Chapter 30 Doomed

17 4 0
                                    

Rizze Grizelda POV

Wala kaming imikan ni Vince kahit ang ingay ingay ng mga kasamahan namin lalo na si Kurt na sobra kung mang asar. Napapagtripan nila si Rixx na keso SSB daw kalalaking tao. Ewan ko nga ba sa kapatid ko kahit minsan kasi walang pinakilalang babae samin. Kahit fling ata ay wala. Hindi naman siya bakla. Baka pa secret effect lang ang drama ng kapatid kong ito ah. QMasyado kasi itong suplado dinaig pa ang isang babae.

"Vince, matanong kita ilan ang chicka babes mo." Nakangising sabi ni Paul. Tipid namang ngumiti si Vince habang naiiling, wala kaming nadinig na sagot sa kanya bagkos ay tahimik lang nitong pinagpatuloy ang pagkain.

"Don't tell me bro SSB karin." Sabay tawa ng malakas ni Kurt. "So paano ba yan Rixx, you are not alone." Pagpapatuloy na sabi ng makulit na si Kurt na ikinatawa naman ng lahat maliban sakin at Rixx. Sa kapatid ko parin ang simpatya ko hindi sa kanila. Napataas naman ang kilay ko ng biglang tumayo si Vince na ikinatigil naman ng iba. Galit ba siya, sobra kasing seryoso ng mukha nito kaya natahimik ang lahat.

Makalipas ang ilang minuto ay walang nagsalita at lahat ay nagpatuloy nalang sa pagkain. Sinundan ko ng tingin si Vince, naglakad ito sa may bandang likuran ko at pasadyang ipinatong ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng upuan ko. Bigla akong napatuwid ng upo feeling ko kasi konting kilos ko lang ay dadampi na ang kamay nito sa balikat ko. Hindi ko maipaliwag ang kaba ko para bang oras na dumampi ni katiting na balat ni Vince sa balat ko ay magkakagulo ang buong sistema ko. Iniisip ko palang ay kinikilabutan na ako hindi sa takot kundi sa ... ewan.

Akala ko ay aalis na ito sa likod ko ng maramdam ang bahagyang pagkilos nito ngunit mas lalo pa nitong idinikit ang sarili sakin. Nanigas ako sa pagkakaupo, shit kahit may pagitang sandalan bakit dama ko ang init nito. Bakit kasi kailangang sa likod ko naisipan niyang tumayo at bakit ba sobrang dikit nito sakin. Hindi tuloy ako makapag concentrate sa kinakain ko. Gustuhin ko mang tumayo pero paano. Bahala na, ng akmang tatayo na ako ay tumikhim ito.

"I had one relationship which was lasted only for months." Tumigil ito sandali saka nagsalitang muli. "And the rest of it are not important anyways. They are just to justify my needs" Mayabang nitong sabi. Napasibangot ako sa sinabi nito. Ayaw pang aminin na babaero siya, one relationship my face at paneeds needs pa. Sabihin mong hayok ka.

Pinilit kong iwaksi ang una niyang sinabi pero bakit tinamaan parin ako ng curiosity. Kung hindi importante ang sinasabi niyang the rest ibig sabihin ay mahalaga sa kanya ang babaeng nakarelasyon niya for months. Ilang buwan kaya ang itinagal ng relasyon nila. Hindi ko maiwasang hindi mag isip. Ano kayang dahilan at naghiwalay sila. "Yan tayo bro eh. Talagang magiging idol kita. Ano pwede mo ba akong samahan kung saan makikita ang sinasabi mong the rest the pwedeng mag satify ng needs ko." Sabay tayo ni Warren na nagpabalik sa katinuan ko.

I don't have a boyfriend and like my brother SSB din ako pero hindi naman ako inosente pag dating sa mga bagay bagay. Ikaw ba naman ang lumaki kasama ang mga lokong ito. Alam ko ang pinupunto ni Vince, lalake siya at may pangangailangan. Bakit ganun parang ang hirap tanggapin masakit sa puso.

"Will you shut up. My sister is here." Masungit na saway ni kuya.

"Upps sorry Rizze, SSB ka din pala. Mag boyfriend kana kasi." Sabay tawa ng lahat maliban ata kay Vince na tahimik lang na nakatayo sa likod ko.

"Shut the fuck off." Pagtataray ko. Lalo lang silang nagtawanan. Kahit kelan talaga mga walang puso. Tatayo na sana ako ng maramdaman ang pagpigil ng kamay ni Vince sa balikat ko. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko eh. Sa pagdampi ng palad niya ay nangilabot ang buo kong katawan. Pinagpapawisan pa ata ako. Pilit kong iniwaksi ang aking nararamdaman at saka pinakalma ang sarili. Huminga ako ng malamin at saka tiningala ang lalake sa likuran ko.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon