SIWMB 8: ❤ J-JM??

2.6K 115 4
                                    

CM P.O.V

Sige Charity! Mag emote kapa -_______-

Takte ! Baka kung anong isipin ni JM..

Kasi naman, hindi ko kasi mapigilan ang luha ko tuwing maiisip ko yun

" CM anong gusto mo? "

Nandito nga pala kami sa canteen ng school..

Nasabi ko na ba kung anong name ng school namin?

ECU, East College University
Kaming dalawa ni JM parehas na 1st year college na..

Burong-buro na nga ako kasi diba nga sana 3rd year college na kami kung hindi lang nauso yang k-12 na iyan
=_____=

ABM yung stunts nya ako naman GAS

" Ah katulad na lang nung dati JM "

Nakangiti kong sabi ..

I don't want to manifest my feelings towards him

Dahil alam ko, may magbabago

" ok, humanap kana ng mauupuan natin CM .. dun o sa may likod may bakante "

Sabay turo niya dun sa bandang likod na walang estudyanteng nakaupo

Kaya pumunta na ako doon .. baka makuha pa ng iba, kung si JM nga nakuha na.. yung upuan pa kaya</3

" Hugot ah, may pinagdadaanan ha Charity? "

Aba't sumabat na naman itong isip kong ito!

" wala kang pakialam! "

" ok.. bitter teh? "

Talagang namumuro na siya!

" CHE!! "

Charity ano bang nangyayari sayo
Kausapin daw ba ang isip?
Ako baliw..

*batok sa ulo* *sigh*

" oh CM? Ok ka lang bakit mo binabatukan ang sarili mo? "

Sabi niya sabay lapag nung tray ng pagkain namin

Oh my.. nakakahiya ka talaga Charity! Baka isipin pa niya may sapak ka sa ulo o kaya nababaliw na

" a-ah ano .. wala yun JM wag mo nalang pansinin hehe "

Ngumiti naman siya

" ikaw talaga.. "

Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko
Namula naman ako sa ginawa niya >//////////<

Waaaaahhh kilig ako..

" kamusta kana CM? Ok na ba ang pakiramdam mo.. o gusto mo ulit umiyak, may panyo ako dito pffft "

Biro niya..

Kung alam mo lang JM, kung alam mo lang

" che! Wag ka nga.. ok na ako "

Nagsimula na akong kumain

" eto naman hindi na mabiro,
alam ko naman na may problema ka CM at hindi kapa ready na sabihin sakin yun kaya aantiyin kitang magkusang sabihin ang problema mo sakin tulad ng dati "

Tulad ng dati

Tulad ng dati

Tulad ng dati

Oo.. sana nga ganun kadali para sabihin sayo yung problema ko ,

Oo nga't ako na mismo ang lumalapit sayo noon kapag may problema ako

Pero kasi JM iba na ngayon

May iba kanang pagtutuunan mo ng pansin.. may iba ka ng po-protektahan at hindi ako yun

Hindi ko pwedeng sabihin sayo kung anong problema ko

Dahil alam ko na iba ang magiging reaksyon mo

" salamat JM ha.. wag kang mag-alala sasabihin ko rin sayo ang problema ko " soon

Nakita kong ngumiti siya kaya ngumiti rin ako

" ah CM.. may sasabihin nga pala ako sayo, kahapon kasi nung pagkasundo ko kay Margarette may pinagselosan siya kaya sinabi niya sakin kung pwedeng ..... "

" hi JM! "

Hindi na naituloy ni JM ang sasabihin niya ng biglang sumulpot si Margarette

at teka lang tama ba yung pagkakarinig kong tawag ni Margarette kay JM????

Tinawag niyang 'JM' si JM?

Bakit? ?______?

" what did you call him? J-JM?? "

Tanong ko kay Margarette dahil hindi ko na napigilang magsalita

Bakit ? Bakit niya tinawag na JM si bestfriend?

" ah oo, gusto ko kasing unique yung name na itatawag ko sa kanya gusto ko yung naiiba "

Nakangiti siya pero nakataas yung kilay niya habang nakatingin sakin

Nagulat ako, bakit ganito na ang ugali ni Margarette? Ang pag-kakaalam ko kahit na hindi kami komportable sa isa't isa at may natitira pang pagkaselos sa puso niya, hindi niya magagawang pag taasan ako ng kilay dahil kahit papaano may pinagsamahan rin naman kami at alam ko mabait siya

Pero ngayon, bakit ganito??

" bakit Michelle, masama bang tawagin ko siyang JM? "

" wala naman akong sinabing masama.. it just that yun rin ang tawag ko kay JM "

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko..
Pero maya-maya ngumit siya

" ok lang yun Michelle ..
Pero mas maganda kung hindi mo na siya tawaging JM kasi yun na ang tawag ko sa kanya simula ngayon at ayoko ng may KAHATI "

Talagang idiniin pa niya yung pagkakasabi niya ng 'kahati'

At ano yung sinabi niya, gusto niyang iba na lang ang itawag ko kay JM?

Gusto kong magalit pero..

Sino ba naman ako.. hamak na BESTFRIEND LANG naman

Anong laban ko sa babaeng nililigawan at gusto niya.

Napansin kong nakatingin sakin si JM mali si Michael pala simula ngayon sasanayin ko ng tawagin siyang Michael

Tumingin rin ako sa kanya.. nagtitigan kami maya-maya nagsalita na siya

" sorry CM.. pero mabuti kung Michael na lang ang itawag mo sakin "

Napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya at konti na lang tutulo na ang luha ko pero pinipigilan ko

Akala ko pa naman hindi siya papayag sa gusto ni Margarette..

Pero tama ako, akala ko nga lang yun.

Dahil kung tatanungin siya kung sinong pipiliin niya sa aming dalawa

alam ko na ang magiging sagot niya

Si Margarette ang pipiliin niya at kailanman ay hindi magiging ako.

" a-ah sige.. o-oo ba,  una na pala ako kasi may klase pa ako eh "

Sabay tayo ko sa upuan at tumalikod na pero bago pa ako makatalikod, napansin kong nag-smirk sakin si Margarette o namalikmata lang ako

At sa oras na pagtalikod ko

Bumagsak na ang luhang kanina ko pang pinipigilan

Hindi ko kaya...

Ang sakit lang , SOBRANG sakit!
</////3








Tip: bakit mo pipigilan ang isang bagay na alam mo namang hindi mo kaya, ipakita mo kung ano yung nararamdaman mo, ipakita mo kung anong klase kang tao.. baka mamaya hayop ka pala✌











-ellimaCutie

Vote and comment guys

Salamat (937 words)

Xoxo:*

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon