SIWMB 38: ❤ JEALOUS & WORRIED

2.5K 128 17
                                    

JM P.O.V

Sabi niya nagustuhan daw niya yung regalo ko, pero ayaw naman niya ng material things. Minsan talaga ang gulo gulo ng babaeng yun. Tsk!

Eh bakit ka ba nag walk-out?
Ano yun, ginaya mo lang ang peg ni CM ha?

Eh ano ba namang pakialam mo?! Tumahimik ka na lang din. Mabuti pa

Siguro nga ako yung baliw sa aming dalawa ni CM. Pati isip kinakausap ko na haist!

Ewan ko ba, pero bigla na lang akong nainis sa sinabi niya.
Na ok lang daw na walang gift yung Lance na yun kung sino man siya, nagustuhan naman daw niya yung ginawa nun. Tss. Eh boses palaka nga eh.

Kung sinabi niyang ang gusto pala niyang gift ay yung katulad ng mga ganon sana kumanta na lang din ako kung gusto niya pati sayaw gagawin ko din!

Bakit ba siya pumayag na ligawan ng kumag na yun? Eh hamak na mas gwapo naman ako kumpara dun tss...

Ni hindi niya nga ata masyadong kilala yun tapos nagpaligaw na agad siya, at teka pumayag ba sina Tita at Tito tungkol dun? Basta basta na lang nagdesisyon eh.

Paano naman yung opinion ko? Ayoko sa lalaking yun!

Wait. Naririnig mo ba yang iniisip mo ha JM? Opinion mo? Bakit, ano ka ba niya?

Bestfriend!

Bestfriend, pero ikaw bestfriend ba ang tingin mo sa kanya?

Shut up! Your not helping. Tsk!

Halos hindi na nga ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip kung bakit bigla na lang nag walk-out si CM. Hindi ako naniniwalang sumakit lang ang ulo niya. Napakababaw na dahilan nun. Anong akala niya sakin elementary student para di malaman na she's not telling the truth?

Napailing na lang ako

..
.

Kung mapapansin niyo hindi ko kasama si Margarette yun ay dahil nasa ibang bansa siya kasama ang family niya, business problem daw.

Nagtatampo nga ako sa kanya eh.
Hindi kasi siya pumayag na ihatid ko siya sa airport.

Yayayain ko na lang si CM na sabay kaming kumain mamaya.
Im sure agad namang papayag yun, sabihin ko lang na libre ko ok na agad sa kanya. Haha

.
.
.
.
.
Fast forward

Agad ko siyang tinawagan ng matapos ang klase.

*Ring ring ring..
        Ring ring ring..

Ring ring ring..
       Ring ring ring..

Ring ring rin-*

Nakakailang ring na ng sinagot niya yung tawag

" hello Michael? Bakit ka napatawag? "

" hello. Bakit ang tagal mo namang sumagot? Anyway sabay tayong kumain dadaanan na kita sa classroom mo "

Dati rati naman ilang ring lang sasagutin na niya yung tawag ko. Ito ata ang unang beses na pinag-intay niya ako. Ano ba itong naiisip ko tsk!

" a-ah kasi Michael ano, nandito na ako sa canteen eh " aba at nauna na pala sakin.
Haha gutom lang?

" hindi kana makapag-intay CM? Haha gutom na gutom ka ata ah. Sige puntahan na lang kita diyan. "

Sa halip na yung left way papuntang classroom nila yung dadaanan ko dito na ako dumaan sa right way heading to canteen.

" eh kasi Michae- * Mich sino yang kausap mo?* "

" Michael kasama ko kasi ngayon si Lance. Maybe next time na lang. At teka lang, may nalalaman ka pang  walk-out session kanina, anyare? Hahaha. Sige bye "
Then she hung up.

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon