Lumosing A Story

381 13 2
                                    

Marunong ka bang kumanta? Ano? Hindi? Mag-practice ka nga! Now na! Dahil may kinalaman ito sa susunod na round ang Round 3!

Basahing mabuti ang nakasaad dito. Kung hindi mo maintindihan, repeat it again. Kung hindi pa rin, repeat it again and again. Kung hindi talaga, face palm ka na lang, dre!

Thirty contestants ang maglalaban-laban sa Round 3. Napagkasunduan ng mga sidekicks at ng kickmaster na magkaroon ng buddy system ang round na ito. Buddy system is just like pairing. Ibig sabihin, magkakaroon ng 15 pairs and each pair will consist of two members. Pwedeng magka-team ang magka-buddy at pwede ring galing sa ibang team. Ang purpose ng pagpa-pairing ay para hindi kami mahirapan sa pag-iisip ng ibibigay sa inyong task para sa round na ito. Ayaw naming nahihirapan kami! Nakakabawas ng ganda at gwapo lang yun. Tama ng kayo lang ang mahirapan. Haha! Sa pairing na ito, hindi kinakailangan na mag-collab kayo ng buddy mo. You can share your thoughts but you can’t collaborate with him/her. You’ll make a story INDIVIDUALLY.

At ang kwentong gagawin ninyo ay may kinalaman sa unang talatang aking nabanggit! Gagawa lang naman kayo ng kwento hango sa isang kanta. Ang mga kanta ay magmumula sa amin at masusi itong pinagpiliian at pinagdebatehan ng Team Lumot. Ang listahan ng mga kanta, kalakip ang magka-buddy, ay ipo-post namin sa Royal Rumble FB Group. 'Wag mag-alala, ang mga kanta at kung sino ang ka-buddy mo ay napili na walang kalakip na salitang BIAS. For the meantime, ipagpatuloy n'yo muna ang pagbabasa nito.

GUIDELINES SA PAGSUSULAT NG ROUND 3 ENRTY

1. Sa kantang i-aassign sa inyo, kayo ang bahala kung anong genre ang nais nyong gawin. Siguraduhin lamang na babagay at aangkop ito sa kanta. Iyan ang pinakamahalaga sa lahat! Tipong binabasa mo pa lang, ramdam mo na yung kanta sa kwento as if theres background playing inside your head.

2. Hindi mo kailangang ilagay ang lyrics ng kanta sa kwento mo para masabing bagay nga ito. Tipong broken-hearted yung bida tapos biglang may nagpatugtog na kapitbahay niya ng Pusong Bato! Dre, luma na yan! You can put some lyrics of the song in your story but not the whole lyrics. Boring na pag ganon!

3. TWIST! Please pay attention to this. Mahalaga yan sa kwento. Yun ang exciting part! At dahil nga exciting, we decided that you guys MUST INCLUDE in your story an INTIMATE SCENE. Not explicit but only INTIMATE! From the songs that we chose, we believe that you can make one. Kami pa! Iyan ang hahanapin ng Team Lumot especially our dear JUDGES next to No.1 I’ve mentioned earlier.

4. Yung ka-buddy nyo, pwede kayong magpalitan ng ideas pero uulitin ko... NO COLLABORATION! Kahit na magkapareho kayo ng kanta, hindi ibig sabihin noon ay magkalaban na kayo. Versus ba! No! Hindi ganoon yon! Magkapareho lang kayo ng kantang gagamitin sa kwento pero hindi kayo ang magkalaban lang. Kalaban niyo ang lahat! Dahil kagaya pa rin ng nakagawian natin, averaging pa rin sa huli.

FYI:

1. Ang 30 contestants para sa Round na ito ay magiging 15 contestants na lang sa susunod na round. Ibig sabihin, TOP 15 contestants ang pipiliin para makapasok sa Round 4. It is based on their scores, siyempre! Yung 15 na matataas ang score ang siyang makakapasok sa butas na unti-unti nang nagsasara.

2. Word limit is not more than 2, 500 words including the title.

3. Send your entry at teamlumot@gmail.com . Ang subject ay ang inyong Wattpad Username/Team Name/Round 3 Entry Title/Title of the Assigned Song. I-attach ang entry with .doc or .docx format at i-copy-paste na rin sa message box ang inyong entry para sure. Please follow the rules.

4. Ang deadline ng pagpapasa ng Round 3 Entry ay sa March 23, 2014 at exactly 11: 59: 59 PM.

ILANG PAALA:

1. Makipag-ugnayan sa inyong sidekick kung sakaling hindi niyo naunawaan ng lubos ang nakasaad dito. Kung ka-team kita, pababalikin din kita sa post na ‘to! Haha!

2. I suggest you pass your draft to your sidekick. Big help sila! Magtanong kung ano ang puna nila sa kwento nyo. Humingi ng payo pero wag namang payong pag-ibig. Dahil kahit sila, may quota rin ang pag-ibig. Iisa lang ang maligaya sa kanila.

3. Sidekicks, wala nang mag-e-edit. ‘Twas really a burden for us! Let them edit and let us share to them what we think is better in their story. Yun lang dapat!

4. Contestants, wag mahiyang i-approach ang mga sidekick nyo, ah! Harmless ang mga yan! Lalo na yung isa. Sinong isa? Bahala na kayong alamin kung sino yun! Basta kung magpapasa ng draft, please be it AHEAD OF TIME para hindi sila magahol sa oras at pati na rin kayo. Oops! Paano nga pala ang buddy system? Ganito yun 30 contestants, bukas na ‘ko magpapaliwanag. Oks ba?

 - TeamLumot

ROYAL RUMBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon