LUMORIFIC STORY

255 2 0
                                    

 Mahilig ka bang manood ng mga pelikulang sariling atin? May pelikula ka bang napanood na hanggang ngayo’y hindi mo pa rin makalimutan ang istorya dahil sa lakas ng tama nito sa pagkatao mo? May pelikula ka bang paulit-ulit mo nang pinapanood na kahit na umay na umay ka na ay ramdam na ramdam mo pa rin ang eksena? May mga linya ba sa pelikula na hindi mo malimut-limutan at magpahanggang ngayon ay memoryado mo pa rin ang bawat salita pati na ang karakter na nagsabi nito? Pwes kung oo, magaling, magaling, magaling! Dahil may kinalaman ito sa susunod na round… ang Round 4!

Sa round na ito, labinlimang kalahok na lang ang natitirang maglalaban-laban. Dito natin masusukat kung sino nga ba ang matibay at hindi matitibag kahit ano pang mangyari. May ilang papabor at alam naming may mga hindi papabor para sa round na ito. Ngunit ang magaganap na labanan ay maayos na napagkasunduan ng Team Lumot kaya walang angalan kung anuman ang kahihinatnan ng laban.

Ang kwentong gagawin ng labinlimang kalahok ay may kaugnayan sa unang talatang aking nabanggit. Gagawa kayo ng isang maikling kwento (one-shot kung nalalabuan sa Tagalog) base sa mga “kilalang linya” sa iba’t ibang pelikula na aming napili. Hindi n’yo kailangang panoorin ang pelikula para lang makabuo kayo ng isang kwento. Dahil kung ipu-push n’yo ‘yan, kayo rin ang mahihirapan sa huli.

Bukod pa riyan, sasamahan natin ng “twist” ang mga linyang ‘yan. (Pakibigyang pansin dahil ito ang pinakamahalaga sa lahat.) Masyado kaming nainitan noong huling round; kaya naman sa round na ito ay kailangan namin ng pampalamig. It’s summer! Lie-low muna tayo sa ma-drama at seryosong tema. We want fun! We want to enjoy this summer! And you 15 contestants will be responsible to make us enjoy this summer! You are going to make a story na HUMOR ang genre together with the famous lines from the movie that we chose. How? Please be guided below on how to write your Round 4 entry.

GUIDELINES SA PAGSUSULAT NG ROUND 4 ENRTY

1. Magbibigay kami ng “sampung kilalang linya” mula sa iba’t ibang pelikulang nagmula sa sariling atin. Sa sampung linyang iyon ay pipili ka nang hindi bababa sa limang linya para gamitin mo sa iyong kwento.

2. ‘Pag nakapili ka na nang natipuhan mong linya, pwede ka nang magsimula sa pag-iisip ng konsepto ng kwento mo. Siyempre, isasama mo sa konsepto ng kwento mo ang HUMOR dahil ito ang hahanapin ng mga hurado bukod sa mga linyang iyong napili.

3. Hindi mo na kailangang alamin pa ang istorya sa likod ng mga linyang aming ibinigay dahil hindi ka naman obligado na gawin ito. Pero kung masyado kang makulit at curious, watch at your own risk!

4. Ang mga linyang napili mo ay kailangang makita ng mga hurado sa iyong entry. Kung ano ‘yung linya na nakatala sa amin ay dapat ganoon pa rin ang makikita sa kwento mo. Hindi mo ito pwedeng baguhin. Kung naguguluhan, ito ang halimbawa. Kunwari ‘yung napili mong linya mula sa amin ay ganito: “Akala mo lang wala! Pero meron! Meron! Meron!” Pero ang inilagay mo sa kwento mo ay ito: “Akala mo lang ay meron! Pero wala! Wala! Wala!” Gets ba? Walang mababago. Ang linya ay mananatili sa ORIHINAL nitong linya.

5. Ang mga “kilalang linya” ay nagmula sa mga pelikulang sariling atin kaya naman ang gagamitin n’yo ring wika sa pagsulat ay ang sariling atin - ang pambansang wikang Filipino. Kung ito’y mahirap para sa inyo, pwede rin kayong gumamit ng Tag-lish. Hanggang doon na lamang ang mai-ooffer namin sa inyo. NO PURE ENGLISH SPEAKING POLICY kami ngayon.

FYI:

1. Ang labinlimang kalahok sa round na ito ay magiging LIMA na lamang sa susunod na round. Ang pamimili ay kagaya pa rin nang dati. Averaging. Ang limang kalahok na makakakuha ng pinakamataas na grado sa round na ito ay siyang makakapasok sa masikip na butas sa Round 5.

2. Word limit is not more than 3, 000 words including the title.

3. Send your entry at our kickmaster’s FB account. Here’s the link: https://www.facebook.com/jueveskim . I-attach ang entry with .doc or .docx format. Ang FILE NAME dapat ng .doc or .docx n’yo ay ang inyong Wattpad Username/Team’s Name/Title of your story.

4. Ang palugit ng pagpapasa para sa Round 4 Entry ay sa April 26 ‘til 12mn.

5. PLEASE FOLLOW THE RULES.

MAHALAGANG PAALALA:

1. Alam naming attach na kayo sa mga sidekicks n’yo kahit i-deny n’yo pa ‘yan. ‘Wag nang umangal! Pero sa round na ito, ang mga sidekicks n’yo ay magre-relax muna. Kayo ay lalaban na tanging ang sarili n’yo na lamang ang isasabak sa labanan. Wala nang back-up! Nagabayan na nila kayo sa loob nang halos tatlong buwan, naniniwala silang kaya n’yo na ngayong sumuong sa laban gamit ang inyong mga natutunan sa kanila (kung mayroon man).

2. Pwede n’yo pa rin silang tanungin kung naguguluhan kayo pero ‘wag na ‘wag n’yong mababanggit sa kanila ang konsepto at mga linya sa gagawin n’yong kwento.

3. Hindi na kayo obligadong magpa-edit at magpasa ng kwento n’yo sa kanila dahil diretso n’yo na ‘yang ipapasa sa link na nabanggit sa taas. Kaya bago kayo magpasa, siguraduhing tama ang mga salitang ginamit, tama ang baybay ng mga salita at tama ang balarila.

4. Kung may problema kayo sa wikang gagamitin dahil ang ilan sa inyo ay mga Bisaya, maaari kayong kumonsulta sa mga kaibigan ninyong gamay ang wikang Filipino.

5. Kung sa Round 3 ay lantaran ang mga gumawa ng kahalayan, sa round na ito ay muling itatago ang mga gumawa ng akda para maiwasan ang ‘favoritism.’

6. Bawal magpalit ng username hangga’t nasa patimpalak kang ito. Sa oras na magpalit ka, bibigyan ka namin ng minus 5 sa average na makukuha mo sa round na ito.

7. Kung hindi mo naintindihan, basahin lang ito ng paulit-ulit. Maraming salamat!

ROYAL RUMBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon