Iniayos ko ang pagkakaupo nang mapansin ang mga nakakalusaw na mga tingin na binibigay ng lahat sa akin. Wala na rin akong ibang nagawa kundi ang bigyan sila ng maliliit na ngiti. Bakit ba kasi ang tagal ni Ralph?
Bakit ba kasi naging ganito ang sitwasyon? Bakit ba kasi sumama ako dito?
Napangiwi ako nang maalala ang nangyari kanina. They are supposedly in a club right now for it is their monthly out pero dahil may pagka-abno sila, pinili nilang sumama sa amin mag dinner ni Ralph dito lang din sa Viex imbis na magpakasaya sa club.
"So, saang club tayo ngayon?" tanong nung isa habang nakangiti sa kanyang mga teammates na medyo nakakainis na dahil nasa akin nakapukol ang kanilang mga tingin imbis na kay Ralph.
"Sa ano, sa North!" presenta nung isa na hindi maiwas-iwas ang tingin sa akin. Napapayuko ako nang wala sa panahon. Hindi ko na talaga papansinin ulit ang mga tingin nila.
Mabilis na sumang-ayon ang buong team sa sinabi nya. "I will just give you my ATM. Hindi ako makakasama, mag di-dinner kami n--"
"Saan?" sulpot nung isa na hindi ko makita ang mukha dahil ayokong itaas ang ulo ko mula sa pagkakayuko. "Dudes, sobrang gutom na pala ako at bawal ako magpagabi ngayon... So, sasama ako kila Ralph." Pagpapatuloy nya na nag paangat talaga ng ulo ko. He's smiling widely at me. Kung pwede lang talaga manuntok dito, ay talaga naman.
"Ako din, pass muna ako sa bar."
"Naririnig ko na ang tyan ko, oh. Gutom na talaga ako."
"Kain nalang tayo sa Viex!"
"Saan ka galing, Thea?" the pale guy with a blue cap asked. Wala akong naalala sa mga pangalan nila kahit nakapagpakilala naman na sila kanina sa akin.
"Ano ka ba! Syempre sa sinapupunan ni tita," sabat nung isa. Umingay na naman. Tumawa ako ng kaonti.
"Tangna ka, maka-tita ka kay mother in law, ha." Kumento nung isa na mas nagpatawa sa lahat
"I'm from Bacolod." nakangiti kong sagot at inayos ang nagulo kong buhok. Napayakap ako ng kaonti sa aking katawan nang makaramdam ng ginaw. Ang lakas ng aircon dito at naka sleeve less lang ako. Shet.
Nagulat ako nang may pumatong na jacket sa likod ko at nang paglingon ko ay nakita ko si Ralph na seryosong nakatingin sa akin. Salamat at nandito na sya. Kinuha ko ang jacket at sinuot iyon ng maayos.
Sumunod ding dumating ang sandimakmak na pagkain. Oh, well... This is Ralph's resto after all.
Ang ingay at ang saya nilang kumain. Pa minsan-minsan ay napapatawa ako sa mga jokes at pick up lines nila, na wala namang ginawa si Ralph kundi barahin ang mga 'yon. Masaya talang itong team nila.
Masyadong generous na captain si Ralph upang bigyan ang mga teammates nya ng monthly out na sagot nya ang lahat ng gastosin. Mayaman nga talaga si Ralph, sobrang yaman.
"Busog ka na?" tanong ni Ralph sa akin. Tumango naman ako sa kanya. We look like we are siblings talking, and sobrang komportable na rin ako sa kanya kaya pwede ko na rin syang ituring na kuya, siguro?
"Uy! Kumain ka pa, Thea! H'wag ka nang mahiya sa akin," sabi nung isa dahilan upang hampasin sya ng lahat. Napansin ko rin iyong lalaking may hawak ng mga towels at gatorade kanina ang palaging kawawa dahil sya iyong punterya ng lahat.
"Busog na talaga ako. Andame ko kayang nakain," sabi ko nang nakanguso. Halos mapahawak na nga ako sa aking tyan sa sobrang busog, e.
"You know what, ang ga-gago nyo." Ralph suddenly said. Napatawa naman ako.
BINABASA MO ANG
Tears Behind His Tuxedo (COMPLETED)
General Fiction"Forgive me, I had to cut you off to save myself from drowning... This love is dangerous-very frightening." -Ayet Castillo