SIWMB 22: ❤ WEIRD

2.4K 125 3
                                    

CM P.O.V

Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko.

Its been a week ng malaman kong official na sina JM at Margarette at nang masaksihan ko ang hindi ko dapat masaksihan -_____-

Talagang sa harap ko pa. Kung gagawin nila yun pwede, dun naman sa tagong lugar, masyado silang showy hmp!

Haaaaay siguro nga mag move-on na lang ako kay JM.. wala rin namang patutunguhan itong nararamdaman ko eh.

Sabihin ko man kay JM ang nararamdaman ko. Wala namang magbabago.

Kung may magbabago, siya yun
Yung pakikitungo niya sakin.

Baka iwasan niya ako kasi akala niya bestfriend lang ang tingin ko sa kanya, kaya di ko na lang sasabihin.

Mananatili na lang na lihim itong nararamdaman ko. Kaya nga ang title ng story na ito ay 'Secretly Inlove With My Bestfriend' eh SECRETLY -______-

Kung sasabihin ko kay JM itong nararamdaman ko edi balewala na yung title ng story, Tss...

Saturday ngayon kaya kahit magdamag akong humilata dito sa kama ko ok lang. Wala rin naman akong gagawin, walang magawa

Ring ring ring

Biglang nag ring yung cp ko at nung tignan ko kung sino ang tumatawag ganito na lang ang itsura ko.

O___________O

Bakit? Eh kasi...

Si JM tumatawag. Ngayon na lang ulit siya tumawag sakin simula ng maging sila ni Margarette, kaya hindi ko ito expected

" h-hello "

" Hi CM! Good Morning! Free kaba mamaya? "

Bakit niya naman kaya tinatanong kung free ako?

Wala naman akong gagawin mamaya so..

" ah oo Michael, free ako mamaya. Bakit mo naitanong? "

" ayos! gusto sana kitang yayain papuntang mall, wala kasi akong makasama eh ok lang ba? "

Bakit hindi niya isama si Margarette?
Pero masaya ako at ako parin ang nilapitan niya.

Masaya ako na kapag wala si Margarette ako yung hahanapin at kailangan niya.

Hahahaha







Ang tanga -_______-
Ang tanga tanga ko.

Lumalabas na nagiging rebound ako, pero masaya parin ako? Ang tanga ko!

" Wag kang sumama Charity! " sabi ng konsensya ko

" sumama ka Charity! " sabi ng puso ko

Nakapag desisyon na ako,

Dignidad o Pagiging Tanga?

Siyempre Dignidad kaya...











" oo naman Michael ok lang sakin, ano bang oras? "

-___________-

" yun! Dadaanan na lang kita diyan mamaya CM mga 2 pm para hindi na masayadong mainit. Bye "

Binaba na nya yung phone.

= ________= sabi ko nga tanga ako.

Sorry naman. Alam niyo kasi mahirap mamili lalo na't mahal ko yung tao.

Pati ok lang na maging tanga dahil alam ko sa sarili kong matagal na akong tanga simula pa lang ng mahulog ang loob ko kay JM.

Tumayo na ako at dumiretso sa CR para maligo.

Tapos hinubad ko na yung damit ko at pajama, pagkatapos nun sinunod ko nang hubadin yung bra at pant-

Oh my god! May nagbabasa ng pala!

Huhuhu sorry po *ala chichay*

Sige na at mamaya na ulit ako mag po-POV si JM muna.

Private kasi ito eh hehe. Baka may bata ^////^









JM P.O.V

Sinabi ko kay CM na dadaanan ko na lang siya mamayang 2pm

May bibilhin kasi ako sa Mall at alam kung siya lang mismo ang makapagsasabi kung anong magandang regalo.

May pagbibigyan kasi ako.. alam niyo na kung sino.

" kuya! Kakain na! Wag kang ngumiti diyan mag-isa ano ka loko-loko?! " sigaw sakin ni Avril sabay takbo palabas ng kwarto ko

Aba't ito talagang kapatid kong ito. Napaka-baliw. Sigawan ba ako? Ano ba namang masaman ngumiti mag-isa? May problema ba dun?!

Kung na iinggit siya gumaya na lang dapat hindi yung sisigawan pa niya ako . Tsk!

Pagbaba ko naabutan kong naglalagay ng kanin sa kanyang pinggan si Avril at si manang naman ay inihahain ang ulam.

" alam niyo manang, si kuya nagiging weird "

Anong nagiging weird? Ako weird?
Tss...

" oh bakit mo naman nasabi Shanice? "

Oo nga! Paano mo naman nasabing weird ako? ~______~

" eh kasi manang kanina habang papunta akong kwarto niya narinig ko siyang kausap si ate Charity tapos pagkababa niya ng tawag nakita ko siyang nakangiti. Hindi lang po simpleng ngiti manang abot hanggang tenga yung ngiti niya, ano pong ibig sabihin nun? "

Ako abot tenga ang ngiti kanina?

Parang hindi naman.

" ikaw bata ka, ang dami mong napapansin pati ba naman yung kilos ng kuya mo napapansin mo. Baka naman may magandang nangyari o kaya may naalala lang kaya ganun "

Tama si manang ito talagang si Avril pati ako napapansin.

Naalala? Oo may naalala ako kanina kaya nga napangiti na lang ako eh.

" ang ibig niyo pong sabihin kung tao yung naalala o naiisip ni kuya posible kayang inlove siya dito sa taong ito? "

" hmm *tango tango* mismo! Inlove ang kuya mo "

" eh ang alam ko manang sila na nung Margarette na malaki ang mata eh. Tapos inlove parin si kuya sa kanya? Aba ay napakalakas din naman ng appeal ng babaeng yun kung ganun! Sila na nga tapos inlove na inlove parin si kuya sa kanya? Hmp! "

Inlove ako? Inlove ako sa taong iniisip ko?

Paano mangyayaring inlove ako? Eh kami na ni Margarette. Tss

Imposible naman yun kasi...




Hindi si Margarette ang iniisip ko kanina kundi si...


















CM. Ibig sabihin
Inlove ako kay CM??!














Tip: tanga ka kung may mahal kang taong may mahal ng IBA. Akala mo may pag-asa pa? Heh! Wala na kasi may iba na siya! *bitter mode*










-ellimaCutie


Don't forget to vote and comment guys! Salamat!

A/N: ang lame ng update.. napapangitan ako huhuhu T______T
(899 words)

Xoxo:*

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon