Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Wala na akong pakialam sa ano mang sabihin ng mga taong nadadaanan ko at bakit ako umiiyak. Iisa lang ang klaro sa'kin ngayon... I need to find him.
Sa pagdating ko sa Viex Dine ay kaagad akong sumugod sa counter. It's Sunday, nandito sya tuwing linggo...
"Ma'am T-Thea," sambit ni Sarrah. Marahan kong pinunasan ang mga luhang nasa aking pisngi. "Nasa'n sya?" Tukoy ko kay Ralph. Nakita ko paano nya inayos ang suot n'yang apron nang marinig iyon.
"W-Wala sya rito, Ma'am." Sagot nya. Unti-unting dumapo ang kamay ko sa aking bibig... Nasa'n ka, Ralph? Gusto kitang makita... Gustong gusto kitang mahagkan.
Hindi na ako nag-abalang tanongin pa si Sarrah. I know Ralph. 'Pag may pinupuntahan sya ay hindi nya 'yon sinasabi sa kahit kanino man. Maging sa'kin... Marami s'yang transaksyon na sya lang ang nakakaalam.
Nagpahatid ako sa taxi papunta sa bahay nina Ralph. Nanginginig ang buong katawan ko habang bumabyahe kami papunta do'n... Sobrang sama ng pakiramdaman ko... Hindi ko ma-atim isipin ang sakit na nararamdaman ni Ralph ngayon... Walang wala ang lahat ng pinagdaanan kong sakit sa dinaramdam nya... There's nothing worse than losing a child, his own child. Sariling laman at dugo nya... Saksi ako sa pagmamahal nya kay Raith Theam, mahal na mahal nya iyon... higit pa sa kanyang sarili. Kung meron man siguro'ng nagpalunod pa lalo sa akin sa kanya, 'yon ay ang taglay n'yang pagkalalaki. 'Yon ay kung gaano nya kamahal ang kanyang anak, kung paano sya naging responsable...
"Dito lang, kuya." Wika ko nang makita ang mataas at engrandeng gate ng mansyon nina Ralph. Bumunot ako ng limang daan sa aking wallet at ibinigay sa driver. Hindi ko na hinintay ang sukli at kaagad nang lumabas sa taxi.
Bigla na lamang bumukas ang pintong maliit sa isang gilid ng gate at lumabas ang isang guard. Ngumiti sya sa akin, maari ay naalala nya ako.
"Ano po ang sadya natin, ma'am?" Tanong nya. Unti-unti naman akong lumapit sa kanya.
"Si Ralph?" Diretso kong tanong. Nakita ko paano nabura ang ngiti sa kanyang labi.
"Wala sya rito, ma'am. Ang sabi po ni Genna ay ngayon daw ang alis nya papuntang Europe." Wika nya. Napalunok ako.
"S-Sino si Genna?" Pinilit kong kumalma. Pinilit kong tumunog maayos... Ito na ba talaga ang kataposan natin, Ralph? Hanggang dito lang ba talaga ang tayo?
"Ang mayordoma po ng mansyon." Sagot nya. Unti-unti akong napahawak sa aking dibdib. Ayokong sumuko...
"Babalik pa ba sya rito?" Muli kong tanong. Nakita ko paano lumungkot ang expression ng mukha nya.
"'Yan po ang hindi sigurado. Magtatayo raw sya ng restaurant doon at sya mismo ang mag ma-manage, h—"
"Pwede mo po ba akong mahatid sa airport or sa kung saan man ang eroplanong gagamitin nya?" Saad ko. Desperadang desparada na ako. Ang tanging tumatakbo sa isipan ko ngayon ay kung paano ko sya mapipigilan... Gayun pa't masyado ko s'yang sinaktan. Bahala na...
"T-tawagin ko lang po ang driver." Sabi nya.
"Thank you, kuya." Sabi ko at ngumiti na lamang sya't pumasok ulit sa loob.
Paano kung nakaalis na sya? Paano kung binitawan nya na nga talaga ako gaya ng sinabi ko sa kanya noong gabing 'yon? Paano kung... hindi na talaga kami p'wede. Paano kung tinotohanan nya lahat ng sinabi ko?
Oh, God. Mababaliw ako...
Bumukas ang napakalaking gate at bumungad sa akin ang isang magarang sasakyan. Hindi na ako nag atubili pa at kaagad nang pumasok dito.
Mabilis ang pagmamaneho ng driver kaya nakarating agad kami sa bakanteng lugar kung nasaan daw ang private plane ni Ralph.
Sa paglabas ko sa sasakyan ay naramdaman ko kaagad ang pagpatak ng tubig sa katawan ko... Umuulan.
BINABASA MO ANG
Tears Behind His Tuxedo (COMPLETED)
Fiction générale"Forgive me, I had to cut you off to save myself from drowning... This love is dangerous-very frightening." -Ayet Castillo