Mechanics & Grounds For Disqualification

1.2K 34 52
                                    

MECHANICS FOR THE FIRST ROUND/AUDITION

0. BAWAL ang collaboration. Sariling sikap po tayo. Baka mamaya mag-awayan pa kayo sa premyo. Jk.

1. Gumawa ng one shot story na hindi lalagpas sa 2,500 words(including the title). Kahit anong genre, basta WALA ITONG NILALABAG NA RULE. Bawal ang one shot na naisali na sa kung saan at naipost na sa ibang sites. Paganahin ang imahinasyon, gumawa ng BAGO!

2. Kahit anong lenggwahe basta mauunawaanmaiintindihan at magegets ng mga readers ang ipinaglalaban mo.

3. EMOTICONS ARE NOT ALLOWED. 

4. Piliting maging PORMAL kahit papano. Gusto namin kayong sanayin na ipakita ang nais ninyong sabihin sa pamamagitan ng salita o paglalarawan at hindi sa T_T, Kyaaaaaaah! >///<, *huk*. Bato-bato sa langit...

5. Tatanggapin namin ang .docx, .doc at .txt format na entry. Isend lamang ito sa  teamlumot@gmail.com. Ilagay sa SUBJECT ang username at no. of followers mo.

5. One entry per person only at mahigpit na IPINAGBABAWAL ang pagsasabi kahit kanino kung ano ang entry mo. 

6. Bukas, December 27, 2013, ay magsisimula na kaming tumanggap ng one shots. Ang deadline naman ay January 19, 2014. Mabilisan talaga, nagmamadali kami.

Again, December 27, 2013 to January 19, 2014. First come, first served.

7. Pwede kang magbigay ng komento sa istorya ng mga kalaban mo ngunit alamin ang iyong limitasyon. Tandaan din na ang lahat ng sasabihin mo ay HINDI MAKAKAAPEKTO SA DESISYON NG MGA HURADO. 

8. Kapag natanggap na namin ang entry mo, ipopost na agad ito sa lalong madaling panahon. Para na rin hindi matambakan ang judges.

9. Makakamove on ka lamang sa second round kapag nakakuha ka ng average score of 75%. 

10. Ang may pinakamataas na average score sa round na ito (at sa mga susunod pang rounds) ay mananalo ng Php 100 worth of load, SO GALINGAN NIYO PO! 

11. Results will be posted on January 31, 2013.

Grounds for disqualification:

1. May explicit sexuality ang iyong one shot. Tama na ang konting kalumutan at kaberdehan, baka maireport pa ng iba ang contest na 'to pag sumobra.

2. Emoticons. Sa chat at text mo na lang 'to gawin, wag sa isusulat mong istorya.

3. Plagiarism. Hiya-hiya rin pag may time, mabilis ang karma.

4. Napost na yung one shot dati sa kung anumang site. Malalaman at malalaman namin yan, we have our ways.  

5. Hindi sumunod sa rules at mechanics. Mahigpit kami rito, kasing higpit ng pantalon ni Santa Claus pag busog siya.

Oooops! Teka muna!

PAKIUSAP, INTINDIHING MABUTI ANG MGA NAKASULAT SA ITAAS. HINDI 'YAN NAKALAGAY DIYAN PARA SA WALA. KUNG KAYO AY MAY KATANUNGAN, I-COMMENT LANG AGAD-AGAD. KUNG GUSTO NIYONG MAG-SPONSOR, PM LANG AGAD-AGAD. 

MAHAL NAMIN KAYO.

-TeamLumot

ROYAL RUMBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon