Chapter 56 Seal with love

11 3 0
                                    

Rizze Grizelda POV

"Omg anong gagawin ko." Tili ko. Bibisita kasi si Vince para umakyat ng ligaw.

Pagkatapos naming naipanalo ang kaso kung saan nakulong si Architect Greg Salazar at naibalik ang Mon Senor sa magkakaibigan ay hindi na tumigil si Vince sa pangungulit. Gustong mag paalam ng personal sa magulang ko. Which is ok lang naman pero kasi ang alam nina mommy ay may something na samin. Ang pag kakaalam nga nila ay kami na kasi minsan na nilang nakitang nagkissing kissing kami sa grahe. Paano na kung magpapaalam palang siya tapos may ganun ng ganap. Masasabon ako ni daddy nito eh. Sabi ko sa kanya manligaw nalang kahit walang paalam pero ang lalake hindi pumayag. Kinakabahan tuloy ako.

By the way si Samantha nga pala ay nasa custody ni Engr. Calvin na ikinagulat namin. Hindi na kami nag tanong pa kasi sinabihan na kaming siya na ang bahal sa babae.

Vince calling

Patay na ito na nga ba sinasabi ko eh. Mabilis kong sinagot ang tawag.

"Asan ka?" Natataranta kong sagot.

"Sa sala niyo."

My goodness gracious lagot na ako talaga. Hindi na ako nagpatumpiktumpik pa. May pagmamadali akong bumaba at naabutan ko nga si Vince na prenteng nakaupo kausap si Daddy at Mommy. Pinagpapawisan ako ng malagkit at ang lakas ng pintig ng puso ko sa kaba. Dahan-dahan akong bumababa para hindi makakuha ng attention pero wala rin.

"Oh anak andito na si Vince." Pilit akong ngumiti at lumapit dito. He kiss me on my cheek na lagi naman niyang ginagawa pero pag kami lang hindi sa pisngi kundi sa lips. Napakagat ako ng labi, kasi may like ko sa lips. Naadik na ako sa lalakeng ito, hindi naman ako ganito dati.

"Princess ang sabi ni Vince may importante daw siyang sasabihin samin pero sabi ko mamaya nalang kasi nagpahanda ako ng miryenda at alam kong gutom narin ang batang ito. You came all the way from Cavite di ba?"

"Opo tita."

"Ay siya kain muna tayo, halima kayo ."

"Sige po tita." Magalang nitong sabi.

"At iho ibigay mo nayan sa anak ko baka mangawit ka." Naptingin ako sa bulaklal na hawak nito. Para sakin. Nag-init bigla ang mukha ko. Akmang kukuhanin ko ito ng nagsalita ito.

"Tita hindi po kay Grizela ito." Nagulat si mommy at napasimangot naman ako. Sapakin ko itong lalakeng ito eh.

"Ah eh ganun ba. Akala ko sa anak ko."

"Tita sa inyo po ito." Napakamot sa batok si Vince at biglang namula ang tenga nito. Mahina akong napatawa at ng sulyapan ako nito ay nakakunot ang noo nito para bang sinasabing magtigil ako. Inirapan ko nga.

"Naku salamat iho. Nag abala ka pa." Nalilito si mommy at ganun din si daddy.

"Aba-aba may pabulaklak ang loko." Nakangising sabi ni kuya na hindi man lang namin naramdamang dumating. Kasama nito siyempre nito si May.

"Uy flowers. Ang ganda tita ah. Bigay ng pinsan ko." Kinikilig na sabi ni May

"Mayang." Saway dito ni kuya na ikinatahimik naman ng babae. Ano yun, pusa lang kung mag-utos.

"Pero Ma sayo ba talaga yan?" Nakakalokong tanong ni kuya saka hinarap kami.

"Ano ngayon na ba Vince. Magpapaalam kana ba sa mga magulang ko?" Napabuntong hininga nalang ako. Sinisira naman ni kuya ang diskarte ni Vince eh. Kinakabahan na nga ako sumingit pa ito. Tumango naman si Vince.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon