Rizze Grizelda POV
Lumipas ang ilang araw at naging maayos naman samin ang lahat. Balik ako sa aking regular schedule. Papasok sa school at pag free day naman ay may part time ako Mondragon. Ang kaibhan nga lang ay hindi na ako sinusundo ni Vince. Mukhang tumutupad naman ito sa aming napag kasunduan. Inaamin ko nakakamis din ang prisensya ng lalaking yun. Hindi na kasi kami masyadong naguusap at kung magkasalubong man ay simpleng hi and hello lang ang tangi naming batian. Sa school naman ay nakakapagusap lang kami kung may group project. Ganun din ang aming ganap pag nasa Mondragon kami. Magkasabay parin naman kami pag lunch pero hindi tulad ng dati na kami lang dalawa kasama na namin ang empleyado ng ibang department. Mag iisang linggo naring ganito ang set up namin at sa totoo lang parang hindi ko kakayaning tumagal pa ito ng isa pang linggo. Nakakamiss kaya. Buti nalang at weekend na bukas at makakapag relax narin ang utak ko sa kakaisip.
Sabado na at sobrang nakakainip ang araw na ito. Kaya sa halip na mag kulong ako sa bahay ay naisipan kong bisitahin si Rixx. Tinawagan ko ito at buti nalang pumayag. Ang kaso mukhang may bisita naman kapatid ko. Dinig ko kasi ang ingay habang kausap ko ito.
Hindi na ako nagpatumpiktumpik pa at nagmamadaling nagbihis para makahabol ako sa brunch. Nagluto raw kasi siya ng paborito kong kalderetang Batangas. Ewan ko ba sa kapatid ko kung saan niya ito natutunan eh hindi naman kami malimit nagpupunta ng Batangas. Kung sabagay wala naman akong alam sa mga escapeds ng mga barkada niya.
Mag aalas dose na ng makarating ako at tama nga ang hula ko may mga bisita si kuya. Pagbaba ko palang ng tricyle ay may mga nakaparada ng sasakyan sa labas ng bahay nito. Pero napaisip ako bakit jeep at tricycle ang andito.
Nagmamadali akong pumasok ngunit napahinto ako ng namataan si Vince na nakaupo sa may sala. May kausap itong babae na hindi ko kilala. Maganda ito, maputi rin at mukhang makinis pero mukhang over naman ang pag kakalagay ng make up. Pero in fairness maganda ang pagkaka make up niya ha. Nagpaparlor pa siguro ito. Nanliit tuloy ako sa aking sarili, sa pagmamadali ko kasi ay nag powder lang ako at naglagay ng konting lip gloss, nag mukha tuloy akong simple kumpara sa babaeng kausap ni Vince.
"Rizze!" Sigaw ni Kurt. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ang kasama nito.
"Ate Nadine!" Napasigaw ako at patakbong umakap dito. Ang tagal ko naring hindi ito nakita. Siya ang tumayong ate ko simula ng maging sila ni Kurt.
"How is my little girl ?." Napanguso naman ako.
"Ate I'm not a little girl anymore. College na ako." Pagmamalaki ko.
"Kahit na ikaw parin ang little girl ko. Di ba Kurt?" Nagkibit balikat lang si Kurt at inaya akong pumasok sa loob. Nakahain na daw kasi ang brunch at pwede na kaming kumain. Habang akbay akbay ako ni Ate Nadine ay hindi ko napigilang lingunin si Vince. Tumango lang ito at tipid na ngumiti. Ganun din ang ginawa ko pero bago paman ako makatalikod nahagip ng mga maya ko kung paano pilit kunin ng babae ang atensyon ni Vince. The girl is whispering something to him but his eyes was on me. Bigla namang napataas ang kilay ko ng hawakan ng babae ang hita ni Vince kaya napatingin ito sa katabi. Flirt. Nakakairita. Hay naku akala ko linta lang ang lumalapit kay Vince pati pala mga mukhang clown nagpapapansin din. Bahala na nga sila, ang pagkain nalang ang pagtutuunan ko ng pansin mabubusog pa ako.
Pagkakita ko palang sa mga nakahaing pagkain ay halos maglaway na ako. Ate Nadine prepared everything kaya for sure masarap ang mga ito. Nakanguso ako habang papalapit kay kuya na cool na cool sa pagkakaupo sa kabisera. He extended his arms to me for a hug pero binatukan ko lang ito.
BINABASA MO ANG
How can I tell you? #Mus-alonlymAward20
RomantikHim: Vince Drake Samanego Sino ka bang talaga? "You might be able to fool them by your charm pero hindi yan uubra sakin." Her: Rizze Grizelda Lopez Ano ba ang nalalaman mo? "Really, how confident are you? Ngayon palang sinasabi ko na sayo, baka kai...