Chapter 31 You

19 4 0
                                    

Rizze Grizelda POV

"Now talk. Why on earth you came late tonight."

Im doomed

Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Na siya ang dahilan kung bakit ako late umuwi. Masama ang loob ko sa kanya. Pwede ko bang sabihing naiinis ako sa kanya. Paano kung magtanong pa siya kung bakit. Ano ang isasagot ko sa kanya na paasa siya, tama paasa siya pero sapat na bang dahilan yun. Ang hindi pagpapakita at pagpaparamdam ng buong araw ay maituturing na bang paasa. Hay naku think Rizze, think.

"Now what?" Napapitlag ako sa pagtaas ng boses ni Vince. Nakakainis siya, hindi pa nga ako nakakaisip ng idadahilan.

"Eh ano bang pakialam mo kung gabi na akong nakauwi. You are not my brother." Itinulak ko siya kaya bahagyang nawalan ito ng balanse. Kinuha ko ang pagkakataon at mabilis na tumayo. I want out, hindi ko na ata kakayaning makasama siya ng ilan pang minuto. I am suffocated. Nakakawala siya ng oxygen.

Nagmamadali akong naglakad para lumabas ngunit.....Grrr bakit naka lock. Pagalit kong hinarap si Vince at ang loko nakangisi pa.

"Open this damn door Vince." Pigil ang boses ko baka kasi madinig kami ng mga tao sa labas at kung ano nalang ang isipin. Baka mapauwi ako ng hindi oras ng kapatid ko.

"Wag mo akong ngisian Vince walang nakakatawa." Sinubukan kong buksan muli ang pinto ngunit bigo ako.

"Try harder Grizelda pero kung ako sayo hindi na ako magpupumilit pa."

"Buksan mo sabi eh."

"Nope until I hear your alibi."

"What?" Mabibigat ang mga hakbang ko palapit kay Vince at ng isang hakbang nalang ang pagitan namin ay bigla ko itong sinuntok sa mukha.

"Shit Grizelda! What was that for?" Gusto kong matawa sa itsura niya, sapo sapo ang panga at mukhang nasaktan nga. Buti nga sa kanya, pero shit lang din ang sakit ng kamao ko.

"Yan ang nararapat sayo at kung hindi mo ako papalabasin dito hindi lang yan ang aabutin mo sakin." Pagbabanta ko.

"Subukan mo. Don't you dare lady baka pag sisihan mo. Remember you are inside my room and I can do whatever I wanted from you. Wala kang magagawa even your brother pag ako ang naningil." Napalunok ako, seryoso ba si Vince. Hindi ko maitatangging bigla akong kinabahan. May munting sakit din akong naramdaman sa puso ko sa bawat mga salitang binitawan niya sakin. Akala ko ba he care for me.

"So sinungaling ka. Sinungaling. You don't care for me." Halos garalgal na ang boses ko. Nasasaktan ako. Pilit ko mang maging matapang pero traydor ang mga luha ko. Dahil siguro sa galit ay napaluha ako.

"Grizelda." Halatang nabigla si Vince, kita sa mga mata nito ang pag aalala. Sinubukan niyang hawakan ako pero hindi niya itinuloy sa halip ay naupo ito sa kama. Nakatukod ang dalawa nitong siko sa magkabila nitong hita habang nakayuko at sapo sapo ang ulo. Kapwa kami hindi nagsalita at ang tanging maririnig mo lang ay ang mahina kong paghikbi.

"Sorry. I'm really sorry." Biglang nahinto ako sa saking paghikbi at napatitig sa nakayukong si Vince. Nang mag angat ito ng mukha ay mamula mula ang mata nito. Is he about to cry.

"I don't mean it. All of it." Damn it. Lalo akong napaluha, unti unti akong napaupo sa sahig at doon na ako bumigay. It hurts so bad. Ang sakit sakit.

"Oh baby. Im sorry." Naramdaman ko ang paglapit niya sakin at pagkatapos ay yakap yakap na ako ni Vince ng sobrang higpit. Hinayaan ko nalang siya, pakiwari ko kasi ay naubusan na ako ng lakas.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon