Chapter 22 Oblige

24 4 0
                                    

Rizze Grizelda POV

Pagkahatid sakin ni Vince ay hindi na kami nakapag usap pa. Buong biyahe ay tahimik ito at mukhang ang lalim ng iniisip. Hindi na rin ako nagtanong pa.
Pag dating ko naman sa bahay ay hindi ako dalawin ng antok para bang gusto kong makausap muna si Vince, gusto kong malaman kung ok lang ba siya. Nag aalala talaga ako, that's the first time I saw him like that. Puno ng galit.

Pabaling baling ako sa kama, naghihintay baka sakaling mag vibrate ang phone ko at tumawag si Vince pero wala akong natanggap. Naghintay ako hanggang 12 midnight pero wala talaga.

"Grrrr ano ba ang gagawin ko? Tawagan ko kaya?" Para na akong baliw na kinakausap ang sarili. Naku Rizze tama na. Bahala na, akmang tatawagan ko na ito ng biglang mag vibrate nga ang phone ko. Napabaligwas ako ng bangon. May message galing kay Vince.

Vince the kabute:
Tulog kana? Sorry kanina ha, did I scare you? Sana hindi.

Nakahinga ako ng maluwag ng mabasa ang message nito at least mukhang ok naman na siya. I'm typing my message ng biglang tumawag ito. OMG sasagutin ko ba.

Vince kabute calling

"Hello." Nagkunwari akong bagong gising. Sana hindi niya mahalata, malakas pa naman ang pakiramdam ng taong ito.

"Grizelda?"

"Yes." Paos kong sabi.

"Sorry naistorbo ata kita sa tulog mo. I will just call you tomorrow." Pagpapaumanhin ni Vince.

"Yes, oh NO! What I mean is, nagising mo narin lang naman ako eh di mag usap na tayo." Hindi naman halatang atat na atat akong makausap siya noh, slight lang.

"Sorry talaga." Pangalawang sorry pa Vince at bibigyan na kita ng award for the best sorry of the night.

"Panay sorry ka naman. May sasabihin ka ba sakin." Hindi agad ito nag salita.

"I want to talk to you."

"Are you making fun of me Vince? You are already talking to me." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Labas ka."

"Ok....ehh What?" Napatayo ako bigla.

"I want to see you. Pwede ka bang lumabas saglit."

Sa sobrang excited ko ay pinatungan ko nalang basta ng robe ang manipis kong pantulog at saka patakbong bumaba. Pag silip ko sa bintana ay nasa labas na si Vince. He's wearing the same clothes, he didn't even bothered to change.

"Give me a minute." Sabi ko sa kabilang linya. Bumalik ako sa kwarto at nagbihis ng mas matinong damit. Hindi pa ako handang mag lantad ng katawan sa kanya noh. Naka reserve lang ito sa taong magpapatibok ng puso ko at magiging asawa ko.

As promised lamabas din ako kaagad. Nakatitig si Vince sakin habang papalapit ako at ng konti nalang ang pagitan namin ay iniisang hakbang niya ako at kaagad hinila payakap. Na freeze ang buong systema ng lola mo.

"Sorry Grizelda." Dinig kong sabi nito.

"Bakit ka nagsosorry sakin. May ginawa ka bang kasalan?" Hindi ito sumagot at sa halip ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakaakap sakin.

"Vince?" Tug tug tug. Ito na naman po ang tibok ng puso ko. After a few second, humiwalay ito sa pagkakayakap at hinaplos ang pisngi ko.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon