SIWMB 43: ❤ AVOID

2.5K 147 3
                                    

CM P.O.V

I can't sleep. Aish!

Kahit madilim na dahil patay na ang ilaw pero naglalakbay parin yung isip ko sa na realize ko kanina.

2:30 a.m in the morning and still Im awake. Napabaling ang tingin ko sa kanan ko.

Si Cass, tignan mo tong gagang to. Ang lakas humarok! buti pa sya ang himbing ng tulog. Haaaayss.

Kanina pa may gumugulo sa isip ko at the same time yung puso ko.

Bakit kasi feeling ko may nararamdaman din si JM para sakin! O baka nga feeling ko lang yun?

Thank God madilim kanina, hindi nakita ni JM na umiyak ako.

Siguro nga mali ako, dahil binibigyang malisya ko ang mga pinapakita niya sakin. Gaya na lang ng holding hands, nagulat talaga ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko kanina, ano yun.. trip lang niyang hawakan ang kamay ko?

Bakit nga ba aasa na naman ako.. eh mahal na mahal kaya ni JM si Margarette.

Bakit kasi sa kanya pa.. ang tanga tanga ko... bakit sa kanya pa na may mahal ng iba! Charity gumising ka nga.. BESTFRIEND mo si JM!

Alam ko naman yun eh.. bakit bawal bang mahalin ang isang kaibigan lang? Bawal bang umibig sa bestfriend mo? T_____T

Ayan, umiiyak na ako.. at ano.. si JM na naman ang dahilan?! Nakakasawa na.. lagi na lang.

Minsan parang gusto ko ng magtapat sa kanya ng nararamdaman ko.. pero may side sakin na pumipigil.

Gusto kong malaman niya lahat! Gusto kong malaman niya na mahal ko siya! Na umiiyak ako tuwing maaalala ko na hanggang bestfriend lang talaga kami. Na nasasaktan ako tuwing sumasagi sa isip ko na si Margarette ang mahal niya at hindi ako. Na kahit nililigawan na ako ni Lance siya parin. Siya lang.

But it's not easy for me to say that things to him.. kapag kaharap ko siya lagi kong gusto ng magtapat pero umuurong ata ang dila ko at nawawalan ako ng lakas na sabihin.

There's one thing is for sure. I know na kapag ginawa ko to maiibsan yung sakit baka sakaling makalimutan ko narin siya kahit papaano..

I will avoid him. Iiwasan ko na siya.. ito lang ang paraan na naisip ko.. wala ng iba. Nagmumukha na akong tanga! Paulit-ulit.. ulit na akong nasasaktan at umaasa. Umaasa sa wala.

I hope my decission is right... that I will avoid him to ease the pain, to forget my feelings for him.

I know it will be hard for me na iwasan si JM ng ganun ganun lang.. pero para sa sarili ko kakayanin ko.

Bakit ba hindi na lang si Lance ang mahalin ko.. tutal may gusto naman ako sa kanya..     pero DATI yun at hindi na ngayon.

Kakausapin ko na si Lance. Ayokong makasakit ng tao.. na sariling kaibigan ko sinasaktan ko. Ayoko ng paasahin siya sa wala. Patitigilin ko na sya. I will stop him on courting me. That's the right decission. Im sure of that.

Bukas na bukas pagdilat ng mga mata ko.. lahat ng mga pagkakamali at mga bagay na makabubuti para sakin .. itatama at gagawin ko na.

Nagmahal ako.. pero nagtira naman ako para sa sarili ko. Gusto kong may matira naman sakin kahit papaano.

Tomorrow. I will start avoiding him.. kahit mahirap kakayanin ko.
Tadhana please makisama ka naman.

I hope this time I will be successful on forgetting my feelings for JM.. at kapag nangyari yun.. magiging malaya na ako at makakahinga ng maluwag dahil pwedeng pwede na akong lumapit sa kanya ng hindi na nasasaktan pa.

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon