Kabanata 44

996 23 2
                                    

"H'wag kang ngumiti-ngiti sakin d'yan, may atraso ka pa sakin." Mariing wika ni Marcos at kaagad na umiwas ng tingin sa akin. Napatawa naman ako nang maliit at hinampas sya sa braso. "Ang arte mo! Hindi naman ako namatay, ah. Tingnan mo oh! Ang lakas ko na!" At lumandag-lundag ako habang tinatahak namin ang daan papasok sa campus.

Napahinto ako sa pag talon nang huminto sya sa paglalakad at seryosong hinarap ako. "Paano kung hindi kita pinuntahan sa unit na 'yon?" Bakas sa boses at expression nya ang kaseryosohan na nagpakaba sa akin nang hindi ko alam bakit. Hindi ako nakasagot sa tanong nya at napakagat na lamang ako sa aking labi.

"Pinag-alala mo ako ng sobra, Yet. Kami... Sobra kaming kinabahan sa lagay mo. Ano bang pinanggagawa mo, ah? Bakit ka nilagnat nang napakataas?" Seryosong saad nya nang nakakunot ang noo't matatalim ang titig sa akin. Oh gosh.

"I'm sorry..." Iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko't napayuko ng bahagya.

"Hindi dahil hindi ka okay ay aabusohin mo na ang katawan mo... Think about us who cared for you so much." At unti-unting pumungay ang mga mata nya habang sinasabi iyon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng init sa aking loob. The way he looks at me is something that anyone could melt for. Ang mga mapupungay n'yang mata at perpektong hugis ng mukha... His lips and braces... Everything about him is perfect yet I'm still here stuck for someone I can't have. How I wish na sana ay katulad nalang ng dati ang lahat... Na sya ang gusto ko at hindi 'yong lalaking nagpapasakit sa damdamin ko ngayon.

"Promise me to take care of yourself, and never let any pain ruin you. Don't just give up... You're a strong lady, Ayet. You're so much better than this." He seriously said then reached for my head and patted it. Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "P-promise." Bigkas ko at ngumiti pabalik sa kanya.

"Let's go." Wika nya't kaagad na umiwas ng tingin sa akin at nauna nang maglakad. Napatawa ako ng maliit at patakbong hinabol sya.

"Heto na naman tayo..." Pabiro kong kanta nang matanaw ang mga fangirls ni Marcos na patakbong lumalapit sa amin. "Don't worry, I'll ignore them." Saad ni Marcos at hinatak ako papunta sa kabilang daan upang makaiwas sa mga fangirls nya. Paano ko nalaman na mga fangirls nya 'yon? Simple. Ang ilan ay nakasuot ng Marcos Suarez 06 shirt.

"Ano ka ba! Ang rude mo! Harapin mo sila." Mariin kong wika at huminto sa paglalakad. Nakakunot-noo nya naman akong nilingon.

"Akala ko ba ayaw mo sa hinahabol?" Tanong nya. Ngumisi naman ako. "Iyon kung girlfriend ako, e, hindi mo naman ako girlfriend." Batid ko at ngumiti sa kanya. Nakita ko ang paglambot ng mga paningin nya sa akin at unti-unting pagbitaw sa kamay kong hawak nya. Mabilis syang naglakad papalapit sa mga babaeng 'yon at nakipag-apiran sa kanila dala-dala sa kabilang kamay ang paper bag nyang may laman ng kanyang damit. Ang galing nyang mag handle ng fans. Ang bait nya sa mga ito.

Pinanuod ko na naman ulit sya habang pumipirma sa shirt ng mga babae at nakikitawanan doon. Ang cute nya 'pag nagpapalitrato ang fan nya sa kanya dahil sya na mismo ang umaakbay dito. Sobrang nagbago talaga si Marcos and I think I like it. Nakita kong may lumapit kay Marcos na kaibigan nya at tinulongan si Marcos mag handle ng mga fans.

Lumapit ako nang kaonti sa kanila at pasimpleng pinicturan sya. Hindi ko alam pero gusto kong kunan ang mga gan'tong panahon ni Marcos... Alam ko kasing mas sisikat pa sya at baka sa pagkakataon na 'yon ay hindi na ako makalapit pa sa kanya. I need to capture moments like this...

"Oh talaga?" Malokong sabi ni Marcos sa isang babae na sinabihan syang pogi. Napatawa naman ako ng tahimik sa gilid.

"Oo! Ang cutie mo pa!" At sabay-sabay silang tumili. Palokong lumayo si Marcos sa kanila at tinakpan ang kanyang tenga. "Niloloko nyo naman ata ako, e." At ngumuso pa si Marcos na ikina-hugis puso ng mga mata nila. Pa cute talaga ang mukong na 'to.

Tears Behind His Tuxedo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon