Voyage 35: The harsh truth

561 21 1
                                    

-----------Krystal’s POV------------

Naglalakad ako ngayon, walang siguradong lugar kung saan pupunta. Basta kung saan ako mapadpad wala akong pakialam.

“I know you’ve been wanting to meet him. This is my fiancée…. Park Yuta.” Pagpapakilala ni Sulli. Abot mata ang ngiti ni Sulli habang ipinapakilala niya ang kanyang fiancée sakin. Tumingala yung lalaki at nanlaki ang mata niya. Parehas kaming gulat ngayon…

Ayokong maniwala pero nasa harapan ko na eh… Di pa ba ako maniniwala?

“Yuta, this is my cousin, Krystal.” Pagpapakilala niya naman sakin. Nanginig ako bigla. Di ko alam ang gagawin ko… Gusto kong tumakbo pero gusto ko rin harapin si Yuta. Dahan dahan kong inilahad ang kamay ko sa kanya para makipag-shake hands. “H-hi… A-ako n-nga p-pala si.. K-krystal… N-nice t-to mee-t y-y-you….” Utal kong wika. Inabot niya yung kamay ko at nakipagshake hands sakin.

Paano mo nagagawang hindi manginig ngayon, Yuta?

“Hi. Sabi nga ng FIANCEE ko.. Ako si Park Yuta. Nice to meet you, Krystal. :)” sagot niya at ngumiti pa.

Bakit kaya mong maging normal ngayon?

Umupo na kami at nag-order. Gusto ko na talagang umiyak ngayon pero pinigil ko yun. Ayaw kong malaman ni Sulli na may relasyon kami ni Yuta. Na may namamagitan samin.. Meron nga ba?

“How have you been, Kryn?” tanong ni Sulli sakin. Nanginginig parin ako ngayon.

 

“A-ah… I-im d-doing w-well… how about you…?” tanong ko. Nanatiling nakatitig ngayon sakin si Yuta. Yuta wag mo kong tignan ng ganyan…

Bakit niya nagawa sakin to..? lahat naman ginawa ko para sa kanya ah…? Bakit niya…

“I’m doing well too!” she smiled. I tried to force out a smile but I couldn’t. It was hard for me to do so.. Tumango lang ako. Di ko alam kung ano pang ginagawa ko dito. Bakit ko tinitiis tong sakit sa puso ko?

 

“Kryn… You’ve been stuttering and shaking since a while ago.. Are you alright?” tanong niya sakin.

 

“A-ah… I-I’m f-f-fine.. I – just feel c-c-cold…” mahina kong wika. Onti onti nang nawawala ang boses ko.

 

Bakit mo….

“That’s not good Kryn! You can’t be sick! Wait, I’ll just go ask them to lower the airconditioner.” Sabi niya. Bago ko pa siya matigilan, tumayo na siya agad at naglakad papunta dun sa counter. Kaming dalawa nalang ni Yuta ang nandirito.

 

“Yuta… Anong… ibig sabihin nito…?” tanong ko. Tinignan ko siya sa mata. Yung mukha niya.. Imbis na worried at nagsisisi na hindi niya sinabi to sakin… Walang emosyon yung mukha niya.

 

“Anong ibig sabihin ng ano, Krystal?” tanong niya. Yuta…

 

A Maknae's Love Story [ Sehun ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon