Chapter 8: Sorry

33 4 0
                                    

Rizze Grizelda POV

Grrrrr. Bwisit na kabute yun gumawa pa ng eksena kahapon. Buti nalang at last day na ng klase at weekend na. Isang araw ko nalang siyang pagtitiisang makita.

"Wala daw si Miss Lexi, hindi siya makakapasok may sakit."

"Ows talaga, bago yan ah."

"Ano ba kayo baka mamaya bigla nalang dumating yun at marinig kayo at tinawag niyo pa siyang Miss Lexi."

Ito ang naabutan kong usapan sa labas ng classroom namin. Dumaan ako sa harapan nila. "Excuse me, hindi ba talaga siya makakapasok? Did you ask someone from the admin office?" Tanong ko. Lahat sila ay natigilan na ipinagtaka ko. Wala bang may gustong makipag usap sakin. Ganun na ba ako ka outcast sa kanila.

"Wala ba talagang nakakalam, even the student council?." Tanong ko ulit.

"Ah, eh yun kasi ang sabi, may sakit daw ata." Nauutal na sagot ng isa sa mga classmate kong lalake.

"Sige thank you." At matamis ko silang nginitian. Nang papasok na ko ay dinig ko ang mumunting bulung bulungan ng mga ito.

"Shit pare, narining mo yun. Kinausap ako ni Rizze." Sabi ng isa na hindi ko parin kilala ang pangalan hanggang ngayon. Eh halos lahat naman ata ng classmate ko hindi ko pa kilala. Si Vince palang naman ang may kapal ng mukhang kausapin ako.

"Oo nga ang ganda talaga niya." Dugtong naman ng isa.

"Laglag ang panga ko bro nginitian niya ako, shit ang ganda." Di naman makapaniwalang sabi ng isa.

"Anong sayo, sakin kaya siya nakatingin." Naiiling nalang ako sa takbo ng usapan nila. Ganun ba talaga ang epekto ng simpleng pagpansin ko sa kanila.

Hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa pwesto ko ng may baritonong boses akong nadinig mula sa aking likuran na nagpahinto sakin saglit.

"All of you, get inside the room." May diin na utos nito. Napalingon naman ako dito. Sino pa nga ba ang taong may pagka dominante, walang iba kundi si Vince. Mukhang mainit ang ulo ng lolo mo. Nilampasan kami at diretsong naglakad sa unahan ng room.

"I know all of you heard about our professor. She will not be able to teach us today." Dinig ko ang pag sasaya ng halos lahat ng classmate ko. "Don't be so excited. May iniwan siyang dapat nating gawin. It is an important project and she needed it by next week." Seryoso itong nakatayo habang nagsasalita sa harapan namin. Masyadong bossy, hindi man lang bumati ng good morning.

"Eh Vince by partner ba yan or by individual." Tanong ng isa sa classmate namin.

Saglit na tumingin sakin si Vince na ipinagtaka ko. "By partner and I already have the list." Inilabas niya ang isang A4 paper. Inilapag niya ito sa unahang mesa. Isa isa naman kaming nagsilapitan para alamin ang magiging partner namin.

"Malas, sayang hindi ko siya partner." May panghihinayang na sabi ng nasa may bandang kaliwa ni Vince, isa ito sa mga nakausap ko kanina.

"Sino kaya ang partner ni Rizze pare? Sana ako nalang." Sabi naman ng lalaking nasa likod ko. Matangkad ito at may pagkamistiso. Napalingon ako dito at biglang namula ang mukha. Napapangiti nalang ako sa naging reaksyon nito halata ang sobrang pagkahiya.

"Malas naman talaga, hindi si Rizze ang partner ko." Halos lahat ng classmate kong lalake ay ganun ang sinasabi.

Sa mga narinig ko, para tuloy akong naging excited sa magiging partner ko kaya nagmamadali kong inisa isa ang listahan ngunit mukhang may mali ata dito ."Bakit wala ang pangalan ko?" Tanong ko kay Vince. Lahat sila ay napatingin sakin ng may pagtataka. May pagtatanong naman akong tumingin kay Vince na nakatitig lang sakin.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon