"Ibang klase ka, babs! Ang gwapo ng kuya mo! Sya 'yung Mr. USLS sa Bacolod last year, e! Crush na crush ko 'yan!" Batid ko habang palabas na kami sa gate ng bahay nila. Kumunot naman ang noo ni Emy sa akin. "Naging crush mo 'yong unggoy na 'yon? 'Kala ko pa naman high standard ka, Thea Mae." Sabi nya habang nakangiwi, sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Uy! Sikat 'yan sa Bacolod! At bakit nga pala sya nadapo sa Bacolod?"
"Nando'n crush nya, e." Wika nya't nagkibit balikat. Napa-"Wow! Yamanin! Para lang kay crush? Wow talaga!" Wika ko habang natatawa.
"Nasa Taiwan si Mama't Papa. So, ito kami, freedom." At ngumiwi sya. Nakita kong pinagbuksan na ako ng pinto ni Marcos kaya wala na rin akong nagawa kundi ang lumapit na sa kotse.
"Sige na. Pumanhik na kayo, alas-nwebe na, e. Mag-ingat kayo, ah!" Wika ni Emy habang pinagmamasdan kaming pumasok sa kotse. "Thanks for the dinner, Emy." Kalmadong wika ni Marcos habang nakapamulsang hinarap si Emy. Nakita ko paano nasindak si Emy sa pag mention ni Marcos sa pangalan nya. "A-ay, no problem." Nauutal nyang sabi at pasimpleng napa-kamot pa sa kanyang batok. Naku! Fangirl talaga ni Marcos.
"Salamat, babs! See you tomorrow." And I waved at her bago tuloyang pumasok sa sasakyan. "Mag-ingat kayo!" Rinig kong wika pa ni Emy bago pinaandar ni Marcos ang kotse.
"Nakita mo si Faith kanina?" He suddenly asked. Napalingon naman ako sa kanya. "Hindi. Bakit?"
"It's been a month mula nung huli syang pumasok sa Era and kanina lang... Bumalik sya." He seriously said. Pasimple akong bumuntong hininga.
"Why're you telling me this? Not as if may pakealam ako sa kanya." I said at ibinaling ang tingin sa bintana. "But I think you should be aware of this, he's with Jime—"
"Stop, Marcos. Kung sa tingin mo ay hindi magandang balita iyan para sa akin ay h'wag mo nalang i-kwento." Mariin kong sabi at pumikit. I am full of shits, ayokong nang madagdagan pa ang mga 'yon.
Hindi na ako umimik sa buong byahe hanggang maka-abot kami sa unit ko. "Salamat." At kaagad na akong bumaba sa kotse. Papasok na sana ako sa loob ng building nang magsalita sya. "I'm sorry." Hindi na ako sumagot pa at pinagpatuloy ang pagtahak papasok ng building ko.
Inihagis ko kaagad ang aking sarili sa sofa pagkarating na pagkarating ko sa unit. Hindi ko alam pero napakasensitibo ko these past few days. Ayokong makarinig ng mga negatibong bagay especially kung may connect sa akin. Kung pwede lang sana na puro saya lang at walang pagbabago ay 'yun ang gugustohin ko.
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, ini-unat ang aking katawan at pinatay ang alarm clock na nasa tabi ng kama ko. Friday na, weekend na bukas, thank God.
Tumayo ako sa kama at kaagad na pumasok sa CR na nasa loob ng kwarto ko. Papikit-pikit pa ang mata ko habang nag sho-shower nang maalala kong... "Paano ako napunta sa kama? Diba sa sofa ako nakatulog?" Tanong ko sa salaming nasa harap ko. Mas binilisan ko ang pag sho-shower at nagbihis kaagad.
Pag labas ko sa kwarto ay naamoy ko kaagad ang niluluto galing sa kusina. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking mga labi at mabilis akong dumapo sa kusina. Hindi ko alam pero bigla ko na lamang naramdaman ang pangingiligid ng aking luha nang makita ko sya. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko... Bigla na lamang akong nanghina nang makita syang nakatayo't nagluluto. Isang araw lang kaming hindi nagkita pero bakit ganito kalakas ang pagkakasabik ko sa kanya? Bakit ang hapdi na ng bawat tibok ng puso ko? Bakit ako nagkakaganito?
Gusto kong tumakbo papalapit sa kanya pero sobra akong nanghihina at tila'y napako na ako dito at ang kaya ko lamang gawin ay ang pagmasdan sya.
"Try this one." Wika nya at lumingon sa akin. Unti-unti akong naglakad papalapit sa kanya... Sa bawat hakbang papalapit sa kanya ay mas lalo lang bumibilis ang tibok ng puso ko at unti-unting nilalamon ang aking buong katawan ng kalambutan. Sa unti-unting pag amoy ko sa usual scent nya ay may kung ano akong riot na naramdaman sa aking loob. Lumala na talaga ako. Lumalala na.
BINABASA MO ANG
Tears Behind His Tuxedo (COMPLETED)
Ficción General"Forgive me, I had to cut you off to save myself from drowning... This love is dangerous-very frightening." -Ayet Castillo