ROUND 2: LUMOFY A STORY

458 13 3
                                    

LUMOFY A STORY

Nabasa n’yo ba ang SNOWWHITE AND HER SEVEN DEMONS (TVoW PR #1) ni Judge SuperJelly? o ang BREADCRUMBS AND PEBBLES (TVoW PR #2) ni Judge JimLodge?   

Napanood n’yo ba ang SNOWWHITE AND THE HUNTSMAN? ang TANGLED? ang SMALLVILLE? ang TROY? ang ENCHANTED? ang AVENGERS? ang RISE OF THE GUARDIANS? o ang SHREK?  

Kung hindi … eh wala na kaming magagawa dun …  

Pero ang next round ay may connect sa mga ‘yan …  

I-step-by-step natin para malinaw:  

STEP 1: Mag isip ka ng isang popular fictional character. Pwedeng galing sa:  

A. fairytales (‘yung giant sa Jack and the Beanstalk, si Ugly Duckling … ) 
B. mga superhero stories (si Darna, si Captain Barbel, si Lex Luther …)
C. sa Greek myth (si Athena, si Hermes …) 
D. mga animes (si Luffy, si Astroboy, si Goku …)
E. mga classic novels (si Romeo, si Mr. Darcy …)
F. sa mga gawa ni Rizal (si Sisa, si Maria Clara …)
G. mga cartoons (si SpongeBob, si Donald Duck …)
H. at iba pang popular fictional characters (ALAM NAMING GETS N’YO NA)


STEP 2: Gawan sila ng isang kakaibang kwento. Pwede n’yong:  

A. buhayin ang patay na
B. patayin ang buhay pa
C. bigyan sila ng lovestory
D. paghiwalayin ang loveteams
E. bigyan ng kwento ang kabataan nila
F. bigyan ng kwento ang katandaan nila
G. bigyan ng kwento ang after life nila
H. paghalu-haluin ang mga characters


NGUNIT, DATAPWAT, SUBALIT:

Hindi ninyo pwedeng ibahin ang nakasanayang character nila. Dapat nandoon parin ang karakter na innate na sa kanila.

  Halimbawa:
A. Hindi pwedeng tumawa si Santa Clause ng “AKAKAKAK” 
B. Hindi pwedeng gumawa ng sapot si Batman
C. Hindi pwedeng may insomnia si Sleeping Beauty
D. Hindi pwedeng walang paa si Cinderella
E. Hindi pwedeng kalbo si Rapunzel
F. Hindi pwedeng nakatago ang brief ni Superman
G. Alam naming gets mo na ang punto namin

Maximum number of words: 10 

Wait! Hindi naman kami gan’yan kabrutal!

Maximum number of words: 20

Seryoso ---

Maximum number of words: 2500

Deadline of Submission: February 22, 2014; 11:59:59 PM

Same criteria as the previous round.

Different set of judges (to be announced soon!)

Top 30 will advance to ROUND 3!

Let’s continue to RUMBLE!!!

-Team Lumot

ROYAL RUMBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon