ROUND 4: VIP Judge # 3

221 4 0
                                        

1. What do you look for in a story?

-Dahil Humor ang genre for Round 4, syempre ang hanap ko ay 'yung nakakapanganga sa kakatawa. 'Yung nakakaiyak sa sobrang kolokoha. 'Yung nakakasakit ng tiyan dahil sa kabag. 'Yung masasabihan ko ng "Hayop ang writer na 'to". Mga ganung bagay ba. Hahaha. Pero seryoso, gusto kong makita sa mga entry ang enjoyment sa bawat writer sa kwento nila. Ayaw ko ng pilit lang ang pagkakagawa baka kasi maasim ang kalabasan. XD

2. How are you going to judge the entries?

-May criteria, 'yun na 'yun. Wala nang paliwanagan na dapat maganap. Chos! Hahaha. Pero seryoso, napaka-importante talaga nun sa lahat ng patimpalak at napatunayan ‘yan last round. Na kahit gaano pa kaganda at kalupet ang gawa mo kung sablay naman sa mga batayan… magdasal ka na. Hahahahaha.

3. Any advice for the contestants?

-Advice? Kailangan pa ba ng Top 15 'yan? I think, hindi na. Umabot nga sila ng Round 4 na 'di nagbabasa ng Judges’ Interview, ngayon pa kaya? Hahaha.

Unang una, GAWIN N'YO NANG MAAGA ANG MGA ENTRY NIYO! Maawa naman kayo kay pareng Rush, sumasakit na rin ang ulo niya kakaisip kung sino ang uunahin sa inyo kapag nagru-rush kayo.

Pangalawa, ang mga RULES ay ginawa para sundin at hindi para deadmahin. Kaya naman, pahingi raw ng konting atensyon niyo.

Pangatlo, alam ko madami sa inyo ang napataas, napapataas at mapapataas ng kilay sa genre at theme natin for round 4. Maraming mahihirapan at iiyak. Chos. Tanong ko lang, hanggang doon na lang ba? Lagi na lang bang sasabihin na hindi mo kaya? Come on guys, alam kong bawat isa sa inyo may tinatagong humor sa katawan. Kahit sa kadulo-duluhan ng himay-may niyo hanapin niyo, tiyak meron 'yan. Magtiwala lang kayo na kaya niyo. 'Di kayo Top 15 para sa wala. Ang echos ko na. Hahaha.

At ang huli, enjoy-enjoy rin pag may time. ‘Wag niyo naman i-pressure ang sarili niyo ng bongga. Tamang pressure lang, oks na. Walang nagsabing magpakamatay kayo sa pagaalala at pagka-nega sa mga entry niyo. Chillax lang. XD (Ang gulo kong kausap. LOL)

Wish ko lang, kumpleto ang Top 15 sa pasahan. Please lang, panindigan niyo ang pinasok niyo. 'Yun lang and Good Luck.

ROYAL RUMBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon