SIWMB 27: ❤ PREPARATIONS (1)

2.2K 107 1
                                    

A/N:
Imagine that today is January 11.
Kasi sa susunod na Friday or Saturday na ulit ang update ko.

CM P.O.V

Pagkababa ko pa lang ng hagdanan, para ako maliliyo sa sobrang dami ng taong nasa loob ng bahay namin. Parang dumami ata ang katulong namin?

2 days and 3 nights na lang birthday ko na. Pero parang ang OA naman ata, ang sabi ko nga kay mama at papa simpleng salo-salo na lang and invite some of my friends. Aba ayun! Ang magaling kong ina nagdrama na naman. Na dapat daw magpasalamat na lang ako, sila na nga daw yung umuwi pa para lang paghandaan ang debut ko tapos tatanggi pa ako sa gusto nila. Haist! Hindi naman sa ayaw ko ng may debut, ang kaso masyadong maraming kaek-ekan.

Sukat ng dress dito, doon, patahi ng gown dito o kung kanino man, pagawa ng invitation, pagpu-food tasting.. ano ako? Ikakasal? Tss...
Pero wala naman akong magagawa eh. Ito ang gusto ni mama at papa.

7 o'clock a.m pa lang ngayon, kaya naman pupunta ako ng kusina para kumain ng breakfast pero hindi pa ako nakakalayo ay may humila na sa akin papuntang sofa.

" anak, dito ka muna pasusukatan kita para makapagpatahi ka na ng  gown na isusuot mo sa debut. At wag na wag kang kakain ng heavy meal, bawal ka na munang kumain ng kanin ha? Mag diet ka naman. Ang taba taba mo na eh "

Napanganga na lang ako habang nakatingin sa kanyang humahagikgik at dire-diretsong lumabas ng mansyon.

Anong tumataba?! FYI lang no! Nag wo-work-out po ako! May gym kasi dito sa bahay namin.

" oh sisteret narinig mo naman ang sinabi ng iyong mudra, wag ka na munang kakain ng rice dahil susukatan na kita ngayon. Baka hindi mag fit ang gown mo ay nako! Malaking problema yun! "

Nandito na pala yung magsusukat sa akin. So nagpaubaya na lang ako sa kanya para hindi na humaba.

Bawal akong kumain ng rice?! I can't live without rice!
OA na kung OA pero yun ang totoo.

Nang matapos na akong masukatan ay umalis na rin yun nagsukat sa akin at mamadalin na daw niya ang pag tapos nun.

Ni hindi ko nga alam kung anong itsura ng gown ko at malamang si mama na naman ang pumili. Lagi namang siya ang nasusunod eh tss...

Pumunta na ulit ako sa kusina at wala akong nadatnang tao dun kasi nga busy sila sa paglilinis at paga-arrange ng kung ano-ano.

Ayos! Pagtingin ko sa mesa naabutan kong may hotdog, omelette, corn beef at syempre mawawala ba naman ang friedrice! Hmm yum!

Self-service muna tayo ngayon. Kumuha na ako ng pinggan hindi na ako kumuha ng kutsara at tinidor dahil mas masarap magkamay. Try nyo!

Kumuha na ako ng ulam at kanin..

Natatakam na ako. Inginanga ko ng malaki ang bunganga ko, susubo na sana ako ng may pumigil sa kamay ko. Nanatili akong nakanganga ng makita ko ulit si mama. Akala ko ba umalis na siya?

" Charity Michelle! Sinabi ng huwag kang kakain ng kanin! Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka. Manang!! " tinawag niya si manang habang tinitignan ako ng masama.

*Pout* bakit ganito ang mama ko lord? Ayaw akong pakainin huhu

Nakita kong nagmamadali si manang papunta sa amin dito sa kusina.

" Bakit? Anong nangyare? May problema ba? " nakakunot ang kilay na sabi ni manang na tila nagtataka kung bakit sumigaw si mama.

" manang simula ngayon hanggang sa mag birthday si Charity Michelle ay wag na wag ho kayong aalis dito sa kusina "

Nakita kong nagulat si manang at tinignan ako. Bumaling sa kamay kong hawak-hawak ni mama. At mukhang na gets na niya.

" wag niyo po munang hahayaang kumain si Charity Michelle ng kanin kung maaari. Kahit ano pwedeng kainin basta wag lang ang kanin manang ok? Baka tumaba iyang batang yan sayang ang ipinagawa kong gown kung hindi kakasya sa kanya "

Ha! As if naman papayag yang si manang eh ayaw na ayaw niya nga akong nagugutom eh haha.
Haaaay nako mama, mamaya si manang pa ang magbibigay mismo ng kani-

" ganun ba? Sige, sige ako ng bahala hindi ko bibigyan si Charity ng kanin kahit anong mangyari. Maghalo man ang balat sa tinalupan " (tama ba? XD)

Napanganga na lang ulit ako sa sinabi ni manang at nang kuhanin niya ang pinggan ko at ang hawak kong kutsara na may laman na sanay isusubo ko na sana.

Jusko! Maawa po kayo't mahabag!
Nakisali pa si manang sa pakulo ni mama.

Tsk! Naman oh! Gutom na po ako! Help please! Huhuhu.

.....

3:30 pm na ng hapon, tapos na kaming mag food tasting ni mama na ihahanda sa debut ko. Mahihilo kayo sa sobrang dami ng inorder ni mama pero infairness masasarap naman.

For main dishes there are:

• Beef Bbq Teriyaki
• Barbequed Spare Ribs
• Chicken Caldereta Roulade
• Beef Steak w/ Mashed Tomatoes
• Morcon
• Pork Ala Cubana
• Pork Burger Teriyaki
• Savory Pork Chops
• Chili Shrimps
• Creamy Chicken

For Pasta there are:

• Pasta Puttanesca
• Pasta Raisins and Nuts
• Chicken Carrot Spaghetti
• Country Ham and Mushrooms
• Macaroni and Cheese
• Meatballs Spaghetti

For Dessert there are:

• Cassava Yema Balls
• Pancake Balls
• Fruit and Hazelnut Bars
• Fruity Caramel Pie
• Fruity Choco Gelatin
• Rocky Road Fruit Gelatin
• Frozen Fruitcake Salad
• Maja Jubilee

Marami pang iba. Hindi ko na babanggitin natatakam na ata kayo eh hahaha.





















Tip: madaling tumaba mahirap pumayat. Kung gusto mong pumayat don't eat a lot of rice and drink 8 or more glasses a day plus proper diet and exercise. Kung gusto namang tumaba kain lang ng kain, huwag mag pupuyat dahil nakakabagal yun ng metabolism sa katawan baka imbes na tumaba ka maging ting-ting ka na.
share lang this.














-ellimaCutie

Don't forget to leave votes and comments. Thanks

A/N: may part two po itech.

Add niyo ako sa facebook mga bes.  'Camille B. Gaspar' 😘
Pa follow na rin sa instagram
'cmllegspr11' lulubusin ko na hahaha😂

Xoxo:*

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon