SIWMB 19: ❤ KAMI NA

2.5K 127 5
                                    

CM P.O.V

Ang ganda ng gising ko kaninang umaga, gumaan yung pakiramdam ko ang galing kasi ng nag-alaga sakin eh.pfft

Nakangiti akong naglalakad ngayon sa hallway. Pagkatungtong ko pa lang sa second floor ng campus may narinig na agad akong bulong-bulungan.

Pumunta ako malapit dun sa mga babaeng nagbubulungan, syempre makiki-chismis ako.

Nagkunwari akong may binabasa para hindi mahalatang nakikinig ako sa usapan nila. Napansin kong nilingon ako nung isang babae pero binalewala na lang niya ako at nakinig ulit dun sa sinasabi ng kasama niya.

" ang sweet nila ano? "

" Magkasabay nga sila kaninang pumasok at magkaholding hands pa " sabi pa nung isa

Sino ba yung pinag-uusapan nila?
Sweet ,magkasabay pumasok at magkaholding hands pa? Sino ba yun para pag chismisan pa nila. Tss
Sikat ba yun?

Hmp! Maka-alis na nga lang
Patayo nako ng matigilan ako sa sinabi nung babaeng lumingon sakin kanina.

Bigla akong napatigil at napaupo ng marinig ko yung sinabi niya.

" oo nga ang sweet nila, kalat na nga dito sa campus na si Margarette at Michael na eh "

S-si Margarette at si J-JM?? Sila na?
I feel like a hundred torns run through in my heart

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa narinig ko ang alam ko lang masakit. Dito (turo sa may puso).

Bakit ang bilis naman yata? Ganun na ba talaga sila kasabik sa isa't-isa? Gusto nila pagkalipas ng isang linggo sila na agad? Boyfriend at Girlfriend na ganun?

Alam ko naman na magiging sila, kaya nga siya nililigawan ni JM diba?

Pero hindi ko ini-expect na ganun ka-bilis. Hindi ako prepared T______T

Tumayo na lang ako at naglakad na papuntang classroom. Kung makikita mo lang ang mukha ko para akong namatayan.

Para akong zombie maglakad.

Hindi pa nga ako nakakamove-on sa nalaman ko. Lalo lang sumakit at kumirot yung puso ko sa nakita ko.

Si Margarette at JM

Sabay maglakad, magkaholding hands, ang isang kamay ni JM hawak-hawak yung libro ni Margarette.
Sweet nga.

Natulala na lang ako sa nakita ko. Dapat kasi hinanda ko na yung sarili ko sa mga pwedeng mangyari tulad na lang nitong nakikita ko ngayon.

Hindi ko napigilan agad na lang nangilid yung luha ko.

Ng biglang lumingon si JM dito sa gawi ko at nakita niya ako.

Tumalikod ako ng maramdaman kong tumulo na ang luhang kanina ko pang pinipigilan. Hindi ko kaya. Hindi ko na kaya.

Aalis na sana ako ng narinig kong tinawag ako ni JM

" CM! Wait lang "

Pinahid ko yung luha ko at lumingon sa kanya.

Nakita ko siyang lumalakad papunta sakin habang nakangiti.
Nang makarating siya dito sa kinatatayuan ko ngayon. Hinawakan niya yung magkabila kong balikat, makikita mo sa kanyang SOBRANG saya niya.

" CM. May good news ako sayo, KAMI NA ni Margarette! CM ang saya saya ko! "

Oo JM kitang-kita ko nga na masaya ka.

Masakit parin na malaman na mismong sa kanya ko narinig na totoo nga yung usap-usapan dito sa campus.

Good news sayo pero para sakin bad news yun JM.

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon