Nuhyheen
LIB Author
Book title: I'M 20 BUT STILL NBSB
1. What do you look for in a story?
Ang hinahanap ko sa isang kwento ay iyong kapag nasimulan ko ng basahin, hindi na ako titigil. Iyong pakiramdam na mapapamahal sayo ang mga tauhan, hindi ko na mabitawan. Iyong may sense of satisfaction akong mararamdaman. Kahit na anong paksa basta mapaninindigan. Madadala ako sa loob ng kwento. Mahu-hook ako. At higit sa lahat, may sense at may matututunan ako.
2. How are you going to judge the entries?
Idya-judge ko ang mga entries sa pamamagitan ng kung paano ako naapektuhan nito, paano ako nadala. Kung konektado ba ang bawat pangyayari, kung sa tingin ko ba ay napandigan ang bawat salita, kung nagawa ba ng manunulat na laruin ang mga ito, paikutin. Kung naipadama bang emosyon na nais iparating ng may-akda. Pangalawa ko na lamang pagbabasehan ang mga technicalities. Oo, malaking bagay iyon. Pero para sa akin, ang sense ang pinakamahalaga.
3. Any advice for the contestants?
Hindi ako isang propesyonal na manunulat para magbigay ng anumang payo. Ito na lang: Magsulat ka mula sa puso. Magsulat ka dahil gusto mo. Magsulat ka dahil mahal mo ito.