Chapter 28 Heart of mine

20 3 0
                                    

Rizze Grizelda POV

Hindi ko lubos maisip kung ano bang nakain ng kabuteng ito, I mean ni Vince. Kanina pa kasi siya dito at nanggugulo sa bahay. Ang aga aga niyang mangbulabog. Nababagot daw kaya naisipan niyang mangapitbahay. Di ba feeling second house niya ang bahay ko. Pasalamat siya nasa mood ako.

Kung kanina ay medyo asiwa pa ito pagkilos mgsyon kala mo siya na ang may ari ng bahay. Todo luto, feeling niya kanya ang kitchen ko. Pero in fairness ha bagay sa kanya ang apron ko. It has my face printed on it. A gift from my brother.

Habang nakatitig sa likod ni Vince hindi ko maiwasang mag imagine mas maganda siguro kung nagtopless nalang ito. Ang halay ko. Ilang oras ko na ba siyang pinagmamasdan ng hindi nito namamalayan. One hour or more? Ng maingat kong usisain ang ginagawa niya. Mukhang maganda naman ang presentation ng niluto niya, ang tanong eh kung masarap naman ba.

Naglakad ako palapit at napataas ang kilay ko. Ilang tao ba ang papakainin niya bakit ang dami naman ata. I'm about to great him ng mapatingin ako sa lower back niya. Nice ass babe. Impit akong natawa at napapikit. Pagmulat ko ay muntik na akong mahimatay. Vince is now in front of me. May nakakaloko itong ngiti na para bang may alam ito sa tumatakbo sa utak ko.

"Are you imagining a handsome topless Vince or are you fantasizing my butt? Hmm" shit nag init bigla ang mukha ko.

"You're blushing." Natatawa itong tumalikod at pinagpatuloy ang ginagawa. Nasapo ko ang mukha ko at natameme nalang. Nakakahiya talaga.

Habang nasa hapagkainan ay tahimik lang kaming kumakain. Sa bawat subo ko ay para akong mabubulunan, ano ba naman ito bakit ayaw makisama ng pagkain. Hindi ko malunok. Bigla nalang kasi akong hindi naging komportable sa prisensya ng lalakeng nasa tapat ko. Nakaka distract kasi siya, lalo na sa bawat subo nito ay kapansinpansin ang paggalaw ng perpekto nitong panga. Ang pagtaas baba ng adams apple nito sa bawat pag lunok at ang mamulamula nitong labi. Sana naging baso nalang ako.

Napapitlag ako at nabitawan ang tinidor ng bigla itong nag angat ng tingin. Tumaas ang gilid ng labi nito. Did he caught me staring at him? Sa pagtatama ng mga mata namin ay ang bigla namang pagbilis ng tibok ng puso ko. What the heck! Bakit ganito.

"Are you ok Grizelda?" Nagpakawala ako ng buntong hininga saka nagyuko ng ulo.

"You don't want me to be here?" Bigla akong nag angat ng tingin at kita ko ang lungkot sa mga mata nito. Sa tangka nitong pagtayo ay kaagad kong hinawakan ang kamay nito.

"No!" Medyo napalakas ata ang boses ko kaya natigilan ito. "What I mean is sorry." I can't really think straight now.

"Sorry? Para saan?" Nagtataka nitong tanong.

"What I mean is Sorry that you misinterpret my action." Nakatingin lang ito sakin.

"You may stay here longer if you want." Biglang nagliwanag ang mukha nito at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Natulala at Napalunok nalang ako.

After our breakfast, Isa isa ko na sanang ililigpit ang mga pinagkainin ng bigla nalang akong pigilan ni Vince.

"Ako na." Malambing nitong sabi. Putek ang puso ko tumambol na naman.

"No, ikaw na nga ang nag luto kaya I will clean the dishes."

"You offered me to stay longer so ako na dito." Nakangiti nitong sabi.

"Ha?" Hindi ka bingi Rizze, narinig mo di ba.

"Sabi ko you offered me to stay longer so ako na dito. Then after this we will clean your house then we will go out. Wala ng laman ang fridge mo, wala tayong kakainin mamayang lunch at dinner." Literal na napaawang ang bibig ko. He will stay here till night. OmG

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon