Voyage 4: Bye Bye Krystal Ny!

1.1K 34 1
                                    

Umupo ako dun sa swing. Si Yuta, pumunta sa likod ko at tinulak yung swing slowly.

“Enjoy ka ba ngayon, sweetie?” tanong niya.

“Syempre naman! Ikaw?”

“Of course! Pano ako di sasaya, e kasama ata kita!”

“Hay nako, Yuta.” Buntong hininga ko.

“Oh! Bakit? Ano yan, nakasimangot ka ba?” tanong niya.

“UY! HINDI AH! NAKASMILE AKO OH!” sigaw ko tapos sabay fake smile. Nakakalungkot kasi, bukas nako aalis eh. Umupo sya dun sa swing next to me.

“Bukas ka na aalis no?” tanong ni yuta.

“Yeah. Aish! Mamimiss mo ko no?!”

“Hindi no! Bakit kita mamimiss?!”

“Wow ha Yuta! Akala ko ba mahal mo ko?”

“Bakit naman kita mamimiss, eh I will make sure na lagi tayong mag-uusap.”

“Ah… Ang sweet talaga ng sweetie ko!” sabi ko tapos biglang tayo. Tumayo rin sya tapos binack hug nya ulit ako! :>

“Mahal mo ko diba, Krystal?”

“Oo naman! Kung hindi, edi sana, hindi tayo magka-M.U. ngayon.”

“Buti nalang.” Sabi ni Yuta.

----------YUTA’S POV---------------

“Buti nalang.” Sabi ko sa kanya. Awtsu, aalis na ang sweetie babes ko bukas. Paano na yan. Mamimiss ko talaga tong babae na to. Siya kasi yung laging nagpapasaya sakin kahit effortless at wala siyang ginagawa. Basta nandyan lang siya, happy kiddo na ko. Tsaka, iba siya sa mga babaeng nakilala ko, hindi siya girly masyado at maarte. Simpleng tao lang sya at marunong maki-ride sa corny jokes and pick-up lines ko. Kaya, mahal ko tong si Krystal Ny eh! At isa pang rason! Kamukha niya kasi si Tiff and Soojung eh! Ahahahahahaha! Dun rin ang padpad namin eh! Bakit, sinabi rin niya kaya na isa sa rason na nagustuhan niya is kamukha ko si Chanyeol at Sehun! Ahaahahah! Ang ultimate bias ni sweetie sa Exo! xD So, back to topic. Kinuha ko yung couple ring na binili ko nung hindi siya nakatingin. Nakita ko kasi na trip na trip nya so binili ko para sa kanya. :>

“Sweetie, akin na yung right hand mo.” Sabi ko. Masunurin naman ang aking sweetie kaya nilahad niya agad yung kamay nya. Tapos nilagay ko yung ring na yon, parang wedding nga namin eh!! xD So, as expected, Kyungsoo eyes siya! Super gulat and touched siya dun sa gift ko.

“O sweetie. Wag tumili. Ilagay mo muna yung akin.” Sabi ko sakanya. Inabot ko yung other ring tapos nilagay niya sakin. O diba. Wedding nga itech! xD

“Thank you talaga Yuta…..” sabi niya habang nakayakap sakin.

A Maknae's Love Story [ Sehun ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon