SIWMB 5: ❤ Ex-Bestfriend

2.7K 121 7
                                    

JM P.O.V

" Michael, mukhang ang saya mo ngayon ah.. sino bang chixx? "

Sabi sakin ni Enzo.. ka team ko sa basketball

" gago .. wala akong chixx, masaya lang ako kasi napasaya ko si CM "

nakangiti kong sabi

" oh si Charity? Aba maganda yun brad ah.. girlfriend mo ba? "

Girlfriend?? Si CM? Hahaha nagpapatawa ata ito eh

" si CM? Girlfriend ko? Nagpapatawa ka ba.. bestfriend ko lang siya, pati may nagugustuhan na ako "

" bakit, wala namang masama kung si Charity ang maging Girlfriend mo ah.. at sino namang nagugustuhan mo ha? "

Oo tama siya.. walang masama kung magustuhan at maging Girlfriend ko si CM

Kaso

" wala namang masama kung magustuhan ko si CM, kaso bestfriend ko siya..ayokong balang araw maghiwalay at masaktan ko siya "

Itsura niya --> O___________o

Pffftt

" grabe namang lalim ng sinasabi mo captain he.he.he.. oh eh sino ngang nagugustuhan mo? "

Tanong niya habang nakatingin sakin

Sasabihin ko ba?

" si Margarette Lewis "

Sabi ko

" si Margarette?! Bakit siya..  bestfriend yun ni Charity eh "

Alam ko namang bestfriend ni CM si Margarette eh.. pero dati pa yun ang sabi niya kasi sakin nagkabestfriend din siya dati nung 2nd year highschool siya at alam kong si Margarette yun

" DATING bestfriend.. at wala naman pating problema kung magbestfriend parin sila hanggang ngayon "

Sabi ko

" kung alam mo lang "

May ibinulong si Enzo kaso hindi ko naintindihan

" ano yun? "

Tanong ko, kasi rinig ko may sinabi siya eh

" a-ah wala ,wala lang yun ..sige captain may pupuntahan pa pala ako "

Sabi niya sabay takbo na palabas ng room

Oh? Anong nangyari dun.. natatae siguro pfft


ENZO'S P.O.V

Dali dali akong lumabas ng classroom

Hoooooo! Muntik na..

Hindi naman ako sigurado kung may gusto nga si Charity kay JM

Minsan kasi ay MADALAS pala napapansin ko na kapag magkasama sila Charity at Michael laging nakaiwas ng tingin at namumula pa si Charity kapag kausapap niya ito

Bakit kaya?

May gusto nga ba si Charity kay Michael??





CM P.O.V

Si Margarette? Bakit siya pa..

Bakit yung ex-bestfriend ko pa?
T_______T

Pwede namang iba na lang eh

Kahit hindi na ako basta wag lang yung ex-bestfriend ko..

ang sakit.. akala ko kasi may gusto na siya sakin

Pero tama nga sila wag masyadong assuming masasaktan ka lang

Nalaman narin pala ni Cass yung sinabi ni JM sakin

Nagulat rin siya ng sinabi kong may nagugustuhan na si JM at si Margarette yun

Haaaaayy siguro nga dapat maging masaya na lang ako para sa kanila..

Bakit? Eh alam ko namang may gusto rin si Margarette kay JM eh

Alam ko, kasi sinabi sakin ni Margarette yun

Sinabi niya sakin dati nung 2nd year highschool palang kami

Kaya nga kami nag-away kasi nalaman niya na may gusto rin ako kay JM

Bakit kay JM pa daw ako nagkagusto

Anong magagawa ko? Kung natuturuan lang ang puso kahit masakit tatanggalin ko yung nararamdaman ko para kay JM kaso hindi eh

Hindi naman pwede yun..

Hindi dahil gusto ko, makukuha ko

Hindi ko nalang sasabihin kay JM na gusto ko siya

Mali.. kasi the right term is 'mahal ko siya' T_________T





Tandaan: lahat ng sekreto nabubunyag ,

Tip: mas gugustuhin paba natin na mas lumala ang sitwasyon bago tayo mapilitang sabihin ang sekreto natin.. mas maganda na hanggat maaga sabihin mo na para walang masaktan at para hindi kana mahirapan






-ellimaCutie

Maikli lang hahaha✌

Vote and Comment po
Salamat (564 words)

Xoxo:*

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon