Rizze Grizelda POV
Sobrang saya ko buong weekend pumayag na kasi si kuya na mag part time ako pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung saang kumpanya ba ako ipapasok ni Vince. Agad nalang nag agree si kuya ng pumayag si Vince to take care of me. And dami kong katanungan sa kanila, una bakit ganun nalang ang pagtitiwala ng kapatid ko kay Vince at anong meron sa Mon Senior Group bakit ayaw nilang mag work ako dun.
Nakatitig lang ako sa kisami ng biglang tumunog ang phone ko.
Vince the kabute calling
"Hello." Tug tug tug Bakit kapag si Vince ang kausap ko ay nagiiba ang tibok ng puso ko, nakakatakot na itong nararamdaman ko.
"Hi. Good morning?" Bati sakin ni Vince. "Are you going now?" Tanong niya sakin.
"Yes, paalis palang." Kahit hindi pa talaga ako ready.
"Sabay na tayo. I will wait for you outside." Sumilip ako saglit sa may bintana at confirm nga nasa labas na siya at nakapamulsang naghihintay sakin.
"Ok, just give me a few minutes." I ended the call. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Makalipas ang konting seremonya sa katawan ay lumabas narin ako.
"Sorry medyo natagalan." Paumanhin ko. Tumango lang si Vince at saka iniabot ang helmet ko. Oo ibinalik ko ang helmet sa kanya pero hindi dahil sa ayaw ko. I told him to keep it para ready lagi pag aangkas ako sa motor niya. Pumayag naman siya pero I make him promise na ako lang ang pwedeng gumamit nun wala ng iba.
Sabay kaming pumasok sa school at halos lahat ng makasalubong namin ay napapatingin samin. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo at maganda na magkasama. Assuming ba ako masyado.
"Bakit nakangiti ka diyan." Nagtatakang tanong ni Vince.
"Bakit masama ba." Mataray kong sagot.
"Tss taray." Naiiling na sabi naman ni Vince.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Bago kami makarating sa classroom ay nakasalubong namin ang grupo ni Samantha na kaibigan ni Vince. Siya kasi ang lintang babae na kala mo kung sinong makadikit kay Vince.
"Hi Vince." Nakangiting bati nito kay Vince at ng tumingin sakin ay isang ngiti rin ang iginawad sakin ngunit halatang peke naman. Plastic talaga. Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad ngunit pinigilan ako ni Vince.
"Hey, wait for me." Hinawakan ni Vince ang braso ko at saka mabilis na nagpaalam sa babaeng linta.
Nakakailang hakbang palang kami ng biglang napatigil si Vince, at dahil hawak hawak niya ako sa kamay ay pati ako ay napahinto. Inis akong lumingon at naningkit ang mga mata ko ng makitang hawak ni Samantha ang isang kamay ni Vince. Para tuloy kaming naglalaro ng tag of war.
"Samantha, may kailangan ka ba?." Tanong ni Vince. Hindi ito sumagot at sa halip ay napatingin ito sa kamay ni Vince na nakahawak sakin.
"Uy tinatanong ka kung may kailangan ka ba sa kanya dahil kung wala baka pwede na kaming umalis." Naiinis kong sabi.
"If you're in a hurry girl pwede kanang mauna di ba Vince." Putchang linta ito pacute hindi naman bagay.
"Hands off Vince." Utos ko kay Vince na tiningnan lang ako. Abat ayaw pang bumitaw.
Pilit kong hinihila ang kamay ko, para tuloy kaming nag pupush and pull. Parang engot lang, uso ang laro ngayong araw na ito?
BINABASA MO ANG
How can I tell you? #Mus-alonlymAward20
RomanceHim: Vince Drake Samanego Sino ka bang talaga? "You might be able to fool them by your charm pero hindi yan uubra sakin." Her: Rizze Grizelda Lopez Ano ba ang nalalaman mo? "Really, how confident are you? Ngayon palang sinasabi ko na sayo, baka kai...