Kabanata 53

1.1K 29 2
                                    

Malutong akong napamura nang maramdaman ang pagkirot ng aking ulo nang subokan ko itong galawin. I feel so exhausted. I was totally wasted last night.

Halos hindi ko maimulat muli ang aking mata dahil sa sobrang pagkirot ng aking ulo... "I will never drink again, I swear." Giit ko at marahang sinipa ang unang nasa aking paanan.

Wait... The last thing I could remember, nasa bar ako at... Kinakausap 'yong bartender, tapos... Si Macy! Nasa'n si Macy? Paano nya ako nadala rito sa unit?

I reached for my phone na fortunately nasa side table lang ng kama. I turned it on and scanned for her number at tinawagan iyon ngunit cannot be reached ito. "Come on, life!" Bulyaw ko at dahan-dahang bumangon sa kama. "Bullshitness overload." Saad ko bago tuloyang naitayo ang aking mga paa sa sahig. Sunod-sunod akong napamura dahil sa pag-ikot ng mundo ko habang naglalakad palabas ng kwarto. I need to take meds or a soup.

Walang ibang makakatulong sakin kundi ang sarili ko kung kaya't nag-init agad ako ng tubig at kumuha ng cup noodles sa cabinet. Gamit ang chopsticks ay nagsimula akong kumain at humigop sa sabaw ng instant noodles. Nag take na rin ako ng paracetamol para sa kirot ng ulo ko.

"I'm freaking okay." Sagot ko sa pag hi-hysterical ni Emy sa tawag. Nabalitaan daw kasi agad nya 'yong nangyari kagabi. 'Yong nangyaring suntokan, na si Ralph lang naman ang sumuntok at ang pagiging runaway princess ko which is very opposite sa exact happening kahapon. Naging exaggerated ang lahat sa kanya.

"What did Ralph Fucking Jimenez did to you?!" And now she is cussing. Sobrang overreacting nya! Napasapol nalang talaga sa aking ulo at mariing napapikit.

"Wala. Walang nakaaliw na pangyayari ang nangyari kung 'yon ang gusto mong malaman. Walang kilig o ganap so just drop it Emy." Iritado kong sagot at ipinatong ang aking paa sa center table ng sala. Ini-abot ko din ang remote sa isang gilid at pinaandar ang TV.

"I'm not asking for the ganap, Thea Mae! And why is your phone's freaking off?! You made me so worried—kami ni Marcos." Wika nya. I rolled my eyes. "I need to. Hindi naman pwedeng nag dra-drama ako tapos i-entertain ko mga tawag nyo." Seriously, bakit ko ba kailangan mag explain sa kanya? Sobrang exhausted ako ngayon, nagsasayang lang ako ng laway, e.

"Pwede na—"

"Oh come on, Emy. Pangangaralan mo lang ba ako? Ibababa ko na 'to." Iritado kong sabi at ibababa na sana ang telepono nang, "Hay... Maybe you need some rest, gonna talk to you again later. Ako nalang din ang magbabalita kina Tito at Marcos na okay ka na." Ani Emy na nagpangiti sa akin. "Yes, please. Thanks, Emy." Huling sabi ko at ibinalik na ulit ang telepono sa isang gilid. Hindi ko pa rin alam kung saan nakuha ni Emy 'yong telephone number ng unit na 'to, kahit ako nga 'di ko alam ang numero nito, e.

Pinilit kong tumawa sa pinapanood kong cartoons pero puro mapaparang na ngiti lang ang nailalabas ko. Hindi ko talaga magawang ngumiti ngayon... Hindi na gaanong masakit ang ulo ko ngunit mabigat pa rin ito.

Alas dyes ng gabi at napagdesisyonan kong lumabas upang kumain ng ice cream, gusto kong i-try 'yong ice cream na favorite ni Marcos, 'yong Melona.

Suot-suot ang hood jacket ko at pajama ay tinahak ko ang daan papunta sa hindi kalayuang ice cream parlor dito. Inayos ko ang pagkakatakip ng hood sa aking ulo nang may nakita akong varsity players na makakasalubong ko sa daan, madaling ma-determine na varsities sila dahil sa suot nilang mga slides at shorts. Probably Volleyball players of Era.

Mas lalo akong napayuko nang makasalubong ko na sila. "Miss, wait." Tawag nung isa. Hindi ko alam kung lilingon ba ako o ano, hindi naman siguro ako 'yong tinatawag nya. Nagpatuloy ako sa paglakad ngunit napahinto ako dahil sa paghawak nya sa aking balikat. Nag-igting kaagad ang panga ko.

Tears Behind His Tuxedo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon