Halos buong araw akong nasa mall. Marami na iyong damit ko pero still, walang tumama sa gusto kong suotin mamaya. I want to look presentable later gayun pa't susunduin ako ni Marcos. It's already 4:30 in the afternoon and nasa loob na ako ng Uber patungong condo. It takes 2 hours for me para makapag-ayos kaya medyo nag ra-rattle na ako.
Wala sina Papa and tita ngayon dito, nasa trabaho sila kaya I'm all alone here.
Agad na akong naligo which took almost an hour and at my mirror for a half. Kung hindi lang sana ako natagalan sa mall... I'm checking my phone from time to time baka may text na galing kay Marcos.
I arranged my hair for the last time and turned around in front of the mirror. I'm wearing a maroon dress, may sleeves sya na almost off shoulder na and it's 2 inches above the knee so hindi talaga sya revealing. My hair is in one sided style, revealing my whole neck. I smiled at the mirror as I declared na okay na ito.
I wore my shoes and called Marcos pero walang sumasagot. I dialed his number again at sa ikalimang ring ay sinagot nya na rin.
"Thea! I'm really sorry. May dinaanan pa kasi a-" "Cos, okay lang ba?" I heard a girl's voice. He's with a girl. "I prefer you wear flats." Sagot naman ni Marcos. I don't know pero agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Sumilip ako sa salamin na nasa harap ko. Kanina okay na okay na ako sa suot ko pero ngayon.. Parang biglang nabawasan iyong self esteem ko.
"Thea, wait for me there. Paalis na din kami," "Marcos! Ang hirap i-zip nung dress sa likod!" sigaw ng girl. They seem so close. "Akala ko ba okay na yan? Tss. Lika nga!" bakas ang pagkainis sa boses ni Marcos, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mapangiwi. Bakit sya iyong mag zi-zip sa dress ng babae? I wonder who she is. Sya ba iyong kasama nya sa coffee shop kahapon? Is she a relative or his gf?
"Sige Marcs, maghihintay nalang ako sa balcony ng building." I said. Nanghihina iyong boses ko. Sobrang excited ako kanina, pero ngayon... Hindi ko na alam kung ano ang dapat na pakikitungo ko sa kanya mamaya sa party. Hindi na sya sumagot, mukhang busy na sya kakaayos ng damit ng babae kaya binaba ko na rin.
Sinuot ko na iyong dadalhin kong sling bag at lumabas na sa unit. Humugot ako ng napakalalim na hininga upang ma regain man lang kahit kaunti ang nawalang enerhiya sa mood ko and smiled. Hindi pwedeng naka-busangot ako all through out the night.
Halos kalahating oras na akong nakaupo sa balcony. My phone is in my hand waiting for his text or tawag stating na malapit na sya pero wala talaga. Ganun ba katagal mag-ayos ang babaeng 'yon?
I have an easy heart, mabilis akong maiyak pero hindi ako ma-verbal. I don't speak out my feelings. Patago akong umiiyak. I don't like dramas pero ma drama ako sa sarili ko.
Wala pang nakapagpahintay sa akin ng ganito ka tagal. Medyo pinagtitinginan na rin ako dito sa lobby. Halos gusto ko nalang bumalik sa loob ng unit when someone called my name. It's Marcos.
I pushed a smile and stood up. Nakita ko iyong babae, sya iyong kasama nya sa coffee shop. Sya nga. I smiled at her kahit labag sa loob ko.
"I'm really sorry kung sobrang pinaghintay kita," nakikita ko sa mga mata ni Marcos ang sincerity kaya kahit papano ay naibsan ang inis ko.
"Ako dapat ang mag so-sorry. Nahihirapan kasi talaga ako maghanap ng susuotin, I always need Marcos' help. I'm sorry." sabi ng babae. "Oh, it's okay. Tayo na?" iyon lamang ang nasabi ko. Nang tumango si Marcos ay nauna na ako sa kanila. Ayokong makita nila sa mata ko ang pagkainis.
He opened the door for me and I thanked him. Nasa passenger's seat si girl at nasa likod ako. I look like a third wheel. I don't like this.
Hindi ko na pinakealaman ang looks ko. I didn't bother looking at the mirror to check. I just don't feel checking myself again. Maybe I already looked like a mess, matagal-tagal rin akong naghintay sa balcony. Bahala na.
I buried myself on my phone. Naibaba ko nalang iyong phone ko nang dumating na sa harap ng bahay nila. Nang ihinto nya ang sasakyan ay hindi ko na hinintay na pag-buksan nya ako ng pinto, lumabas na kaagad ako. I checked my hair sa phone ko and then smiled, I need to look fine just for the other guests and his family.
I watched how Marcos checked the girl's total appearance, sobrang maarte ang girl and very particular with her looks as the way I observed her, she keeps on asking Marcos on the car kung okay ba ang mukha nya, and I found it irritating to hear.
Medyo natagalan rin bago na realize ni Marcos na may kasama pala sila, and that's me. I feel so out of place, parang nagsisisi na akong nagpasundo ako sa kanya.
I attended the party, it's a playful party since bata pa rin iyong celebrant kahit dinner na. Nakikisabay din naman ako sa mga trip nila, it's not hard for me to be casual at new people. Palagi akong sinasalang nila lolo dati sa mga event with his business partners. Sanay na rin ako sa gan'to.
10pm na ako hinatid pauwi ni Marcos, this time ako nalang iyong kasama nya sa kotse. Halos lamunin kami ng katahimikan. I just don't feel talking to him din naman kaya okay lang.
Nagpaiwan si Zarrah, iyong kasama nyang babae, marami syang kakilala doon at mukhang enjoy na enjoy pa sa pakikipagkulitan kaya nagpaiwan.
"Okay na ako dito, hindi mo na kelangang ihatid pa ako sa unit," I smiled at him. I can see nothing in his eyes. It's just like he's staring at someone who does not matter at all.
"I insist. I'll take over you personally kay Tito," he pushed a smile. Halata namang pinipilit nya lang. Feeling ko kating-kati na sya bumalik sa bahay nila dahil nandoon si Zarrah. Sana pala umuwi nalang ako mag-isa.
Wala akong nagawa kundi hayaan syang ihatid ako. Walang may nagsalita sa amin hanggang sa makarating sa unit.
Nag-usap sila ni papa na hindi ko rin pinakinggan. Pumasok na kaagad ako. I am so tired. Agad na akong naglinis ng katawan at bumihis ngp pantulog.
"Ayet," tawag ni Papa sa akin. Hindi ko iyon pinansin at nagpanggap na natutulog. "Ayet, what happened to the party?" naramdaman ko ang pag-upo nya sa kama, nakaharap pa sa gawi ko.
"Pa, I'm tired. Let me sleep." Iyon lang ang sinabi ko and humarap sa kabilang side.
Sobrang sensitive ko pa rin after all the mess I've been through. Galing ako sa broken family. I heard my parents fight every night when I was still so young. I lost a father pati na rin si Mama ay nawala rin sa tabi ko. Masyadong mapait ang mga pinagdaanan ko pero bakit? Bakit sobrang sensitive ko pa rin? Nakakainis na. I have no one to talk to at this moment. I know, masyadong mababaw iyong rason bakit upset ako ngayon, pero sobrang ayoko kasi talagang makaramdaman na parang unwanted ako sa isang lugar, sa isang tao... Ayokong maramdaman na sagabal ako sa kanila. I want to feel I'm loved as much as possible. They don't have any idea how I struggled years without my parents. Wala akong mapagsabihan ng lahat, I don't have a happy family as they call it and it affects me as a person a lot.
That is the reason why I worked hard in everything I do. Gusto kong nakikita. Gusto kong nasa tuktuk. Gusto kong napapansin ako ng lahat. Gusto ko palagi akong panalo. Gusto ko lagi akong maayos sa paningin ng lahat. Gusto kong makita nilang masaya ako, na kuntento ako... When in fact... I am a lost child, needing for some more love... Begging for some love.
That is the reason why I am so upset. For years, pinilit kong h'wag makaramdam neto... Pero kanina lang... Ito na naman. May umuukit na naman sa puso ko.
Once again, I felt unwanted.
BINABASA MO ANG
Tears Behind His Tuxedo (COMPLETED)
General Fiction"Forgive me, I had to cut you off to save myself from drowning... This love is dangerous-very frightening." -Ayet Castillo