EPILOGUE ❤

3.6K 99 5
                                    

A/N: This chapter is written in third person's point of view.

Read before you vote and comment😘

__________________________

Kasalukuyang naglalakad si JM at CM sa hallway ng school ng may maalala si JM na gusto nyang sabihin dito.

" CM.. alam mo ba kung anong mayroon sa linggo? " patay malisyang tanong ni JM sabay kamot pa sa batok. Napatigil silang dalawa sa paglalakad.

Nagtatakang tinitigan lamang sya ni CM.
Umiling muna ito bago sumagot sa tanong nya.

" Sa linggo? Anong meron? " nagtatakang tanong ni CM kay JM.
Hindi alam ni JM kung anong mararamdaman sa sinabi nya. Tila nakalimutan na nito na birthday na ni JM sa linggo.

" You forgot " may bahid ng tampong sabi ni JM sabay nagtuloy tuloy na sa paglalakad.

Agad naman syang sinundan ni CM sabay kapit sa braso nito.

" Anong nakalimutan? Ano ba yun? " tanong ulit ni CM.
Hindi na lamang sumagot si JM dahil nawalan na sya ng ganang makipag-usap dito. Kahit kailan ay hindi pa nalimutan ni CM ang birthday nya kaya ganun na lamang ang dating sa kanya ng sabihin nitong hindi nya alam kung anong meron sa linggo.
Tila pinagbagsakan sya ng langit at lupa.

" Ah! Oo nga pala.. " parang biglang may naalala si CM.

Sandaling umaliwalas ang mukha ni JM at napatingin kay CM, ngunit bumalik ulit ito sa pagkakabusangot.

" Niyaya mo nga pala akong magsimba sa linggo. Bakit ka nga pala magsisimba? Eh dati rati naman hindi ka nagsisimba ah? Banal kana ata ngayon JM " natatawang wika ni CM.
Inis na napabuntong hininga na lamang si JM. Niyaya nya itong magsimba dahil nais nyang makasama si CM sa buong araw ng kaarawan nya. Noong nakaraang taon kasi ay nag out of town silang pamilya kaya hindi nya nakasama si CM.

" Wala " walang ganang sagot ni JM

" May klase pa ako.. kita na lang tayo mamaya " sabi ni JM sabay tanggal ng pagkakapit ni CM sa braso nya at nagmadali ng naglakad.

Lihim na napangiti na lang si CM sa inasta ng kanyang bestfriend/manliligaw at soon to be boyfriend.
Alam naman talaga niya kung anong mayroon sa linggo. Alam niyang birthday yun ni JM. Ni minsan hindi ko makakalimutan ang kaarawan niya.. ngayon pa bang malapit ko na syang maging bf, sa isip-isip ni CM.

Hindi nya sinabing alam niya dahil may surpresa sya para sa manliligaw. Nasabi na nya ang kanyang planong surpresa sa magulang ni JM pati na rin sa magulang nya, sa mga kaibigan at malalapit na tao kay JM.
Walang kaalam-alam si JM na may pinaplano na ang mga tao sa paligid nya para lang sa darating na kaarawan nito.

Biyernes pa lamang ngayon ngunit hindi na makaintay si CM sa kung anong magiging reaksyon ni JM.
Sinisiguro niyang magiging masaya ito at matutuwa sa inihanda nyang surpresa.

Sa kabilang banda naman ay hindi malaman ni JM kung ano ang kanyang mararamdaman sa sinabi ni CM sa kanya kani-kanina lang, magkahalong inis at tampo sa wari nya.

Balak pa naman sana nitong tanungin na si CM kung papayag na itong maging girlfriend nya. Gusto nya kasing maging sila na sa araw ng birthday nya.. kahit yun na lamang ang ibigay na regalo ni CM ay masayang masaya na sya ngunit parang hindi pa ito matutuloy dahil nakalimutan niya ang birthday nito.

Natapos ang klase na hindi parin maipinta ang mukha ni JM.
Napansin naman agad ito ni Enzo na kanina pang nakatingin sa kanya.

" Michael.. bakit ganyan ang mukha mo, hindi maipinta sa sobrang lukot. May problema ba? " sabi nito at tinabihan ang kaibigan sa upuan.
Nandito sila ngayon sa garden ng school.. iniintay na lamang ni JM na lumabas si CM para sabay silang umuwi.

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon