Chapter 14: Hate

38 4 0
                                    

Rizze Grizelda POV

Nagising ako sa sunod sunod na pag vibrate ng phone ko. Ang aga aga namang mangbulabog ni mommy, hindi ba niya alam ang salitang maaga pa. Wala akong choice kundi ang bumangon. Hindi narin naman ako dadalawin ng antok.

Kinuha ko ang phone ko at kaagad tiningnan ang mga mensahe dito. Pagkakita ko palang ng pangalan niya ay bigla nalang nagbago ang pintig ng puso ko, malakas ito at sobrang bilis. Kailangan ko na atang magpatingin sa doktor dahil mukhang may abnormality na sa puso ko.

Huminga ako ng malalim at saka pinakalma ang sarili.

Vince the kabute:
Good morning My Lady 😉

Vince the kabute:
Still sleeping beauty? 😔

Vince the kabute:
Wake up sleepy head! 😊

Vince the kabute:
??? 🤔

Vince the kabute:
I'm being ignored again by My Lady and it's hurts so bad. 💔

Anong trip ng lalaking ito? Is he expecting a reply from me at this early? Does he knows what time it is? 5 in morning palang kaya. May sapak ba siya.

Vince the kabute:
I will pick you up. Be ready in an hour😏

What! Pambihira. He gave me only an hour to prepare. Pag aayos ko palang sa sarili ay isang oras na, wala ng breakfast ganun. Nakakairita talag siya minsan kung hindi lang talaga siya yummy. Hmmp.

At pagsapit nga ng ala sais impunto.

Vince kabute calling

"Vince, anong trip...." aba't hindi ako pinatapos magsalita.

"Good morning My Lady. I'm waiting outside." Sabay cut ng tawag. He didn't even wait for my reply, bastos talaga.

Nakasimangot ako habang papalabas ng bahay at ng magkaharap kami ay masama ko siyang tiningnan.

"Hey, mukhang hindi ata maganda ang gising natin My Lady." Nakangiti niyang bungad sakin. Kung kanina pa akong wala sa mood ay kabaliktaran naman kay Vince. Mukhang sobrang ganda ng umaga para dito.

"Tch, ang aga aga mong manggulo at sinira mo pa ang morning routine ko. Seriously Vince, binigyan mo lang ako ng isang oras, as in isang oras para mag ready. At sino bang nag sabi sayong sunduin mo ako ha?. Nagkibit balikat lang ito na lalong ikinainis ko.

"What's wrong with one hour? Hindi pa ba sapat yun?" Tanong nito sabay kamot ng sa batok. Aba't dinedma ang tanong ko.

"No! hindi naman ako lalaki na kagaya mo noh. Babae ako kaya wag mong aasahan na sapat na ang isang oras sakin. Hindi na nga ako nakapag agahan eh." Sunod sunod na reklamo ko.

"Lets go." Sabay hila sakin papunta sa sakayan ng jeep.

"Ano ba! Ganyan ka ba talaga, laging nalang naghihila." Sigaw ko dito.

"Wag kang sumigaw, baka isipin nila may masama akong ginagawa sayo." Dirediretso lang kami sa paglalakad hanggang makarating sa kanto, buti nalang at kaagad na may dumating na jeep. Nakakapanibago walang dalang sasakayan si Vince.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon