SIWMB 41: ❤ LTS-W (1)

2.6K 162 2
                                    

CM P.O.V

" Haaayy, ang haba ng pila! " naiinis na sabi ni Cass.

Bago ka kasi makapasok sa school, kailangan pang tignan ang laman ng maleta mo. Hahaha oo maleta. Kami nga lang ata ni Cass ang naka maleta, puro bag'pack kasi yung mga nakikita kong dala ng ibang students.

Ngayon na gaganapin ang LTS-W. Kaya ganito na lang ka excited si Cass makapasok sa loob, pati rin pala ako.

Yung mga boys yung inuunang makapasok ng school, ang unfair nga eh. Tsk!

Nag-intay pa kami ng 15 minutes bago makapasok sa dami ng students.
Nang makapasok na ang lahat may nag-announce na sa 3rd floor daw ang room ng mga girls and 2nd floor naman sa mga boys. So dali-dali kaming umakyat ni Cass sa 3rd floor. Jusko! Mabagal na ngang kumilos ang mga babae dito pa kami inilagay sa 3rd floor bago pa makataas at makababa, aabutin ka ng siyam siyam. Haaaayyys.

Medyo madilim na because its already 5:30pm, gabi na kasi ng pumunta kami dito. Pinatawag na ang lahat ng students sa quadrangle. Buti na lang nag kasya kami dito eh ang dami namin.

Pagkababa namin ni Cass ganito itsura namin
------------> O_______________O
*_____________*

" Wow! Ang ganda bes! "
Sabi sakin ni Cass habang manghang mangha sa nakikita namin.

Tumango tango na lang ako bilang sagot.

Ang ganda nga. Talagang pinaghandaan nila ang araw na ito. Ang daming makukulay na ilaw parang disco lights lang, eh diba sobrang lawak nung quadrangle so sobrang dami mong makikitang colorful lights.

Nang maka-upo na kami agad na sumulpot sa tabi namin si JM kasama si Enzo. (Remeber Enzo? Siya yung kaibigan ni JM. Nasa Chapter 6 siya )

Nagulat nga kami ni Cass.
Ito talagang si JM hilig manggulat.

" takte ka Michael! Ginulat mo kami! "

Tatawa tawa na lang siya at si Enzo na pansin kong nakatingin kay Cass.

Owww, I smell something fishy here. Bakit nakatingin si Enzo kay Cass? And bakit naman hindi makatingin ng deretso si Cass kay Enzo? Hmmm.

May past?

Busy ako sa pagiisip kung anong meron sa dalawa ng biglang namatay yung disco lights at napalitan ng totoong ilaw ( may fake bang ilaw? XD)

I mean yung color white lang kaya mas lalong nagliwanag

" Ok students, let us pray " ahh kaya naman pala.

So yun nag prayers muna then sinabi kung ano yung mga activities and program na magaganap ngayon at bukas. Pinakain muna kami ng dinner bago magsimula ang opening program.

Lafang ng lafang lang kami hanggang ma'satisfy.

Then nag opening program na. Madami pang eklabush bago matapos yung mga prod numbers.

Pagkatapos ng napakahabang opening program pinatay na ulit yung mga ilaw except sa disco lights.

Wooohooo! Party party!
Haha..

Mga 9 o'clock pinapunta na kami sa Gym. Nawala na yung malakas na music dito sa Gym and syempre on lights na.

I g-group na ata kaya kami pinapunta dito. Sina Enzo and JM pumunta na sa kanilang mga kaklase. Sana ka-group ko si JM please kahit na alam kong imposible.

Nagulat na lang ako ng may biglang nagtakip ng mata ko.

" hulaan mo kung sino ako "
Tss.. boses pa lang niya kilala ko na.

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon