TuTriSiksPorGam
1. What do you look for in a story?
- 'Yong ipinaglalaban ni author. Yeah, gusto kong maging malinaw 'yon. I know, may mga kwento na mukhang itinago sa baul ang message at kailangang bungkalin, pero 'wag mag-alala kung na-execute mo naman nang maayos, that's great! Basta naipakita mo at nailabas ang laman ng maliit na laman d'yan sa bungo mo that's perfectly fine. Kahit anong klase pa ng istilo ang gamitin mo, kahit pa magpa-tumbling-tumbling ka, kumain ng dinosaur, magpalapa sa apoy, o kung ano mang trip mo, basta nagawa mo ang gusto mong iparating. I don't care if that's cliche, o ano pa man, basta you put your damn soul there. You did a great job
2. How are you going to judge the entries?
- Uhm, pwedeng magtanong dito? Kung magda-judge ako nang hindi based sa criteria, pwede? hahahaha! Of course, kaya nga ginawa ang criteria para patas. So, I'll make sure na susundin ko si criteria nang mabuti para fair. Though, it's a big factor, kung magagawa n'yo ang number one.
3. Any advice for the contestants?
- Good luck. Ang iksi yata? Galingan n'yo. Basta magsulat kayo ng kung ano ang gusto n'yo. I know, this is a contest. Pinaglalaban-laban kayo, at some point nakaka-insecure kapag nalaman mo na si ganito ang top1 at ikaw nasa huli. Pakiramdam mo ikaw ang kulelat at walang kuwenta. Sinasabi ko sa inyo, hindi porket nasa huli ka ikaw na agad ang talo. Hindi pa tapos ang laban. Lumaban ka hanggang sa kaya mo. Lumaban ka hangga't nand'yan ka. 'Wag mong isipin na mas magaling s'ya, o kung sino ang nangunguna. This is a contest, yes, pero wala ka dito para ipamukha sa lahat ang galing mo. Nandito ka para magsulat at ipakita sa amin ang kakayahan mo. Just write with your heart, and let us feel, see, hear, taste what your heart shows, says, cook (paking syet. Ano ang sa feel at taste? Pinahamak ko yata sarili ko.) Again, good luck, and may the odds be ever in your favor.
