Chapter 29 Forced

13 3 0
                                    

Rizze Geizelda POV

Excited ako at ang gaan gaan ng araw na ito para sakin. Maaga akong nagising at super hyper ko habang nagluluto. Pakanta kanta pa ako habang naliligo. Today will be another happy day. Sana naman maganda talaga ang araw ko today, baka naman nangangarap lang ako at balik ulit sa dati. Napanguso ako habang hawak hawak ang locket na bigay ni Vince sakin at napalitan ng ngiti ng buksan ko ito. It's a heart shape locket. Sa isang side ay ang picture ni Vince when he was still young. Hindi na ako nag tanong pa bakit kailangang may picture siya doon. Napabuga ako ng hangin ng pagmasdan ko naman ang kabilang side ng locket. Ako kasama si lolo. Its an old picture of us. Hindi ko napigilan ang luha ko ng una ko itong makita, I miss my lolo so much. Kahit nakakahiya kay Vince ay umiyak ako sa kanya.

After ng drama ko ay napatawa naman ako ni Vince ng tanungin ko ito kung bakit kailangang kasama pa ang larawan niya sa locket. Hindi rin kasi ako makatiis na hindi magtanong. Ang dahilan niya, ang cute cute daw kasi namin sa pictures at isa pa hindi ko naman daw siya nakilala noong bata pa siya kaya kahit man lang sa picture ay may remembrance ako ng kabataan niya. Minsan hindi ko maintindihan kung ano ang tumatakbo sa utak ni Vince, may topak talaga madalas.

Kahit maaga akong nagising ay late parin akong nakarating sa school. Ilang oras kasi akong pabalik balik sa salamin. Wala akong mapili na pwedeng isuot, lahat kasi ng dala ko ay loose sakin. Ilan lang ang medyo matino. Simula kasi ng tumira ako dito wala lang sakin kahit anong isuot ko pero bakit ngayon parang gusto ko ay maging maganda ako sa paningin ng iba particularly sa mata ng taong kanina ko pa gusto makita. Ngayon ko narealized na tama si kuya I should bring my old stuff with me. Ipapakuha ko nalang siguro kay kuya ang iba kong damit. I called my brother but changed my mind after. Kaya nakuntento nalang ako sa white t-shirt, faded pants and low cut converse.

I came 15 minutes late kaya ang parusa sakin ay long homework from my not so good professor and take note she needed it before her first class tomorrow which is 8 am. Parusa talaga so in short mali talaga ang expectation ko. Hindi happy day ang araw na ito sakin kundi bad day. At ang lalo pang nakasira ng araw ko ay walang Vince akong nakita from my first class until my last subject. Umaasa pa naman akong siya ang unang babati sakin pagpasok ko ng school. And akala ko pa naman ay ok na kami pero good for one day lang ang lahat. Ang taas kong mangarap, ano pa ba ang aasahan ko sa isang Vince Drake Samanego, sala sa lamig sala sa init ang mood swing.

Dahil bad trip ako buong araw, napag desisyunan kong mag stay nalang sa library after my last class para tapusin ang pagkahaba habang homework na ibinigay sakin. Mabuti sigurong dito nalang ako magtambay para naman may magandang mangyari sa araw na ito. Dahil tutok ako sa aking ginagawa, hindi ko na namalayan ang oras kung hindi pa ako sinita ng librarian na mag sasara na sila. Pinasadahan ko ng tingin ang buong library at ako nalang pala talaga ang naiwan at lahat ay nag siuwian na. Buti nalang at natapos ko ang dapat kong tapusin pero bakit hindi ako masaya dati rati naman pag may isa akong nagawang fulfillment kahit mababaw lang ito ay masayang masaya na ako. Para akong drain battery na unti unting nauubusan ng energy kaya to erase all the bad vibes, sa halip na umuwi ay dumaan muna ako sa isang park. I stayed there until eight in the evening, marami pa palang tao kahit ganitong oras. Most of the people I saw are families and lovers . Nakakalibang lalo na ang mga batang masayang naglalaro kasama ang kani kanilang mga magulang. Kung pwede nga lang maibalik ang panahon I will choose this kind of life. Simple and free.

I decided to go home siguro mga past nine na kaya ubos na talaga ang aking energy. Gusto ko ng matulog to have a piece of mind. Nakakapagod din amg mag isip at mag hintay sa wala. Wala man lang tawag, wala kahit isang text ang hirap talagang umasa. Pag nakita ko talaga ang lalaking yun itatapon ko sya sa sun hindi na sa mars.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon