ROUND 3: Judge # 4

308 11 7
                                    

sakuramitchie

1. What do you look for in a story?

Kahit simple lang basta may dating. 'Yong kahit hindi masyadong kumplikado ang storyline ay makikitaan mo pa rin ng angas. Gusto ko rin 'yong kapani-paniwala na story. I'm not saying na kailangan laging makatotohanan o hango iyon sa totoong buhay. Ang punto lang, I want to read a realistic story, be it romance, horror, thriller, fantasy o kahit anong genre pa 'yan. Gusto kong makabasa ng story na kaya akong dalhin sa ibang mundo o kaya naman, kaya akong papaniwalain na nasa ibang mundo na nga ako. Mahalaga rin para sa akin ang impact na maiiwan ng story sa akin.

2. How are you going to judge the entries?

Magbe-base ako sa criteria na ibibigay sa amin. But of course, titingnan ko rin ang way ng pagkaka-deliver ng story (malinaw ba ang narration, maayos ba na nai-deliver ang message, maayos ba ang pagkakasulat, wala bang conflicting ideas, dialogues, or events and etc.). Hahanapin ko rin kung may puso ba, nagkaroon ba ng impact sa akin ang story, nadala ba ako, and etc.

3. Any advice for the contestants?

1. Write what you want to write. Pero syempre, you need to be responsible. So, kapag magsusulat kayo, you need to have idea on what you are writing. Do some research, it can help you to create a realistic and worth-reading story.

2. Write, write, and write some more. Magsulat kayo nang hindi inaaalala kung magiging maganda ba ang kalalabasan ng isinusulat ninyo. 'Wag kayo maging masyadong conscious kaagad sa technicalities because it can spoil the flow of ideas in your brain. Kaya nga may editing process, eh, Basta magsulat lang muna kayo nang magsulat. Kung feeling n'yo walang lumalabas sa utak n'yo, mag-unwind lang muna sandali and then magsulat ulit. Kahit pa-isa-isang sentence pa 'yan, pasasaan ba at makakabuo rin kayo ng story.

3. Kapag nagsusulat kayo, gamitan n'yo ng puso. Ilagay n'yo ang sarili n'yo sa story. Damhin ang bawat pangyayari sa story na ginagawa n'yo; ang mga sakit, saya, lungkot, kilig o takot na nararamdaman ng characters ay kailangan n'yo ring maramdaman. At kapag naramdaman n'yo na 'yon, paniguradong mararamdaman din ng readers n'yo ang emosyon na gusto n'yong iparating at iparamdam sa kanila.

4. 'Wag kayong matakot na magsulat ng story na sa tingin n'yo ay clichè or whatever. You can always make a twist, you know, and make it your own twisted story. Magandang delivery at emosyon ang sikreto dyan.

5. Always believe in yourself. Maniwala kayong kakayanin n'yo ang lahat ng bagay. Manalo man o matalo, basta ibinigay n'yo ang best ninyo, panalo pa rin kayo. Good luck, dears. Kaya n'yo 'yan, tiwala lang. Aja!

ROYAL RUMBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon