Chapter 10: Sick

30 3 0
                                    

Rizze Grizelda POV

Nagaabang ako ng jeep sa may kanto. Maaga kasing pumasada si Mang Kanor kaya hindi ako nakasabay, nakakahiya rin naman kasi kung araw araw nalang akong magpapalibre baka ako pa ang maging dahilan ng pagkalugi nito. Hindi naman ako nainip dahil makalipas ang ilang minuto ay may dumating na jeep. Huminto ito at nagsipag unahang sumakay ang lahat ng nagaabang. Kung pabilisan lang ang pag uusapan ay hindi ako papatalo sa iba. Agad akong nakasingit ngunit isang paa palang ang naiiangat ko ng biglang may mga brasong pumulupot sa bewang ko at walang kahirap hirap akong binuhat palayo sa mga nag uunahang pasahero. Hindi kaagad ako nakapalag dahil pamilyar ang amoy ng taong may buhat buhat sakin. Saglit akong natigilan, pano ko ba makakalimutan ang panlalaking pabango nito, lalaking lalaki parang ang sarap singhut singhutin. Nang maibaba ako ay saka ko ito hinarap.

"Ano ba!" Pinagpapalo ko siya sa dibdib. Wala akong pakialam kung masaktan man siya.

"Hey stop it. Aray! Aray! Ano ba stop it Grizelda." Saway niya sakin habang hinuhuli ang mga kamay ko.

"Ano ba Vince peste ka. Nang iinis ka ba." Sigaw ko sa mukha niya.

"Ok, ok, I'm sorry. Sasabihin ko lang naman na sumabay kana lang sakin." Aba marunong palang mas sorry itong kabuteng ito. Pwede namang sabihin ng maayos bakit kailangang may pabuhat buhat pa.

"Ikaw isasabay ako, are you freaking sick? Nagpapatawa ka ba?" Mapang asar kong sabi na may halong nakakalokong tawa.

"I am just being kind to you Grizelda for giving me a ticket." Pagpapaliwanag nito sakin.

"Bakit ako ba ang nagbigay ng ticket ha. Hindi ba si Rixx kaya siya dapat ang isabay mo at iangkas diyan sa motor mo at hindi ako." Niloloko nya ba ako, kung ako lang talaga hinding hindi ko siya iimbitahan sa motor show na yun.

"Tsk, alam mo ang sungit mo. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar sayo eh. Nagiging mabait na nga ang tao tinatarayan mo pa. Ano ba ang akala mo ha, na madali ito para sakin. Ang hirap kayang maging mabait lalo na sa taong hindi rin kayang maging mabait." Sunod sunod na sabi nito sakin. Napipilitan lang pala ang kapal ng mukha.

"Ah ganun. Ang sama mo bwisit ka. Umalis kana nga sa harap ko." Sabay tulak ko sa kanya at tumakbo pasakay ng jeep buti nalang kasya pa ako. Ang aga aga sinisira niya ang araw ko. Ayan tuloy huli na ako sa klase, lagot na naman ako kay Miss Lexi. Humanda talaga sakin ang Vince nayan.

Natapos ang buong araw at hindi naging maganda ito para sakin. Sino ba naman ang matutuwa kung sa unang klase palang ay napagsabihan ako ng masungit na si Miss Lexi, nagkanda mali mali pa ako sa pag sasagot ng exam, naiwan ko rin ang libro ko at ang pinaka nakakainis sa lahat ay nandoon si Vince sa lahat ng aking kamalasan. At nakukuha pa akong pagtawanan. Ang malas malas talaga ng araw na ito para sakin.

Pauwi na ako ng may madaanang mga nagtatawanang studyante sa may bandang labas ng school. May kung anong pinagkakaguluhan ang mga ito at dala ng curiosity ay nakiusyoso rin ako.

"Anong meron dito?" Tanong ko sa mga studyante doon.

"Mga street food, masasarap yan. Pwede kang bumili." Sabi ng isang studyanteng babae na aliw na aliw sa pagtusok sa bilog bilog na pagkain. Ano nga bang tawag dun?

"Rizze?" Napalingon ako sa babaeng tumawag sakin. Parang pamilyar ang mukha nito.

"Uy natatandaan mo pa ba ako? Si May ito, remember?" Halika bili ka dito masarap ito. Bilisan mo halika." Bigla nalang niya akong hinila sa isa sa mga cart.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon