Kabanata 16

1.3K 34 2
                                    

"Uy! Anyare sayo? Bakit mukhang hindi ka mapakali d'yan?" Wika ni Emy sa akin habang nagka-copy kami ng notes na nasa pisara. Kanina pa kasi ako hinto nang hinto sa pagsusulat. Every minute kasi ay naalala ko si Ralph. Ang mga sinabi nya, ang mukha nya kanina, ang kanyang mga tingin. Sino ba naman ang magkakaron ng peace of mind pagkatapos marining ang mga iyon...

"W-wala," sambit ko at pinagpatuloy ulit ang pagsusulat.

Hays. Bakit ba kasi ang tagal ng dismissal? Hindi ko kasi sya nakita nung break at lunch kanina. Sabi ng mga teammates nyang pinagtanongan ko, pagkatapos daw nyang umalis kaninang umaga para hanapin ako ay hindi na raw ulit ito bumalik sa field. Mas nag-alala lang tuloy ako. Wala talagang mas aarte pa kay Ralph, pinanganak na ngang richkid, sobrang sensitibo pa. Hindi ko tuloy alam anong gagawin. Kanina ko pa sya tini-text, e. Every hour ay tumatawag ako pero nakapatay ata ang phone nya. Asan kaya sya ngayon? Nasa klase ba sya or lumabas ng campus? Naku naman.

Nang matapos ang last period namin ay kaagad na akong nag-ayos upang lumabas ng classroom. Wala na akong pakealam kung may mga sasabihin pa ba ang aming adviser basta kelangan ko na talagang hanapin si Ralph.

Hawak-hawak ang kanyang black scarf kanina ay inilibot ko ang campus. Di bale nang mag mukha akong naliligaw na bata sa college building mahanap ko lang talaga si Ralph.

"Pretty face!" Tawag ni Tyler sa akin habang kumakaway. Napangiti naman ako nang makita sya. He's Ralph's friend, baka alam nya kung ano ang klase nito or baka magkaklase pa nga sila ni Ralph.

Lalapit na sana ako sa kanya nang tumakbo ito papunta sa akin. Iniwan nya iyong mga kausap nyang lalaki na todo ngiti ngayon sa akin. Ang we-weird ng mga college boys.

"Hi, Tyler!" Masiglang bati ko sa kanya. Lumapad ang ngiti nito na halos hindi na kita ang kanyang mata. Ang tangkad-tangkad rin nitong si Tyler. Gwapo, moreno, makisig... Tall, dark, and handsome, sya iyon.

"Ba't ka nadapo dito? May hinahanap ka?" Aniya. Napansin nya ata ang pagsilip ko sa mga classroom.

"Ah, Oo. Nakita mo ba si Ralph?"

"Si Ralph? Uhm... Not sure. Pero baka pumasok sa klase... namin," he awkwardly said at napakamot sya sa kanyang batok. Napataas ang kilay ko sa kanya habang nangingisi.

"Hindi ka pumasok?" Tanong ko. Mukhang wala naman syang importanteng ginagawa dito, e. Parang may pinagtri-tripan lang ata sila ng kanyang barkada.

"You know, there are times in our life that we need to unwind. I'm pretty tired from our battle of the bands earlier. And I have a free credit for this day." Nakangiti nitong sagot. Napangiti rin naman ako. Atleast he's not that bulakbol pala.

"Battle of the bands?"

"Yeah. Congratulate me, we won." Kalmado nitong sabi na bakas iyong pagka-proud sa kanyang sarili. Napapalakpak naman ako for my amazement. "Aba, ang galing! Congratulations! Ano position mo?"

"Vocalist," nakangiti pa rin nitong sagot. Palangisi talaga 'tong si Tyler, e. Ang cute nya kaya.

"Grabe! Tatahimik-tahimik ka lang pala d'yan! E, bukalista ka pala. Edi sana ay nakapanuod ako kahit sa gig nyo man lang." At hinampas ko ng mahina ang balikat nya. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha nya nang dumampi ang kamay ko sa katawan nya. Abno talaga.

"I tried inviting you once but Ralph's a great manipulator. He controls everything with his bare-left hand. You should watch him shoot, he controls bullets like they are his employees." He said while smirking. Napakunot ang noo ko sa aking narinig. Anong ibig sabihin nun? Ang gulo, ah.

"You mean guns?" I asked and he nodded.

"He's a great shooter. Greater than you can imagine. There are a lot of things you didn't know about Ralph. Go, discover it yourself," and he tapped my shoulders. Napaawang ang bibig ko sa kanyang mga sinabi.

Tears Behind His Tuxedo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon