"Can't I just take special exams?" I asked Emy in the phone call. Gusto ko munang umuwi ng Bacolod...
"No, Thea Mae! Hindi pwede 'yon! Ano bang problema mo, ha?" Napapikit na lamang ako sa ginawang pag sigaw nya sa akin. "I am sick, Emy. Uuwi muna ako sa Bacolod..."
"Aish! After exam week ay holiday break na rin naman. Mahihirapan ka nang makakuha ng special exam 'pag bakasyon na..." She said that made me sigh. I bit my lower lip and stood up from the bed. Napaiwas ako ng tingin sa salamin na nasa harap ng kama at naglakad ng diretso palabas ng kwarto. "Oo na, oo na. I'll hang up now, call you later." I said then ended the phone call. I was about to put the phone on the dining table when someone called again. Padabog kong sinagot iyon without looking at the caller ID.
"Hm?" Iritadong sambit ko at binuksan ang fridge upang maghanap ng makakain. Kaagad kong hinablot ang isang dark chocolate at isinirado ang fridge. "Where are you? Can we meet?" Napahinto ako sa paglalakad and checked the caller ID. "Marcos?" Naka-kunot noo kong sambit pagkatapos ibalik sa taenga ko ang cellphone.
Ipinasok ko ang aking dalawang kamay sa bulsa ng suot kong jacket. Sobrang ginaw at dalawang araw din akong hindi nakakalabas sa unit kaya medyo naninibago ako sa pakiramdam sa labas.
Unti-unti akong lumapit sa lalaking naka-pink shirt at nakaupo sa sofa dito sa ground floor ng building. Nakatukod ang kanyang dalawang siko sa kanyang tuhod at nakatakip ang mga kamay sa mukha. "Marcs," sambit ko nang tuloyang makalapit sa kanya. Mabilis nyang itinaas ang kanyang ulo't tumayo upang... yakapin ako?
Napakahigpit ng pagkakayap nya sa akin na hindi na ako nakaalma. I can smell his manly scent and I can clearly feel his hard chest pressing on me. Hindi ko alam pero bigla na lamang akong nahirapan huminga. I don't know if it's because of the tight hug or what.
"What happened?" Tanong ko sa kanya sa kalagitnaan ng yakap nya sa akin. "Don't speak. Let me just hug you." And then I decided to be quiet and just let him hug me. Seems like everyone's stares are on us pero wari ay walang pakealam si Marcos at ang higpit pa rin ng pagkakaakap sa akin na para ba'ng sobrang nami-miss nya ako o may kasalan ito'ng nagawa at humihingi ng kapatawaran sa akin. He's weird right now.
After a couple of minutes ay humiwalay rin sya sa yakap at sinalubong ako ng kanyang mapupungay na mata. "Are you okay?" I asked him and even touched his neck kung mainit ba ito but he's in normal temperature naman. "P'wede ba tayong lumabas?" Bagkus ay tanong nya at inayos ang pagkakagusot ng kanyang shirt. "S-sure," sagot ko at nauna nang maglakad papalabas ng building. Hindi maalis-alis ang pagkakakunot ng noo ko.
"So, where are we going now?" Tanong ko sa kanya nang makapasok kami sa kanyang kotse. He's moving uncomfortably and I can sense he has a problem or may kung anong concern sya na gusto n'yang ilabas. Baka broken hearted na naman dahil kay Zarrah or problema sa kung ano man.
"Jollibee," he said na nagpa-"What?!" sa akin, ngunit hindi nya na lamang ako pinansin at pinaandar na ang kotse. Is this really Marcos? He is not into fast food chains like Jollibee! I could still remember dati, no'ng kami palagi ang magkasama ay iilang beses ko s'yang pinilit na kumain sa Jollibee pero ayaw nya talaga at isa pa raw, hindi type ng tastebuds nya ang mga pagkain do'n. Maarte si Marcos so why of all the sudden?
Napangiti ako nang ihinto nya ang sasakyan sa harap ng Jollibee. Sobrang na-miss ko na ang fast food chain na ito... Way back when I was in Bacolod, halos araw-araw akong napupunta dito just to buy burger, sobrang gusto ko kasi ang burger ng Jollibee. He opened the door for me na nagpangiti sa akin. I am still wondering bakit gano'n nya nalang ako yakapin kanina?
I can see how girls turned their heads the moment Marcos entered the area. I was about to fall in line on the counter nang bigla na lamang syang pumunta sa harap ng counter not minding the girl na nag o-order. Hahatakin ko na sana sya ngunit nang makita ko ang pag kislap ng mga mata ng babae't cashier ay napa-iling na lamang ako. After all, he's still the popular Marcos na sobrang guwapo, dagdag pa na isa s'yang MVP player ng basketball team ng Era. He's not just famous around Era, pero maging sa ibang school nationwide. The ZarCos loveteam is all over the social media. Sobrang sikat nilang couple and everybody loves them.
BINABASA MO ANG
Tears Behind His Tuxedo (COMPLETED)
General Fiction"Forgive me, I had to cut you off to save myself from drowning... This love is dangerous-very frightening." -Ayet Castillo