Chapter 6: Rixx Claude

46 4 1
                                    

Vince Drake POV

Sa inis ko ay pinaharurot ko ang aking motor at halos paliparin ko ito makahabol lang sa gaganaping race sa Batangas. Wala naman talaga akong balak sumali ngunit dahil nga sa hindi magandang tagpo namin ni Grizelda ay nasira lahat ng plano ko. Tama ba namang ikumpara ako sa aso, tanggap ko pang akusahan akong sunod ng sunod sa kanya which is totoo naman. Kung nakiayon lang sana samin ang mga pangyayari ay nagkaayos sana kami. Ang plano ko talaga ay kausapin ito after the class para humingi ng pasensya sa mga nabitawan kong mga salita sa kanya. Alam kong iiwas at iiwas siya sakin kaya napagpasyahan kong hintayin ito kaso lang ng lalapitan ko na ito ay bigla namang dumating ang mga kaibigan ko. Inaya nila akong sumama sa kanila. Huli na ng mapansin kong nakalabas na pala si Grizelda hindi ko tuloy ito nakausap kaya nag desisyon akong umuwi nalang para makapagpahinga. Marami pa namang pagkakataon, pwedeng mamaya o kaya naman bukas.

Nakasunod ako sa kanya kanina dahil pareho lang naman ang way namin ngunit mali atang sinundan ko ito dahil nakatikim ako ng pagtataray nito. Naguguluhan man sa pag susungit nito ay hindi ko nalang ito pinansin ngunit ng ikumpara ako sa aso ay nagpanting talaga ang tenga ko. Hindi ko pinalampas ang sinabi nito. Tutal naman galit na siya sakin bakit hindi ko pa lubus lubusin. Ang kagustuhan kong makipag ayos dito ay bigla nalang nawala sa bukabolaryo ko. Harap harapan kong sinabi kay Grizelda na masyado ata siyang nag iilusyon. Iisa lang ang lugar namin malamang iisa lang din ang way namin. Hindi pa ako nakuntento at walang filter ko itong tinanong kung attention ko ba ang gusto nito. Ang akala ko ay magsusungit muli ito pero hindi na ito nakapagsalita sa ginawa kong paglapit na halos magdikit na ang mga mukha namin. Hindi ko maitatangging maganda talaga ito at mas lalo pala itong maganda kapag malapitan. Gustuhin ko mang pakatitigan pa ito ay hindi ko ginawa. She is a destruction to me. Is she?

Napaisip tuloy ako kung bakit ba ang sungit ng babaing yun. Maiintindihan ko pa kung ako lang ang sinusungitan nito pero hindi eh. Base sa mga naririnig ko marami ang gustong makipag kaibigan dito kaso lang nauunahan sila ng takot pag nagtaas na ito ng kilay at lalo na pag ito ay nagbitaw ng salita. Hindi ko naman sila masisisi dahil may pagkasuplada talaga ang babaenh yun.

Kahit may konting  inis ako sa kanya ay talagang napabilib niya ako kung paano nito nasagot with confident ang bawat tanong ko. Hindi maitatangging may itinatago itong talino. Kung ipinagpatuloy ko lang siguro ang pagbato ng mga katanungan ay siguradong may maisasagot ito. Enough ang papuri Vince. Nahihibang kana I better join the game.

Sa sobrang bilis ng aking pagpapatakbo ay mukhang makakahabol pa ako sa race. Kapansin pansin ang dami ng taong gustong makasaksi ng paligsahan dahil halos hindi na makapasok ang karamihan sa loob.

Sa ganitong palaro ay hindi talaga mawawala ang payabangan lalo na pag sasakyan na ang pinag-uusapan. Napapailing nalang ako at napapangiti dahil tulad nila ay dumaan din ako sa pagiging mayabang.

Malapit na ako sa entrance ng makaramdam ako ng pananabik. Halos isang taon din akong nahinto sa ganitong laro para mapaghandaan ang pag pasok ko sa college. Sa oras kasi na hindi ko talikuran ang hilig na ito, hindi malayong hindi ako makatungtong ng kolehiyo. Habang hila ang aking motor papasok ng venue ay kapansin pansin ang pagsunod ng tingin sakin ng karamihan. May mga naiiling at ang iba naman ay bakas ang pagkagulat. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa paglakad hanggang makita ako ng isa sa mga event organiser. Pagkatapos ng maikling pag uusap ay nagtungo kaagad ako sa aking magiging pwesto. Habang inihahanda ang sarili ay naagaw ng atensyon ko ng isang asul na Ducati. Nakapwesto ito sa may bandang kaliwa ko. Ang angas talaga ng dating, kakaiba ito at halatang pinasadya. Makaagaw atensyon kasi ang bawat parte nito halatang ginastusan talaga. Kapansin pansin din ang malaking lettet "R" sa may bandang unahan nito kung hindi ako nagkakamali ay iniukit ito gamit ay rhodium.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon