CM P.O.V
Uwian na.. nag C.R na muna ako bago umalis. Absent si Lance ngayon at hindi ko alam kung bakit.. nag text lang ito sa akin kanina na may importante lang siyang gagawin kaya hindi siya nakapasok.
Nang makapag-CR na ako.. nagmadali na akong naglakad para umuwi. Gusto kong ipahinga muna ang katawan ko at the same time yung isip ko. Baka sakaling mawala ang samut-saring emosyon ko ngayon.
5:00 pm na kaya wala ng masyadong estudyante ang nasa campus kaya laking gulat ko na lang ng may humawak sa wrist ko. Nasasaktan ako dahil sa sobrang pagkakahigpit ng paghawak nito sakin.
Nagsimula na akong mag panic.. sisigaw na sana ako ng bigla nitong tinakpan ang bibig ko para walang boses ang lumabas.
Then nakarating kami sa isang room. Ni-lock niya yung pintuan pagkapasok namin.
Hindi ko alam kung anong ire-react ko ng mapagalaman kong si JM pala to. Gulat na gulat akong napatingin sa kanya.
" M-michael.. " ayoko.
Hindi ko pa kayang harapin at kausapin siya. Pupunta na sana ako sa pintuan para buksan yun pero hinawakan ako ni JM sa braso. Ouch.. nasasaktan na ako sa paghawak niya pero hindi ko ito magawang kuhanin dahil sa sobrang higpit ng hawak niya dito.
" Ano.. aalis kana naman?! Iiwas kana naman ba ha CM! Hanggat hindi mo sinasabi sakin ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan hindi ka muna aalis! " namumula na si JM. I never see JM like this before. It's the first time I saw him turning red because of anger. Sobra akong natatakot sa kanya ngayon and mas humihigpit yung paghawak niya sakin kaya napadaing na ako sa sobrang sakit.
" Ouch.. JM let me go " pakiusap ko.
Na realize naman siguro niya kung anong ginawa niya sakin kaya agad niyang binitawan ito.
Tinignan ko yung braso kong namumula na.. nag-iinit na ang mga mata ko at nagbabadya na ang mga luha kong bumuhos.. ang sakit. Hinimas himas ko ang braso ko para maibsan ang sakit. Im sure papasa ito.
" S-sorry CM.. " akmang hahawakan ni JM ang braso ko pero agad ko itong iniiwas sa kanya.
" O-ok lang.. aalis na ako " but again he didn't let me out.
" JM ano ba?! " napupuno na ako.
Kung ako napupuno na.. ano pa kaya siya? Baka sumabog na ito ng wala sa oras.
" Mag-usap muna tayo "
" ano bang pag-uusapan natin?! " nagkunwari akong naiinis na pero the truth is Im scared.. hindi kay JM kundi dahil sa kung anong kahihinatnan ng pag-uusap na ito.
" Tungkol sa ating dalawa! "
" Sa ating dalawa? Oh ano namang meron? " napahilamos siya sa kanyang mukha at nagtitimping tumingin sa akin.. directly to my eyes.
" SH*T NAMAN CM! WAG KANA NGANG MAG-MAANGAN PA! BAKIT MO BA AKO INIIWASAN HA?! NAGMUMUKHA NA AKONG TANGA DAHIL HINDI KO ALAM ANG PROBLEMA MO! HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KA GANYAN! "
Silence.
Tanging paghinga lang namin ni JM ang maririnig mo.
Siya pa tong may ganang magalit..
" Anong problema ko?? Gusto mong malaman kung anong problema ko ha?! " nag-iiba na ang tono ng boses ko. It's the first time na magtaas ako ng boses sa kanya.
" IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO JM! NAPAKAMANHID MO! " tumingin ako ng deretso sa mga mata niya.
Pansin mo ang pagtataka sa kanyang mukha. Yes JM your numb! So numb!
Ayoko na. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito.. lahat ng paghihirap ko.
Gusto ko ng ilabas kung ano yung nasa loob ko.My tears starting to fall down..
" MAHAL KITA JM!.. not because your my bestfriend mahal kita kasi MAHAL KITA!... " napatigil ako, naninikip na yung dibdib ko dahil grabe na yung iyak ko ngayon.
Bawat patak ng luha ko agad ko itong pinupunasan pero balewala lang din kasi may pumapatak na panibagong luha.
ang sakit kasi eh.. ang sakit isipin na wala namang patutunguhan ang mga salitang sinabi ko sa kanya.
Yung expression niya ngayon parang naguguluhan na guilty na ewan..
He can't even utter a single word because on what I said. He's in state of shock." ngayon alam mo na.. ipapaalam ko narin sayo lahat. Nakikita mo ito? " itinuro ko yung bandang puso ko.
" Sirang-sira na ito dahil sayo.. at alam mo ba kung gaano kasakit.... Kasakit na makita kayong dalawa ni Margarette na magkasama at sweet sa isa't-isa.. masakit dahil alam kong hanggang bestfriend lang ang tingin mo sa akin " nakikita kong may namumuo ng luha sa mga mata niya.
" Ayoko na.. PAGOD NA PAGOD NA AKO! Pagod na akong mahalin ka ng pasikreto " napaupo na lang ako dahil sa sobrang panghihina ng tuhod ko. Nawalan na ako ng lakas.
" Since were in highschool gusto na kita JM.. at hanggang ngayon hindi parin nagbabago yun, pero mas lumala. Dahil kung noon gusto lang kita ngayon hindi na kasi MAHAL KITA! Mahal kita gago ka "
Dahan-dahan akong tumayo habang nakatungkod ang kamay sa teacher's table.
And again I directly stare on his eyes..
" Kaya please lang.. " I wipe my tears.
" Please respect me. Respect my decission na iwasan ka. Dahil sa ngayon isa lang ang goal ko.. yun ay ang mawala yung nararamdaman ko para sayo.. " naglakad na ako paalis ng room pero bago ako makalabas may nakita ako na sana hindi ko na lang nakita dahil mas lalo lang akong nasasaktan.
I saw a tear scape from his eyes.
Marahil sa ngayon ay kinakaawaan na niya ako. I don't need his sympathy!
Ayokong makita na naaawa siya sakin.
I run and run until I get tired.
All I know now is that JM already knew that Im inlove with him.Tip: Walang sekretong hindi nabubunyag kaya mag vote and comment kana lang
-ellimaCutie
A/N: Oh ayan ha may pahabol na Chapter kahit maikli lang ito! Penge namang votes and comments dyan😂
God bless😇 (975 words)Xoxo:*
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)
Teen FictionBawat araw may katapusan ..sabi nga ng mga bitter "magbe-break din kayo" "walang forever" bakit ba nila pinangungunahan ang lahat ng bagay, bagay na kung saan walang sinuman ang makakaalam kung kailan ba ito magwawakas kasi nasa tao naman yun.. nasa...