin.
"Ba't hindi siya sumama?" Tanong ni kuya Jake. "Sabi ko pa naman sa kanya, sama siya sayo paguuwi ka rito eh."
Nagkibit balikat lang ako at ni shot yung beer sa baso ko. Ang sarap sa lalamunan. Ang sarap maglasing!
"Hoy, di ka nasagot diyan." Sita sakin ng isa ko pang pinsan habang tumatawa. "Break na kayo?"
"Luh!" Kunot noo kong sabi. "Di naman kami nun?"
"Talaga ba?" Takang tanong niya. "Eh in love yun sayo ah?"
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mess (Mika Reyes - Ara Galang - Cienne Cruz)
Fanfiction"It's a beautiful mess, and it's deep down, down." This is a KaRa-CiennAra fanfic.