Kabanata 21

1.2K 33 2
                                    

Alam kong nakakagulat at hindi kapani-paniwala pero totoo, isinama talaga ako ni Ralph sa victory party ng team nila dito sa isang high class bar sa QC lang din. Ayun kay Boy, nirentahan daw ni Ralph ang buong club kaya puro NEU students na imbitado at mga kaibigan ng players sa ibang schools ang nandito.

Nakaupo lang ako dito sa 2nd floor ng bar, kung saan tahimik at iilang tao lamang ang nandito, nasa ground floor kasi ang dancefloor. Kasama ko ngayon si Boy. Pinabantayan ba naman ako ni Ralph kay Boy, mukhang todo kumpyansya sya ngayon para iwan ako sa isang lalaki.

"Kulang nalang talaga ay pagawan ako ni boss ng insurance," natatawang sabi ni Boy. Nalaman kong scholar ni Ralph si Boy, oh diba? Studyante pa lamang sya pero may scholar na ito. Nagtratrabaho si Boy sa Viex Dine tuwing sabado't linggo para daw makabawi man lang kay Ralph pero sinisweldohan pa rin daw sya ni Ralph sa mga araw na 'yon. Idol na idol nya talaga si Ralph sa sobrang kabaitan daw nito sa kanya.

"Naku! Thea, pag ikaw talaga sinaktan mo si boss, maiinis talaga ako sa'yo." Sabi nito at dinuro-duro pa ako. Natawa na lamang ako sa kanya.

Maya-maya pa ay bumalik na rin si Ralph sa amin. May inasikaso raw kasi sya tungkol sa rent ng club kaya umalis sya muna. Namaalam na rin kaagad si Boy nang dumating si Ralph upang pumunta sa soccer team.

"Did you text your dad na?" Tanong ni Ralph sa akin. Masaya naman akong tumango. "Basta raw ay ihatid mo ako sa unit nya mamaya. Doon ako tutuloy ngayong gabi."

"Okay. By 9PM."

"What? No. Ang aga naman!" At sumilip ako sa aking wrist watch. Alas otso na.

"What do you think your dad would think when I make hatid you ng alas 10 ng gabi?" Nakataas kilay nyang sabi sa akin. Napanguso naman ako. Napaka-conyo.

"Galing tayo sa party, it is as expected."

"I know what I'm doing, Thea. Believe me, this would make difference." Then he smiled. Wala na rin ako nagawa kundi ang tumango.

"Tara, sayaw tayo Ralph! Thea!" Sigaw ni Ferds sa amin na nasa soccer team din na mukhang lasing na. May hawak-hawak itong alak.

"Get out of my sight poor tolerance asshole," wika ni Ralph habang pinagmamasdan ang paalon-along si Ferds. Humagikhik si Ferds at unti-unti nang naglakad paalis.

"Come on, girls! I'm hot!" Sigaw pa nya habang kumakaway sa mga babaeng nakaupo sa kabilang table. Napatawa na lamang ako, ganoon rin si Ralph.

"I'm sure he'll gonna regret this tomorrow." Natatawang sabi ni Ralph. "Cedric will be a millionaire tomorrow." Tuloy nya pa.

"Bakit naman?"

"Videos of Ferds being a bitch will be posted on social media tomorrow morning, watch out."

"Ibl-blockmail ni Cedric si Ferds?"

"Mamumulubi si Ferds bukas." At tumawa ito, napasabay nalang din ako sa pagtawa nya.

"Baba tayo Ralph!" At tumayo ako't hinatak-hatak mula sa pagkakaupo si Ralph. "What? No. The crowd is too wild down there."

"Let me just experience it one time, and nandya'n ka naman, e. Sige na!" At mas hinatak ko pa ang kamay nya.

"Maraming bastos do'n," wika nya habang kalmadong nakaupo lang. Mukhang hindi ko man lang sya nahahatak ng kahit konti.

"I am the King's girl! Sino ang magtatangkang mambastos sakin do'n?" I said while smiling at him. Nakita ko paano pumungay ang mata nya. Bull's eye!

"King's girl..." bigkas nito. Nagagalak naman akong tumango sa kanya.

"You're the King and I'm your girl. No one would dare to touch your queen, Ralphy." And mas hinatak ko ang kamay nya nang maramdamang nanghina sya sa sinabi ko. Kinilig na naman ang mukong.

Tears Behind His Tuxedo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon