Kabanata 4

2.2K 47 0
                                    

"Don't forget to call me 'pag may kailangan ka or problema. Be a good girl here," and papa patted my head. Napangiwi ako at tumawa. Paulit-ulit na nya iyong sinasabi sa akin. Tumawa na rin si tita na nasa tabi nya.

"Ayet's not a kid anymore. Kayang-kaya nya na ito," at ngumiti si tita sa akin. Sya palagi ang nagiging savior ko kay papa, she has always defended me. 

"Ah, basta! Matigas pa naman ang ulo neto, tumawag ka sakin araw-araw ha," sabi nya, wala na akong nagawa kundi ang tawanan sya. "Yes, po." natatawa kong sagot.

Hindi rin sila nagtagal ni Papa since may trabaho pa sila. I have my own room in this dorm as expected, masyadong maarte si papa para hayaan akong may kashare sa isang room.
Ang saya ko dahil for the first time, I will be living with my own. Hindi sa pagiging independent dahil may sumusustinto pa rin naman sa akin pero at least diba, mapapatunayan ko sa sarili ko na kaya kong tumayo mag-isa. At kailangan ko rin namang sanayin ang sarili ko, not everyone will stay long.

Matapos kong i-arrange iyong mga gamit ko which took an hour ay lumabas na ako ng kwarto, bumungad sa akin ang maliit na sala. Ngumiti ako sa iilang nandito sa sala na nanood ng television, puro kami babae sa dorm na ito kaya I feel comfortable.

Sumilip ako sa aking relos, it's 1pm. Kaya pala kumakalam na ang tiyan ko, hindi pa pala ako nakakapag lunch. Since hindi naman talaga pwedeng magluto dito sa loob ng dorm ay kailangan kong bumaba sa ground floor upang kumain, nandoon ang cafeteria.

Nanlumo ako nang makita ang napakaraming tao. Mahaba din iyong linya sa counter. Mas lumapit ako sa counter upang silipin iyong mga pagkain. Puro ulam at kung ano-ano pa na hindi hinahanap ng sikmura ko. Mapili din kasi ako sa pagkain. 

Lumabas ako ng building upang maghanap ng tricycle na maihahatid ako sa lugar kung saan iyong mga restaurants na nakita ko the last time.

Nang makarating kami sa restaurant na gusto ko ay agad ko nang inabutan ang driver ng singkwenta pesos at pumasok na sa loob ng resto. Hindi karamihan ang tao sa loob na syang nagustohan ko. 

Nakangiti ako habang nag o-order sa sobrang pagkasabik sa pagkain. Napagod talaga siguro ako nang husto sa pag-aayos ng mga gamit ko sa dorm. 

Hindi ko na naalala pa ang aking phone sa sobrang paghihintay ng pagkain. Nakasunod iyong tingin ko sa waiter habang inihahatid nya iyong mga pagkain sa ibang customer. Sa tuwing may lumalabas na waiter, I keep on wishing na it's my order. Napapanguso ako bawat disappointment. I am this hungry. 

Wala na akong panahon pa para intindihin iyong group of boys na nasa hindi kalayuang table lang mula sakin na walang tigil ang kakatitig at kakangisi sa akin. May iilan pang nagsisikuhan. Oh, come on, I hate cowards. Why can't they just go here and ask of what they want? Ang we-weak, e.  Gusto ko mang irapan sila ay wala na akong panahon pa para do'n. Ibinalik ko ang tingin sa counter and "Thank God," mahina kong bulong nang ilapag ng waiter ang aking order. 

"Enjoy your meal, ma'am" sabi nya na nginitian ko na lamang. 

I am expecting him to go at iwanan ang table ko pero he remained standing there kaya itinaas ko ang aking tingin sa kanya. 

And there, nagulat ako sa aking nakita. Sya si Ralph Jimenez. Iyong nanghingi ng facebook ID ko na naka chat ko rin sa facebook. I am on my first bite kaya mabilis kong nilunok muna iyon bago makapag salita. 

"Ralph?" tanong ko. I'm sure sya ito. Matandain kasi ako sa pangalan maging sa mukha, isa iyon sa mga nakakagulat na ability ko. Marami ang nagugulat sa tuwing nakikilala ko sila kahit isang beses palang kami nagkita. 

"Naalala mo ako. I feel flattered." He playfully said. Napatawa naman ako. 

"Dito ka nagtra-trabaho?" nakangiti kong tanong. "Well... Sort of," sagot nya. 

Tears Behind His Tuxedo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon