Kabanata 54

1.2K 26 1
                                    

Gusto kong maligo sa beach pero ayoko naman'g yayain ang mga tao sa paligid ko. Halos isang linggo na rin akong nagkukulong sa unit, nakakausap ko lang sina Papa at Marcos thru phone calls. Bumibisita rin naman si Emy sa akin pa minsan-misan, hindi nya naman ako binatikos tungkol sa gabing 'yon dahil alam n'yang sensitibo pa rin ako tungkol do'n.

Sa iilang araw kong pagkulong sa unit ay marami na rin akong natutunang lutuin, gaya ng kaldereta na dati ay hirap na hirap ako. Marunong na rin akong mag bake ng cookies, thanks for the internet.

Napapadalas na rin ang pag facetime ko kina Yshane. Sa tingin ko kasi sila talaga 'yong kailangan ko. My happy pills. Sa t'wing nagluluto ako ay nag vi-video call kami habang sila naman ay nasa batis. Inggit na inggit nga ako 'pag nakikita silang nag i-enjoy habang ako naman ay stuck sa isang lugar dahil ayaw ko naman'g lumabas. Na trauma rin ako ng konti dahil sa pang ha-harass sa akin noong nakaraang gabi.

Gabi-gabi rin akong naliligo sa swimming pool na nasa rooftop. Minsan nga ay nakapag-FaceTime ako kina Eliza habang nasa swimming pool ako. Sila naman itong nainggit dahil sa gara ng unit, sobrang tutul naman ako dahil mas maganda pa rin do'n sa Bacolod. Sa batis nila.

Napangiti ako habang tinatanaw ang kalangitan. The same set of stars... I don't know why I get this kind of of calmness every time I watch the night sky. Nakakalunod ang kagandahan nito...

I took a sip on my coffee at pinagmasdan muli ang langit. Kung p'wede lang sana magtago sa lahat habang buhay... Napansin ko kasing walang komplikado 'pag wala ka sa labas. Pag nakakulong ka. Walang komplikasyon. Madali ang lahat, nalulusotan mo ang bawat problemang nakakasalubong mo. Problem like, how to cook this, how to wake up early, how to enjoy the day, what to do for today... O, kay simple ng mga problema sa loob ng isang lugar kung saan ikaw lang ang naroon. However, sadness will always find its way to make you feel lonely. Ang pakiramdam na mag-isa ka lang sa lahat, wala kang karamay, wala kang mayayakap sa t'wing nakakaramdam ka ng lungkot... You feel totally empty when you're alone, nobody gives you butterflies in the stomach, nobody will make you feel happy... aside from yourself. There you'd realize you will only have yourself to back you up. You only have yourself to face everything. Hindi sila palaging nandya'n kung kaya't kailangan mong sanayin ang sarili mo.

"It's time for you to activate your social media accounts again, Ayet. Para may libangan ka naman d'yan." Suhestyon ni Marcos. Bahagya naman akong napakibit balikat. "You think so?" Tanong ko sa kanya. Tumango ito. We're on facetime and he does really look good with his messy hair and just got woke up look.

"Yeah, of course." Sarkastiko n'yang sagot na nagpatawa sa akin. Oo nga, noh. Bakit hindi ko nga ba ni-activate ulit mga social media accounts ko?

"Okay. Gotta go now, Marcs. Bye!" At kaagad ko nang pinatay ang tawag.

Una kong binuksan ulit ang aking Facebook account. Gano'n pa rin ang nadatnan ko, syempre nag deactivate ako, e. Invisible ang account ko for the past months.

I posted a selfie to let my friends know na bumalik na ako.

Quarantined by choice smile. 😉

Iyon ang ni-caption ko. Napangiti ako dahil sa mabilis na pag-ariba ng likes at comments. At least, na feel kong welcome pa rin ako dito sa facebook.

Iyong mga kakilala ko lang ang ni-replyan ko. Sina Eliza, Yshane, Emy, Marcos at iilang basketball players. Ewan ko, pero pansin ko ang pagiging madalang sa akin ng soccer team simula no'ng umalis si Ralph papuntang States. Nakakalungkot lang... Naging matalik na kaibigan ko na rin kasi sila.

Muntik ko nang maibagsak ang phone kong hawak dahil sa isang notification...

Ralph Jimenez liked your photo.

Tears Behind His Tuxedo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon