Unti-unti kong minulat ang aking mata. Naramdaman ko kaagad ang kirot sa aking ulo nang subukan kong gumalaw. "H'wag ka na munang gumalaw, Yet." And I saw Marcos beside me. Dahan-dahan kong inilibot ang tingin sa paligid. My eyes are still blurry. White is all over the place. By any chance, am I in the hospital?
"B-bakit ako nandito?" Matamlay kong tanong and tried to move my fingers. Nagalaw ko iyon.
"I guess wala kang maalala," he said at tumayo. Kumuha sya ng mansanas at bread knife.
"Okay na ba pakiramdam mo ngayon?" Tanong nya pa. "Why? Ano ba ang nangyari? Wala akong maalala..." At hinawakan ko ang ulo ko. May konting kirot pa din dito sa t'wing gagalaw ako. Pinilit kong umupo pero hindi ko talaga makaya kung kaya't lumapit si Marcos sa akin upang alalayan ako sa pag-upo.
"Nawalan ka ng malay sa CR ng unit mo. Ano bang ginagawa mo do'n?" At sinimulan nya ng balatan ang mansanas.
Napatingala ako upang alalahanin ang mga nangyari...
Naaalala kong nagmamadali akong tumakbo pababa galing sa rooftop at mabilis na dumapo sa CR at... Everything's blur in my mind.
"Iilang oras na akong nandito?" Tanong ko kay Marcos. "2 days and 2 nights." Napa-"What?!" Ako sa sinabi nya.
"Alam 'to ni Papa? At bakit ikaw ang nandito? Ba't mo nalaman na nahimatay ako sa unit?" Sunod-sunod kong tanong. Napatingin naman sya sa akin at ibinigay ang plate kung nasaan ang mga na slice nyang mansanas.
"Inako ko ang responsibilidad sa'yo, nasa business trip si Tito ngayon. Wala syang kaalam-alam sa nangyari sa'yo and I decided na ikaw na mismo ang magsabi sa mga nangyari sa kanya since wala akong ka ide-idea kung ano ba talaga ang nangyari at bakit ka nahimatay." Mahaba nyang sagot habang pinapanood akong kumain ng mansanas. Ramdam na ramdam ko ang sobrang pagka-gutom, dalawang araw din akong walang malay.
"Salamat naman at hindi mo sinabi. Papatirahin nya ako kasama sya 'pag nalaman nyang nagkaganito ako." I said.
"Wait nga lang, paano ka napunta sa unit ko?" Tanong ko sa kanya.
"Nakauwi na ako no'n sa bahay, and then may tumawag sa akin gamit ang cellphone mo. He said na nasa ospital ka raw at nawalan ng malay sa CR ng condo mo, I assumed na isa iyon sa mga staff ng building mo kaya kaagad akong pumunta dito. Ikaw lang 'yong nadatnan ko at wala iyong lalaking tumawag sa akin. I find it weird." Eksplenasyon nya habang nakakunot ang kanyang noo sa akin.
Tumango-tango naman ako sa kanya. "Nasan si Ralph?" Tanong ko at sinubukang hagilipan ang cellphone ko sa paligid pero wala akong makita.
"That guy is crazy. Binisita ka lang nya kahapon at hindi na bumalik. Unusually him."
"Bakit?"
"May pinagkakaabalahan ata, mukhang busy, e. You should call him later 'pag ma discharge ka na. Wait, do you want to eat something?" And he stood up.
"Gusto kong kumain ng kanin! Grabe! Walang ka laman-laman ang t'yan ko!" Malakas kong wika habang nakahawak sa aking t'yan. Tumawa naman sya, "I expected that from you. Sige, bibili muna ako sa labas and your phone," at ini-abot nya ang aking cellphone galing sa bulsa nya. Tinanggap ko naman agad at ni-open, full charge. Mukhang ni-charge nya.
"Mag-ingat ka," wika ko bago sya makalabas ng silid. Ngumiti naman sya sa akin.
Kaagad kong tinawagan si Ralph. Nakalimang ring bago nya nasagot ang tawag.
"Suarez, busy ak--" "Si Thea na 'to,"
"GOSH! Are you okay now? Still in the hospital?" He said na bakas sa boses nya ang pagkagulat at pagmamadali. "No, no. Maya-maya ay lalabas na rin ako. Nasan ka? Pupuntahan kita mamaya."
BINABASA MO ANG
Tears Behind His Tuxedo (COMPLETED)
General Fiction"Forgive me, I had to cut you off to save myself from drowning... This love is dangerous-very frightening." -Ayet Castillo