Ang akala ng marami basta mayaman ka ay kuntento kana. Pero ang hindi nila alam marami parin pala ang kulang.
Pag mayaman mas maliit ang mundong ginagalawan, mas limitado ang mga kilos at mas bilang ang taong pakikisamahan at mapagkakatiwalaan.Masayang maging mayaman pero hindi ba mas masaya kung simple lang ang buhay. Salat ka nga yaman pero iba parin ang yaman na meron ang iba, yaman na hindi kayang tumbasan ng pera. Maraming ka ngang kaibigan ngunit ilan lang ba ang masasabi mong tunay na kaibigan.
Kung noon sapat na sakin ang buhay na meron ako pero ng bigyan ako ng pagkakataong makita ang katotohanan ay doon ko napagtanto na ang bawat tao ay may kanya kanyang storya ng buhay.
"Tol, tingnan mo ang ganda ng chicks." Nagawi ang tingin ko sa grupo ng mga lalaking nag-iinuman. Hindi ako sigurado kung ako nga ba ang tinutukoy nila ngunit ng lahat sila ay tumingin sakin ay bigla akong kinabahan. Hindi ko pa naman kabisdo ang lugar na ito. Hindi ko rim alam kung saan na ba ako napadpad basta ang alam ko ay sumakay sa unang jeep na dumaan at dito ako ibinaba.
Kung hindi siguro ako nag cut ng class hindi ako mapapadpad dito.
"Pucha pare ang ganda nga mukhang mayaman." Tumayo ang isang pandak na lalaki at hinarangan ako sa aking daraanan. Nakakakilabot ang paraan ng pagkakatingin nito. Para akong unit-unting hinuhubaran. Kaya sa takot ko ay mabilis akong umiwas at malalaking hakbang ang ginawa ko. Hindi pa man ako nakakalayo ng biglang nagsitayuan ang iba at pinalibutan ako. Kung kanina ay takot lang ang nararamdaman ko ngayon ay nangangatog na ang mga tuhod ko. Nakakatakot ang mapupula nilang mga mata halatang mga lasing na. Gusto ko ng maiyak at tawagan si kuya pero wala akong lakas na gawin ito. Ni hindi na nga ako makapag isip ng tama nabalot na ang buong sistema ko ng takot. Ano ang gagawin ko? Malakas kong naitulak ang isang maliit na lalaki ng tangka nito akong hahawakan. Napaupo ito sa lakas ng pakakatulak ko halos hindi na ito makatayo ng ayos sa sobrang kalasingan. Kinuha ko ang pagkakataon, walang lingon-lingon akong tumakbo palayo hanggang marating ko ang isang eskinita. Ang akala ko ay hindi na nila ako masusundan ngunit laking gulat ko ng bigla nalang isa isa silang sumulpot sa aking harapan. Mabilis akong tumalikod para takasan sila ngunit ganun ding kabilis nahawakan ng isang lalaki ang kamay ko. Nakakatakot ang mukha nito, sobrang laki ng katawan, hindi man lang ako nangalahati sa laki nito. Kahit alam kong wala akong kalaban laban ay nagpumiglas ako at nagsisigaw. Ngunit para namang walang nakakarining sakin kaya hindi ko na napigilang umiyak. Pinagsisipa ko siya pero kulang ang lakas ko kumpara sa lalaking may hawak sakin at ng tangkang hahawakan pa ng isang lalaki ang kabila kong kamay ay may biglang sumigaw.
"Anong kaguluhan ito?!" Maarteng sabi ng taong dumating. "Mga punyeta kayo magsi alis nga kayo, mga letche pati ba naman studyante ay papatulan niyo. Pano kung sa mga anak niyo gawin yan ha. Hoy! Alisin mo ang kadiri mong kamay. Ano hindi mo ba aalisin, wala kayong libreng gupit sakin." Sunod-sunod nitong palahaw at maya-maya nga ay nawala ang ang kamay na may hawak hawak sakin. Ligtas na ako ngunit patuloy parin ang pagtulo ng luha ko.
"Pasensya na Mama bosing nagkatuwaan lang naman kami. Hindi naman talaga namin siya sasaktan. Natuwa lang kami kasi sobrang ganda niya talaga. Di ba mga pare. Kaya wag mo naman kaming singilin sa gupit Mama Georgina." Pakiusap ng isang matabang lalaki.
"Letche sinisira niyo ang reputasyon ng lugar na ito, alam niyo ba na para narin niyong binalewala ang mga pinaghirapan ko. Mga bwisit! Kung hindi kayo hihingi ng tawad sa batang ito ay talagang pagbabayarin ko kayo. Kaya luhod." Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya. Nakataas ang isang kilay nito habang nakapamaywang. Lalaking babae siya sa masaling salita, siya ay isang bakla. Nagulat ako ng tumingin ito sakin at saka ako kinindatan.
At ng muli kong sulyapan ang mga lalaki, nagulat nalang ako ng isa isa amg mga itong nagsipagluhod sa harapan ko ang iba ay hindi na magkamayaw sa pag hingi ng tawad. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa sa mga itsura ng mga ito. Para kasi silang mga batang napagalitan ng kanilang nanay.
Mukha naman silang seryoso sa paghingi ng tawad hindi naman ata sila masama nadala lang siguro ng alak. "Ok na po, tayo na po kayo basta wag na po mauulit." Nanginginig parin ako habang sinsabi ito. Aakapin sana ako ng mga ito ngunit pinag hahampas sila ng pamaypay ng taong tumulong sakin.
"Hala siya tsupe, wag na wag niyong gagalawin ang babaeng ito at pag nalaman ko lang na ni dulo ng daliri niya ay ginalaw niyo alam niyo na kung san kayo pupulutin." Pagbabanta ng tinawag nilang Mama Georgina.
Napanatag naman ang loob ko ng isa-isang nagsipag alisan ang mga ito. Bumalik narin sa normal ang tibok ng puso ko. Magpapasalamat na sana ako kay Georgina ng walang sabi-sabi niya akong hinila at dinala kung saan.
"Halika nga dito girl. Mayaman ka noh, wag kang magsisinungalin at baka tawagin ko ulit ang mga pangit na lalaking yun." Maarte parin nitong sabi. Kaya wala akong nagawa at naikwento ko sa kanya kung paano ako napadpad sa lugar nila at kung paano ako nalagay sa ganung sitwasyon. Pasalamat naman ako at hindi na siya nagtanong pa. Kaya simula ng araw na iyon, naging magkaibigan kami at isa isa ko naring nakilala ang mga tao sa lugar nila na kung tawagin nila ay Tondo.
Third person POV
Sa di kalayuan naman ay nagaganap ang isang illegal na drag race.
"Pare pano bayan panalo na naman ang pambato ko. Akin na ang bayad."
"Tsk lagi nalang, sa susunod hindi na siya pwede dito mamumulubi kami."
"Oh brad ito na ang para sayo. Balik ka ulit ha at pihadong marami ang pupusta sayo." Hindi naman sumagot ang lalaki at kinuha ang pera. Pagkatapos ay basta nalang ito umalis at pinaharurut ang motor. Paalis sa lugar kung saan niya natutunan na pahalagahan ang mga bagay na pinaghihirapan at wag pahalagahan ang mga bagay na nakukuha sa madali at maruming paraan.
BINABASA MO ANG
How can I tell you? #Mus-alonlymAward20
RomanceHim: Vince Drake Samanego Sino ka bang talaga? "You might be able to fool them by your charm pero hindi yan uubra sakin." Her: Rizze Grizelda Lopez Ano ba ang nalalaman mo? "Really, how confident are you? Ngayon palang sinasabi ko na sayo, baka kai...